Nagising ako nang maaga para maglinis nang biglang may kumatok sa pinto. Itinigil ko ang pagwawalis at pinagbuksan ang tao sa labas. Malaki ang ngiti ni Eric habang may dalang paper bag.
"Good morning."
Nilingon ko ang maliit na hallway dito sa third floor at saka bumaling sa kaniya.
"Bawal lalaki dito. Pa'no ka nakaakyat?"
Ngumuso siya at nagkibit-balikat. Kusa akong napairap dahil paniguradong ginamitan niya ng itsura niya ang kung sino mang nakausap niya sa baba. Ngumiti siya at tinuro ang loob ng unit.
"May I?" Hilaw akong ngumiti at hinayaan siyang makapasok.
"May dala akong almusal." Lumapit siya sa lamesa at inilabas ang dalawang tupperware kaya lumapit ako agad sa water jug para maglagay ng tubig sa dalawang baso.
"Nag-abala ka pa."
"Nakapag-lunch na ako kasama ka. Subukan naman natin ang breakfast?"
Saglit akong napatitig sa kaniya bago ngumiti nang pilit. Sabay kaming kumain habang nag-uusap tungkol sa kung ano-ano. Nahirapan akong panatilihin ang ngiti ko dahil naiisip ko si Sir Eros. Ganito sana ang mga gusto kong gawin kasama siya, pero pinili kong gawin ito kay Eric, kaya kailangan ko na siyang bitiwan. Hindi pwedeng sabay.
Nang matapos kami, inayos ko muna ang pinagkainan namin. "'Yong bag pala na dadalhin ko, nasa kama."
"Is it safe na iwan ang apartment mo nang ilang araw? Parang hindi secured dito."
Tumawa ako at tumango. "Oo naman. Pasensya na ha. Hindi kasi 'to high-end na condo."
Lumingon siya sa 'kin. "That's not what I meant," aniya at saka pumungay ang mga mata.
Lumakad ako palapit sa kaniya at inayos ang kwelyo niya. Agad na lumapat ang palad niya sa baywang ko kaya pinilit kong ngumiti para itago ang kaba.
"Alam ko, inaasar lang kita." Pinindot ko ang ilong niya at kinuha ang cellphone ko sa gilid ng kama. "Let's go?"
Pagdating namin sa sasakyan niya, hindi ako makaimik. Paulit-ulit sa utak ko ang pag-uusap namin ni Sir Eros. Buong gabi ko 'tong iniisip at hindi ko pa rin maalis sa utak ko hanggang ngayon.
"Are you okay?"
Nilingon ko si Eric at tumango. "I'm fine. Maaga pa kasi. Medyo wala pa ako sa mood."
Tumango siya at lumingon sa side mirror. "May nangyari ba?"
Sa kawalan ko sa mood, nawalan din ako ng gana magsinungaling. "Nag-usap kami ni Sir Eros."
"Anong pinag usapan n'yo?"
Bumuntonghininga ako at tumanaw sa labas. "Galit siya."
"Kaya ka ganyan?"
Nilingon ko siya agad at pilit na ngumiti. "Anong ganyan?"
"Lifeless. May nasabi ba siyang nakasakit sa 'yo?"
Tumikhim ko at naupo nang diretso. Tinanaw ko ang mga nadadaanan naming building sa labas. "Wala."
"Tell me, I'll talk to him."
Tumawa ako at umiling. "Ang hilig n'yong dalawa magpaka-white knight. Kaya ko ang sarili ko."
Huminto kami sa isang building at dumiretso sa rooftop nito kung saan naghihintay ang isang chopper. Medyo may kalayuan pero mukhang makakatulog naman ako sa biyahe dahil puyat na puyat ako kagabi.
"Take a rest." Hinila niya ako para makasandal sa kaniya kaya pumikit ako. Marahan niyang hinahaplos ang buhok ko habang nakaakbay sa 'kin ang isang braso niya.
BINABASA MO ANG
When Liars Play
RomanceEros Delvan is the most attractive professor Clariz met at school. Their interactions are always minimal, so she expects to graduate with nothing more than a civil relationship with him. But a wealthy man kills her parents and he is Eros' father. T...