Paglabas namin sa sala, napansin ko agad ang hugasin. "Ako na'ng maghuhugas, Sir. Baka may gagawin ka pa."
Ngumiti siya at saka nilagpasan ako para pumunta sa lababo. Sumunod ako dahil baka maunahan niya ko sa rubber gloves. Nauna nga siyang kunin 'yon pero saka inabot sa 'kin. "I'll help you," alok niya.
Baka bawiin niya ang gloves kaya kinuha ko agad at isinuot. Tumayo kami nang magkatabi sa lababo at saka naghugas. "Sure kang ayaw mo gamitin 'tong gloves, Sir?" tanong ko.
Natawa siya at saka umiling habang binabanlawan ang plato sa kabilang lababo. "Hindi naman talaga ako gumagamit niyan," sagot niya.
Habang naghuhugas, sinubukan niyang abutin ang towel sa kabilang gilid ko. Naestatwa ako dahil sa lapit ng mukha niya. Pinilit kong makabawi agad at marahang umiling. Ang bango niya.
Hindi niya napansin ang pagkagulat ko. Tahimik lang siyang nagpupunas ng baso.
"Breathe," bulong niya.
Lumingon ako sa kaniya. Nanginingiti siya habang nakaawang ang bibig. Napansin niya pala! Umismid ako at nag-focus sa pagbabanlaw ng mga kutsara. Sobrang init ng pisngi ko.
Pagkatapos namin, sumandal siya patalikod sa lababo at nagpunas ng kamay. Nangingiti na naman siya kaya umiwas ako ng tingin.
Natapos na rin ako kaya hinubad ko ang gloves at lumingon sa paligid. Naglinis nga talaga siya.
"What are you thinking?" tanong niya. Nakahalukipkip lang habang nakatingin sa 'kin.
"Hmm, 'di pa ko pwedeng bumalik sa quarters. Malalaman na hindi ako naglinis dito. Bakit ka naman kasi naglinis," sagot ko.
Natawa siya at saka tumango. "Apologies. You can stay if you want. I'll be in my room if you need anything."
Sumimangot ako dahil nakakahiya naman mag-stay dito. Pinanood ko siyang pumasok sa kuwarto niya. Talagang seryoso siya na mag-stay ako? Naupo ako sa counter at kinuha ang cellphone ko para magpalipas ng oras. No choice na.
Gumawa na ng GC para sa groupings namin kay Sir Eros. Binasa ko ang mga napag-usapan at bumoto sa ginawa nilang poll. Nagbigay na rin ako ng suggestions.
Pagkalipas ng 30 minutes, bumukas ang pinto sa kwarto ni Sir Eros. Napaupo ako nang diretso sa counter.
"Snacks?" tanong niya at saka binuksan ang cabinet sa tabi ng fridge. Kumuha siya ng dalawang box ng Pepero at inabot sa 'kin ang isa.
Umiling ako. "Busog pa, Sir."
"Any update sa project niyo?" tanong niya.
Nilingon ko saglit ang cellphone ko. "Fruit shakes," sagot ko habang nangingiti. "Gagawa kami ng fruit shakes."
Napangiti rin siya habang sumusubo ng isang stick ng Pepero. "Excited ka?"
Tumango ako. "Hulaan mo pangalan ng booth namin, Sir."
"Ano?"
"Harlem Shake."
Bigla siyang natawa at tumalikod habang umuubo. Natawa na rin ako habang pinapanood siyang kumuha ng bottled water sa fridge. "Uwi na 'ko, Sir. Gagawa ako ng lettering para sa booth," paalam ko.
Nilingon niya ako at saka sumandal patagilid sa pinto ng fridge. Ayan na naman siya sa model vibes niya.
Dumulas ang cellphone ko sa kamay ko kaya natigil ako sa pagtitig sa kaniya. Buti na lang din. Baka halatang nagdi-dissociate na naman ako rito.
"May mga gamit ako," sabi niya. "Dito ka na gumawa."
Natawa ako habang umiiling. "Baliw ka, Sir." Ngumuso lang siya at nagkibit-balikat. Doon ko lang natantong seryoso siya. "Dito?" paglilinaw ko.

BINABASA MO ANG
When Liars Play
RomanceEros Delvan is the most attractive professor Clariz met at school. Their interactions are always minimal, so she expects to graduate with nothing more than a civil relationship with him. But a wealthy man kills her parents and he is Eros' father. T...