Tahimik lang kami ni Eric buong biyahe dahil mukhang naniniwala naman siyang masama ang pakiramdam ko. Nang matanaw ko ang waiting shed sa labas ng school, naupo ako agad nang diretso habang nakatitig doon.
"Dito mo na lang sa labas i-park."
"Sigurado ka? Pwede naman kitang ibaba mismo sa clinic."
Lumingon ako sa kaniya at ngumiti. "Hindi na. Kaya ko namang lakarin. Ayoko ring i-baby 'yong sama ng pakiramdam ko, baka lumala."
Tumitig na naman siya sa 'kin kaya ngumiti na lang ako at binuksan na ang pinto. Tiningnan ko ang messages ko para malaman kung nasaan si Anjie.
Pagdating ko sa cafeteria, naabutan ko siyang humihigop ng shake sa upuan niyang nasa tabi ng salamin pader. Kanina pa tapos ang lunch break ng karamihan kaya kaunti na lang ang tao rito.
Lumapit ako agad at naupo sa tapat niya. "Nandito ka lang simula kanina?"
Ngumiti siya at inalok ako ng iniinom niyang shake pero umiling ako. "Kumusta lunch n'yo?" tanong niya.
"Ayos lang," sagot ko saka ako bumuntonghininga at tumanaw sa labas.
"Anong ayos lang? Anong ginawa n'yo?"
Nilingon ko siya at saka umismid. "Malamang kumain."
"Saan?"
Hindi ako nakasagot agad pero inamin ko rin. "Sa condo niya."
Umawang ang bibig niya at saka naupo nang diretso. Handa nang sumagap ng tsismis. "OMG? Kayong dalawa lang?"
Saglit akong natahimik habang bumubuhos na sa isip ko ang mga nangyari kanina.
"Oo."
"Sigurado kang kumain lang kayo?" mabilis niyang tanong.
"Oo nga, tara na muna sa library. Magpapaprint lang ako."
Habang naghihintay kami sa isang lamesa, natanaw ko si Sir Eros na naglalakad palapit sa 'min. Tatayo na sana si Anjie kaya pinigilan ko siya pero seryoso siyang bumaling sa 'kin.
"Nasi-CR talaga ako ngayon, sis. Pigilan mo pantog ko?"
Nag-irapan lang kami saka ko siya hinayaang magpunta sa CR. Si Sir Eros naman, hinila ang upuan sa tapat ko kaya lumingon ako agad sa paligid. Dalawa lang ang tao rito sa left wing at malayo sila.
"Magkasama kayo sa condo niya kanina?"
Nilingon ko ang printer na tila biglang bumagal sa pagpi-print. Maryosep. Tinapatan ko siya ng tingin. "Sinundan mo ba kami?" Hindi siya sumagot kaya ngumisi ako agad. "Ano ka, detective?"
"You made me worried sick."
May diin ang bawat salita niya at agad na bumilis ang tibok ng puso ko habang nakikipagtitigan sa kaniya. Parang sa bawat araw na lumilipas, lumalala ang epekto niya sa 'kin. Sana magawa ko itong pigilan hanggang sa makaalis na siya.
Kinuha ko ang libro sa estanteng katabi ng lamesa ko at binuklat ito. Magpapanggap na lang akong nagbabasa para hindi ko na siya kailangang tingnan. "Kumain lang kami. Wala naman siyang ginawa."
"E, ikaw, anong ginawa mo?"
Mabilis akong nag-angat ng tingin. "Wala, okay? Bakit hindi mo na lang ako hayaan?" Kumuyom ang panga niya at hindi na naman nakasagot kaya umirap ako at pinagmasdan siya. "Ano ba talagang gusto mo, Sir?"
"Lumayo ka sa kapatid ko. You are not safe," mabilis niyang sagot.
Muli akong bumaling sa libro kahit wala namang salitang pumapasok sa isip ko. "Tapos, ano? Kalimutan ko ang ginawa nila sa mga magulang ko? Aasa ako sa mga pulis na sandamakmak na ang mga hinahawakang kaso? Gusto mong maghintay lang ako habang si Eric at ang mga magulang mo, nagpapakasarap sa buhay?"
"And what do you think you could do?"
Muli akong nag-angat ng tingin habang naaalala ang sinabi ni Eric sa condo niya. Bagay ngang kambal ang dalawang 'to.
"I can't let you fall for him," aniya.
Suminghap ako at marahang natawa. "I understand your point. Alam kong nag-aalala ka, pero mag-alala ka naman sa tamang bagay. Imposibleng mangyari 'yan."
Unti-unti siyang ngumiti habang umiiling. "Sinabi ko ring imposibleng magkagusto ako sa estudyante ko pero nandito na tayo ngayon."
Muling bumilis ang pintig ng puso ko habang pinagmamasdan siya. Gusto kong yakapin at halikan siya ngayon mismo pero kitang-kita ko ang malaking pader sa pagitan naming dalawa. Isang malaking pader dahil teacher ko siya, dahil anak siya ng pumatay sa mga magulang ko at nakikipaglokohan ako sa kakambal niya. Wala na yatang magandang bagay ang nagkokonekta sa aming dalawa.
Kumuyom ang panga niya habang nakatikom ang labi. "I like you, Clariz."
Napakurap ako kasabay ng tila paglipad ng puso ko sa kung saan. Gustong kong maglupasay at umiyak sa tuwa pero hindi pwede, dahil hindi ko kailanman binalak na pagsabayin sila ng kapatid niya. Hindi niya deserve ito. Tumikhim ako at marahang ngumiti.
"Hindi kita gusto."
"'Wag mong sabihin 'yan para lang lumayo ako."
Kumikirot ang dibdib ko pero pinilit kong tingnan siya nang taas noo. "Hindi kita gusto at hindi kita magugustuhan. Anak ka ng mga taong pumatay sa mga magulang ko. Kapag nakuha ko ang kailangan ko, ayoko na ng kahit anong koneksyon sa inyo."
Inabot niya ang kamay kong nasa lamesa. "Tigilan mo na ang kapatid ko, Clariz. Kung ano man 'tong sinimulan mo sa kaniya, ito mismo ang ikapapahamak mo."
Tumayo na ako at kinuha ang mga pinaprint ko. "Kargo ko ang sarili ko kaya 'wag ka nang mag-alala." Nilingon ko siya. "At 'yang nararamdaman mo? Lilipas din 'yan." Nagbara ang lalamunan ko habang naninikip ang dibdib ko.
Dumiretso na ako sa banyo para puntahan si Anjie. Bumaba siya sa lababo at lumapit. "Oh, anong nangyari?"
"Wala, nag-usap lang kami."
Nadaanan pa namin si Sir pero hindi ko na siya nilingon hanggang sa makalabas kami. Parang lumulutang ang oras matapos ng usapan naming 'yon at hindi ko na namalayang nandito na ako sa classroom, sa subject ni Sir Eros at nakikinig sa lecture niya.
"Because you see, it is normal for people to protect what they have..." Umangat ang tingin ko sa kaniya habang kino-connect niya ang lecture sa kung ano mang life lesson na baon niya ngayon. "So with all your might, be there for your loved ones, be there on their darkest days and coldest nights. Your presence means a lot to someone who loves you."
Nangilid agad ang luha ko kaya tumitig na lang ako sa white board kung saan naka-project ang presentation niya. I wish I could accept him in my darkest days and coldest night pero hindi pwede. Dahil nakapili na 'ko at hindi na ako nag-aasam pang magkaroon kami ng tiyansa. Malabo at walang pahintulot ng tadhana.
"Hoy babaita, okay ka lang?"
Kinalabit ako ni Anjie kaya nilingon ko siya. Tumango ako agad bago naupo nang diretso. Nang lingunin ko si Sir, nagtama ang tingin namin kaya natigilan ako agad.
Kitang-kita ko sa mga mata niyang tila ba nawalan na siya ng pag-asa sa akin. Hindi na siya magpapasensya pa. Ayaw niya na.
Nang matapos ang klase, nakasunod lang sa 'kin si Anjie habang naglalakad kami palabas ng gate. "Ano, cold cold-an pa rin ba kayo ni Sir Eros?"
Pinilit ko na lang ngumiti at umirap. "Hindi naman talaga kami close, 'di ba?"
"Sus, halatang gusto ka niya at gusto mo rin siya. Galaw-galaw baka mapunta sa iba."
Hindi na ako sumagot at nagpaalam na sa kaniya nang maghiwalay kami sa gate. Walang makakaunawa sa 'kin kundi sarili ko lang kaya kung mas maagang matatapos 'to, mas mabuti. Hindi ko naabutan si Sir Eros pagdating ko sa unit niya at natapos na rin ako nang hindi siya dumarating. Wala akong balak hintayin siya kaya nagbihis na ako para makauwi.
Hindi rin nagparamdam si Eric kahit sa text pero nalulungkot lang ako para sa amin ni Sir Eros. Kailangan ko na talagang masanay na unti-unti kaming nagkakalayo ng loob. Darating ang araw na gigising na lang akong wala na siya at kailangan kong maging handa.
Mahal ko siya, pero hindi ko nakikitang sapat ang dahilang 'to para isuko ang pagkamit ng hustisya.
BINABASA MO ANG
When Liars Play
Storie d'amoreEros Delvan is the most attractive professor Clariz met at school. Their interactions are always minimal, so she expects to graduate with nothing more than a civil relationship with him. But a wealthy man kills her parents and he is Eros' father. T...