Chapter 29

11.4K 190 16
                                    

May schedule ang pag-a-apply kapag namili ka sa mga in-offer ng school kaya nasa shuttle ako ngayon na papunta sa Citileaf Hotel kasama ang iba ko pang ka-college na dito rin piniling mag-OJT. Unang araw na ng sembreak at ngayon kami naka-schedule para sa application.

Pagbaba namin sa parking sa labas ng hotel, hinanap ko agad ang sasakyan ni Officer Reyes. Bumaba siya at tumango sa 'kin kaya humarap na ako sa mga kasama ko. Buong umaga akong nag-asikaso mula sa pagpasa ng requirements hanggang sa interview.

Lumapit ako agad kay Ma'am Cathy nang isa-isa nang sumasakay sa shuttle ang mga kasama ko. "Ma'am, may sundo po ako kaya hindi na 'ko sasabay."

Tumango siya at ngumiti. "Sige, nalaman ko ngang may police escort ka. Anong nangyari?"

"Mahabang kwento, Ma'am." Tipid akong ngumiti at umatras na habang pinanonood silang makaalis.

Nang umandar palayo ang bus, lumapit na ako kay Officer Reyes na katatapos lang sa katawagan niya. "Mamayang hapon na 'yong arraignment. Ihahatid kita."

Kumalabog ang dibdib ko at marahang tumango. Ngayon ko na lang ulit makikita ang mag-ama makalipas ang ilaw araw. Dahil biglaan, wala nang oras para lumuwas ang mga kamag-anak ko kaya tinawagan ko na lang si Tito Kuse.

"Tito, ngayong araw 'yong arraignment. Pasensya na ngayon ko lang din nalaman."

"Naku, ayos lang. Mahihirapan na rin kaming lumuwas. Pero sa hearing, sabihan mo kami ng schedule para mapaghandaan."

"Opo, ingat po kayo riyan."

"Ikaw din, Isay. Mag-isa ka pa naman diyan. Dito ka na kaya muna sa undas?"

"Pag-iisipan ko po, tito. Sige na po, ingat kayo."

Pagbalik namin sa ospital, nanananghalian na si Nico. "Hello, Ate Clariz. Kinain ko lahat ng prutas na binili mo."

"Yay! Mamayang gabi, bibilhan kita ulit."

Bumukas ang pinto at pumasok si Officer Gino dala ang isang paper bag. "Kumain ka na?" tanong niya sa 'kin.

Marahan akong umiling at pinanood siyang ilabas ang dala niyang mga pagkain.

"Maraming Belinda Dorias kaya pina-identify ko kay Jack kung sino roon 'yong asawa niya."

"Anong sabi niya?"

Kinuha niya ang isang papel sa wallet niya at inabot sa 'kin kaya binasa ko agad ang mga nakasulat.

"Nakuha ko 'yan sa isang agency. Kasambahay siya sa Manila pero ang sabi nila ro'n, tatlong taon na siyang hindi nagpapakita. Tatlong taon na rin mula no'ng iwan niya 'yong mag-ama niya kaya malamang, malaki ang dahilan kung bakit siya nawala. 'Yan 'yong mga address kung saan siya nagtrabahong kasambahay. 'Yong huli, bahay ni Eros Delvan."

Dumapo ang tingin ko sa hawak kong papel. "Bahay ni... Eros Delvan? Sa Manila?"

"Oo, sabi ni Dorias, hindi niya alam na nagtatrabaho din sa isang Delvan 'yong asawa niya."

"Kung gano'n, kay Eros Delvan siya nagtatrabaho no'ng nawala siya?"

"Hindi ko alam. Kailangan muna natin siyang i-file as missing person bago makapag-imbestiga nang malalim tungkol diyan. Sa mga CCTV at kwento ng mga kapitbahay nila natin malalaman kung nawala ba siya habang, o pagkatapos niyang magtrabaho kay sa Eros Delvan."

Sabay-sabay kaming kumain habang nagkukwento si Nico tungkol sa binasa niyang short story.

"Tapos po, nalaman ng King na 'yong servant pala 'yong mabait at hindi 'yong prinsipe."

Tumango ako habang ipinagbabalat siya ng orange. "So, anong natutunan mo sa kwento?"

"Na hindi po dahil prince, ibig sabihin, nagsasabi ng totoo."

When Liars PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon