Dahil celebration ng Civil Service Month, hindi required ang attendance. Sinulit ko na ang chance na magpahinga at pumirmi sa apartment ko.
Paglabas ko sa banyo, napansin ko ang missed calls ni Mama kaya tinawagan ko siya. "Hello, Ma."
"Isay. . ."
Naupo ako sa gilid ng kama. Problemado ang boses niya. "Po?"
"May kumukuha na sa lupa natin dito. Pinapauwi ka ng papa mo para makuha 'yong ibang gamit at madala mo diyan. Hindi na namin kayang ilaban 'yong lupa kasi wala tayong titulo."
Natulala ako. Sa tanang buhay ko, hindi ko pa na-encounter na nagkaroon kami ng problema sa lupa. All this time, akala ko sa 'min 'yon.
"Sige, Ma. Luluwas ako."
Nag-text ako kay Anjie na hindi na ako matutuloy.
Nagdala ako ng gym bag at dumiretso sa terminal ng bus. Apat na oras ang biyahe kaya tanghali na ako nakarating. Pagbaba ko sa tricycle, pinagmasdan ko ang palayan sa harap ko at ang bahay namin sa dulo. Dito na ako nagkaisip at nagdalaga. Hindi ko in-expect na pwedeng mawala sa 'min 'to. Halos 30 years ang lupang 'to sa parents ko.
Walang tao sa bahay pagpasok ko sa sala. Sa kusina ko naabutan si Mama at Papa. Naghahapunan na.
"Ma, Pa."
Nilingon nila ako at agad na napangiti. Tumayo si Mama para kumuha ng isa pang plato. "Dapat sinabi mong malapit ka na para nasundo ka namin sa terminal."
"Naghapunan ka na ba? Kain na," sabi ni Papa.
Pag-upo ko, damang-dama ko ang lungkot nila kahit pilit silang ngumingiti sa 'kin. Nagsandok ako ng kanin at bumaling kay Mama. "Kailan pa 'tong tungkol sa pagkuha ng lupa natin?" tanong ko.
Napabuntonghininga siya habang naglalagay ng ulam sa plato ko. "Medyo matagal na din. Mga tito at tita mo, nagtulong-tulong na para magpetisyon kay Mayor. Wala naman nangyari. Kaibigan pala ni Mayor 'yong kumukuha ng lupa."
"Ano daw gagawin nila dito?"
Tinuro ni Papa ang bukas na bintana. "Golf club daw."
"Binigay sa 'tin 'tong lupa ng amo niyo, 'di ba?"
Tumango si Papa at nagkamot ng noo. "Nabili ng negosyante sa Maynila 'yong lupa at nagkapirmahan sa panganay ni Sir Alfredo."
"Mga Delvan daw. Kilala sa Maynila," dugtong ni Mama.
Marahan kong naibaba ang hawak kong kubyertos. "Delvan?"
Suminghap si Papa at umiling. "Ilang taon na tayo rito, 'di namin alam na may magkaka-interes pa. Sila Tito Kuse mo, lilipat sa Ilocos kasi may kaibigan doon na nag-alok ng trabaho at matutuluyan. Pati ibang tito at tita mo, lilipat na."
Napasandal ako sa upuan ko. Gano'n na lang 'yon? Kahit pamilya ko ang nagsaka sa lugar na 'to nang ilang dekada, pwede silang paalisin nang basta lang.
Bumara ang lalamunan ko. Ang sakit na wala kaming magawa. Hindi ko rin naman masisi sila Tito Kuse dahil may mga anak sila. Kapag may negosyanteng nagkakainteres sa lupa, madalas may namamatay.
Ramon Eros Delvan ang full name ni Sir Eros. Kamag-anak niya kaya 'yong negosyanteng Delvan? Kung kamag-anak niya nga, baka pwede niya 'kong tulungan?
Nilingon ko si Papa at tipid na ngumiti. "May kakilala akong Delvan, 'di ko sigurado kung kamag-anak pero magtatanong ako. Baka sakaling pwede nating pakiusapan."
"Negosyo 'to, Clariz. Hindi 'yan madadaan sa pakiusap. Inalok kami ng tig-limang libo at relocation site pero pagpunta roon ng Tito Rey mo, malayo ang sa eskwelahan, palengke tsaka ospital."
BINABASA MO ANG
When Liars Play
RomanceEros Delvan is the most attractive professor Clariz met at school. Their interactions are always minimal, so she expects to graduate with nothing more than a civil relationship with him. But a wealthy man kills her parents and he is Eros' father. T...