Chapter 35 - Finale

26.3K 387 93
                                    

Wow.

"Eros..." Namangha ako habang pinagmamasdan ang sinag ng araw na tumama sa gwapo niyang mukha. Tumayo ako agad nang diretso at hinanap ang panyo sa bag ko.

"Let me help you," aniya.

Nang makuha niya ang baso sa kamay ko, dali-dali akong nagpunas ng kamay at pulsuhan. Lumapit naman siya sa trash can sa gilid kaya nagkaroon ako ng pagkakataong tingnan siya nang mabuti. Nakasuot siya ng isang itim na suit at may hawak na cup holder para sa dalawang baso ng kape.

Nang makalapit siya sa 'kin, inangat niya ang dala niya. "Coffee?"

Napangiti ako agad habang nagkakamot ng batok. "Thanks."

Kinuha niya ang isa at inabot sa 'kin pero nang mahawakan ko ito, saka ko lang napagtantong baka hindi ito para sa 'kin.

"Baka naman binili mo 'to para sa iba?"

Inikot niya ang baso kaya tiningnan ko ito at nakita ang pangalan ko. Ngumiti ako agad at nag-angat ng tingin habang sabay kaming naglalakad. "Paano mo naman nalamang ito ang iniinom ko?"

Lumapit siya at bumulong kaya napahigpit ang hawak ko sa baso ng kape. "Tana likes me for you, so she let me know."

Tila kumot na bumalot sa katawan ko ang boses niya. Hindi ko alam kung kakalma ba ako dahil malumanay o manlalamig sa kakaibang lalim nito.

Nilingon ko siya pero agad din akong napaiwas dahil sa lapit ng mukha niya. I cleared my throat and looked around.

"Ang laki ng pinagbago."

Itinuro niya ang sikat na pader kung saan naka-frame pa rin ang abstract painting ng isang child with special needs na anak ng may-ari ng school.

"But some things remain."

Ngumiti ako at pinagmasdan 'yon. "Hindi nabubura, hindi nagpe-fade," dugtong ko.

Pagdating namin sa event room, agad kaming pinagmasdan ng mga estudyante. Literal na napanganga ang ilang babae habang nakasulyap kay Eros. Napangiti ako nang matanaw ang isang estudyante na nahampas pa ang katabi niya. I remember those days na palihim lang akong nagkakagusto kay Eros.

Lumapit sa 'kin ang isang estudyante at ngumiti. "Good afternoon, Ma'am, Sir. This way po." Iginiya niya kami palapit sa isang lamesa kung saan nakaupo na ang isa pang lalaki. Nang mapansin niya 'ko, ngumiti ako agad at nakipagkamay.

"Clariz Belleza," pakilala ko.

"Toby Castillo. Nice to meet you."

Naupo na ako habang si Eros naman ang nakipagkilala. Maya-maya, lumapit si Mr. Adeja, ang adviser ng klase at siyang nag-invite sa 'kin para mag-judge. We talked for a while bago sinimulan ang event.

"Ladies and gentlemen, we are all gathered here for the final assessment of our students from IV-HRM A. Nagpalakpakan ang mga estudyanteng nasa harap namin na siyang idya-judge namin para sa assessment na 'to.

"Let's now begin, the table setting."

Tiningnan ko ang screen kung saan umaandar ang countdown. May isang plain na bilog at plain na parihabang lamesa sa harap namin. Pinanood namin silang mag-set ng table at nang matapos, pinatayo kami para tingnan ang naayos nila.

Natigilan ako nang sabay na maglahad ng kamay si Toby at Eros bago ako tumayo.

Ibinaba agad ni Toby ang kamay niya. "I'll take this for you, instead." Saka niya kinuha ang score sheet at ballpen sa lamesa ko. Mabilis ang pintig ng puso ko nang tanggapin ang kamay ni Eros at hayaan siyang igiya ako patungo sa lamesa.

When Liars PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon