Lumilipad ang isip ko habang pinanonood ang isang estudyante na i-explain ang project nila. In-excuse kami sa isang subject para bisitahin ang science exhibit na 'to kaya nandito kami sa Rizal Hall para maglibot.
"Girl, ano na, okay ka lang?"
Napalingon ako kay Anjie na nasa unahan ko na at papunta na sa kabilang booth.
"Sorry, kulang ako sa tulog."
Hinila niya na ang braso ko at sabay kaming naglakad. "So, may napili ka na kung saan ka mag-o-OJT, or maghahanap ka sa iba?"
"Nag-offer si Eric."
Lumingon siya agad sa 'kin. "Weh? Kailan? Close na ba kayo?"
"Hindi naman..." Tumikhim ako at inabala ang sarili sa panonood pero maya-maya, kinalabit ako ni Anjie. "CR lang ako."
Naglakad na agad siya palayo kaya sinundan ko siya ng tingin. Pagbalik ng tingin ko sa booth, nagulat ako nang makitang si Sir Eros na ang katabi ko. Humakbang na ako paatras pero nahila niya ako sa braso kaya ngayon, pareho na kaming nakaharap sa booth nang hindi nililingon ang isa't isa.
"Ano 'yon, Sir?"
"Kapatid ko mismo ang dahilan kung bakit nangyari 'yon sa Papa mo."
Nanikip agad ang dibdib ko pero hindi ako nagpakita ng kahit anong reaksyon. "Kung sinabi mo lang ang mga sinabi mo kanina dahil gusto mong makaangat sa kapatid mo..." Nilingon ko siya. "Ang pathetic mo."
Kumuyom ang panga niya at handa nang lingunin ako kaya ibinalik ko ang tingin ko sa estudyanteng nagsasalita sa harap.
"Sinabi ko 'yon para malaman mo kung anong klaseng tao siya. Isang araw, magugulat ka na lang, you're just a mean to an end."
"Bakit? Para saan pa ba ako gagamitin ng kapatid mo? Ano ba sa tingin mong magiging silbi ko?" Hindi siya nakasagot kaya umismid ako. "O gusto mo lang malaman ko kung gaano siya kasama, dahil threatened ka?"
"Dahil nag-aalala ako."
"Bakit hindi mo na lang amining nagseselos ka?"
"Pinoprotektahan kita sa paraang alam ko kaya makinig ka sana."
Napakurap ako at pinilit na ngumiti. Siguro, platonic lang talaga ang pag-aalala niya.
Ano bang kahibangan 'to, Clariz? Gumising ka. Ikaw ang pathetic, ikaw ang mukhang tanga.
Tumunog ang cellphone ko kaya binasa ko ang text.
Hayaan mo 'kong magpaliwanag. Lunch? Susunduin kita mamaya.
"Matatapos na 'ko sa pagsa-sub next month," biglang niyang sabi.
Tinago ko na ang cellphone ko at ibinalik ang tingin sa harap. "Mabuti." Saka ko siya nilingon. "Kapag hindi mo na ako estudyante, hindi mo na rin ako responsibilidad. Makakapag-focus ka na sa sarili mong buhay."
Hindi ko na siya hinayaang sumagot at nagpunta na sa pinakamalapit na CR. Sa pinto, pinagmasdan ko si Anjie na nagse-cellphone sa gilid ng lababo.
"Sa susunod, 'wag ka nang aalis kapag nandiyan si Sir Eros."
Napalingon siya sa 'kin at agad na bumaba. "Seryosong-seryoso kasi 'yong mukha niya no'ng naglalakad siya palapit, kaya naisip kong baka gusto kang kausapin."
"Magla-lunch ako kasama si Eric."
Napanganga siya agad at lumapit sa 'kin. "Sis?! Close nga kayo? Bakit?"
"Anong bakit?"
"I mean, you know?!"
Ngumiti ako at hinila na siya para maglakad. "Makisama ka na lang."
Huminto siya sa paglalakad kaya natigil din ako. Paglingon ko sa kaniya, seryoso na ang mukha niya. "Umamin ka nga. Anong plano mo sa kambal ni Sir?"
Napalunok ako. Hindi ko alam kung aamin ba ako - kung may silbi bang umamin, kung mas okay bang sarilihin ko na lang 'to. Siguradong pipilitin ako nito hanggang sa malaman niya. She's been with me for years, I think she deserves to know.
BINABASA MO ANG
When Liars Play
RomanceEros Delvan is the most attractive professor Clariz met at school. Their interactions are always minimal, so she expects to graduate with nothing more than a civil relationship with him. But a wealthy man kills her parents and he is Eros' father. T...