Chapter 33

12.6K 215 14
                                    

It's been a week pero madalas ko pa ring naiisip ang dinner na 'yon. Kaunti na lang, magri-research na ako tungkol kay Eros pero pinipigilan ko ang sarili ko. Baka kasi kapag nalaman ko ang whereabouts niya ngayon, gumawa pa ako ng paraan para makita siya.

Hinintay ko si Kiara na matapos sa pagpirma at saka naglahad ng kamay. "Thank you for renewing your contract with us, Kiara."

Ngumiti siya at nakipagkamay. "Maaga po akong naturuan tungkol sa loyalty kaya hindi ako nagdalawang-isip."

Tumabi na ako sa kaniya para sa picture-taking. Nang matapos kami, lumapit agad si Tana. "Ma'am."

"Yes?"

"Si Dexter po."

Humarap ako agad kay Kiara at hinaplos ang balikat niya. "May interview ka pa, I'll go ahead."

"Sige, Ma'am. Have a nice day!"

Paglabas namin sa hall, ipinakita sa 'kin ni Tana ang isang video at natigilan ako agad habang pinanonood ito.

"Nakainom at may nakasuntukan sa Xylo."

Mas lalo akong nagulat nang makita kung sino ang nakasuntukan niya. "Where is he?!"

"Nasa police station po. Naka-blotter na. May nauna na ring media roon kaya, naibalita na."

Pumunta kami agad sa police station at hinanap siya. Nang matanaw kami ni Dexter, tumayo siya agad habang nanlulumo. "Ma'am Riz..."

"What did you do? Bukas na 'yong simula ng shoot mo and then this?!"

Hinarap ko agad ang pulis na nasa gilid ko. "Paano po siya makalalabas dito?"

"Hinihintay pa naming mag-file ng complaint 'yong nasuntok niya pero wala pa hanggang ngayon. After 24 hours, kapag hindi nag-file ng complaint, makalalabas na siya."

"24 hours?"

Tumango ang pulis kaya napabuntonghininga na lang ako. Sinamaan ko ng tingin si Dexter at nilapitan siya. "Kung palagi kang ganito, you won't last long in this industry."

Lumabas na ako roon at binuksan ang sasakyan ko.

"Ma'am, ano nang gagawin natin? Maghihintay na lang ba tayo? 6 A.M. 'yong call time ng shoot ni Dexter bukas. Hindi siya aabot."

Hinarap ko si Tana at saka bumuntonghininga. "Ihahatid kita pabalik sa opisina. I need to go somewhere."

Nang maihatid ko siya, dumiretso ako sa bahay ni Eros. Hindi ko sigurado kung dito pa siya nakatira pero I can't just wait. Nang maiparada ko ang sasakyan ko sa tapat ng gate ng bahay niya, may isang guard agad ang nagbukas ng maliit na gate.

Bumaba ako at lumapit sa guard. "Good afternoon. I'm Clariz. Nandito ba si Eros Delvan? Kailangan ko lang siyang makausap."

"Sandali lang, Ma'am."

Nagsalita siya sa two-way radio na hawak niya. "Bisita, Sir. Clariz daw."

"Let her in," narinig kong sagot ni Eros sa kabilang radio.

Ngumiti ako sa guard at pumasok na. Pagbukas ko ng pinto, isang maid naman ang lumapit sa 'kin.

"Ma'am, naglilinis kasi ako rito sa baba. Puntahan n'yo na lang daw si Sir sa library. Second floor po, unang pinto sa kanan."

"Okay, thanks." Umakyat ako sa hagdan at nang makatigil ako sa tapat ng pinto, saka lang ako nakaramdam ng kaba. Ngayon lang tuluyang nag-sink in sa 'kin na nasa loob ako ng bahay ni Eros makalipas ang ilang taon. Bumuntonghininga pa ako ulit bago kumatok.

"It's open," sagot niya.

Umiling ako at pinawi ang kaba. Nakita mo na siya no'ng nakaraang linggo, Clariz, calm down.

Pinihit ko ang pinto at hinanap agad siya pero natigilan ako nang makita siyang nilalapatan ng cold compress ang mukha niya.

Pumasok ako agad at lumapit sa sofa. "I'm sorry." Kumunot ang noo niya at saglit na tumitig sa 'kin. Saka ko lang napagtantong hindi niya ako naintindihan.

"I mean, Dexter. Dexter is my artist."

Pumikit siya at naupo nang maayos. Naupo rin ako sa tabi niya at pinagmasdan ang kamao niyang dumudugo. "That must've hurt."

"I'm fine."

Nang makita ko ang first aid kit sa coffee table, pinulot ko ang cotton pad at kinuha ang kamay niya para malagyan naman ng betadine ang sugat niya.

"At this moment, you must probably know why I'm here..." bulong ko.

Tiningala ko siya habang pinagmamasdan niya ang mga kamay namin. "I, uh..." Hindi siya nag-angat ng tingin kaya bahagya akong yumuko para magtama ang tingin namin. Naupo siya nang diretso at gano'n din ako. Tipid akong ngumiti at pinagpatuloy ang paglilinis ng sugat niya. "About Dexter..."

"Hindi na ako magpa-file ng complaint."

Nabuhayan ako agad. "May contact ka ba sa mga pulis? P-pwede mo na bang itawag?"

Kinuha niya ang cellphone niya sa coffee table at saka nag-dial. "Hello, Sir. Ilabas n'yo na 'yong Dexter..."

Lumingon siya sa 'kin at saglit akong tinitigan bago ko napagtanto ang hinihingi niya.

"Velarde," bulong ko.

"Dexter Velarde. Yes, hindi na ako magpa-file. Paki-release na."

Hindi ko na napigil ang ngiti ko habang ginagamot ang sugat niya. Pinahiran ko na rin ng ointment matapos kong linisin. Nang lingunin ko siya, nakatitig na naman siya sa 'kin kaya tumikhim ako. Umiwas siya ng tingin at tumikhim din.

"Sana, hindi mo maisip na suhol 'to," sabi ko saka ko marahang itinaas ang kamay niya. "I'm really worried."

"Salamat."

"Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Dexter pero promise, pagsasabihan ko siya and I'll hold him accountable base sa internal regulations namin."

Tumango siya at pinagmasdan ako. "Wala talaga akong balak mag-file. Gusto ko lang sanang magpalipas siya ng gabi ro'n, but I saw you again because of that kid, so it must be destined."

Napanganga ako bago marahang umiling at ngumiti. "No one is ever destined to be assaulted, okay? What he did was wrong."

"How are you?" bigla niyang tanong.

Yumuko ako at marahang binalutan ng bandage ang kamao niya. "I'm good. Alam mo naman na, I have my own talent agency. I named it Daybreak Studios. I don't know if you watch TV or concerts pero sa 'min galing si James Kay, Tifanny De Jesus at Kiara Arman." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "How about you? Hindi ka nakapagkwento sa dinner kasama si Ma'am Danghay."

Ngumiti siya habang pinagmamasdan ang kamay naming dalawa. "I own a chain of Asian restaurants across Luzon. We're expanding in Visayas."

"What's the name? I'll recommend it to my secretary kapag may company dinner kami." Nginitian ko siya pero sa isip ko, binabatukan ko na ang sarili ko. Whatever. It's not bad to be friends with him, right? Or are we in an all-or-nothing setup?

"Luna Asian Cuisine. Tell your studio's name sa receptionist para may discount."

Natawa ako agad habang tumatango. "I usually pay for company dinner kaya okay 'yang discount." Nang matapos ako, kinuha ko na ang bag ko at hinarap siya. Marahan niyang binubuksan at isinasara ang kamao para mag adjust.

"Kailangan ko nang umuwi. Nag-promise ako ng movie night kay Nico, e."

Ngumiti siya at tumayo na rin. "He's a nice kid."

Tumango ako at hinayaan siyang ihatid ako palabas. "Sobrang swerte ko ngang nakilala ko siya. Siya 'yong nag-iisang dahilan bakit na-survive ko 'yong lungkot. Happy pill ko 'yong batang 'yon, e."

Nang makarating kami sa pinto, hinarap ko siya at kinawayan. "Thank you for letting Dexter off the hook. See you when I see you... Eros."

Tumango siya at pinihit pabukas ang pinto. "See you when I see you."

Habang naglalakad ako pabalik sa sasakyan ko, hindi ko mapigil ang sayang nararamdaman ko. Para bang isang magandang bulaklak na namumukadkad. Parang araw na unti-unting sumisilip matapos ang mahabang gabi.

Daybreak.

When Liars PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon