Sobrang ingay ng paligid. Kahit saan ako lumingon, tumatama sa mukha ko ang makukulay na ilaw.
Halos mabingi na rin ako sa lakas ng tugtog. Nag-e-enjoy masyado ang mga bisita sa playlist ng kinuhang DJ kaya nagsasayawan at nagsisitalon sila kahit saan man sila nakatayo.
Hindi ako fan ng house party ng mga mayayaman pero napadpad pa rin ako rito. Sinulit ko tuloy uminom tutal napilitan na rin akong pumunta.
Ang drawback lang, nasusuka na 'ko sa dami kong nainom.
Ibinaon ko ang mukha ko sa dalawa kong palad habang nakapatong ang siko ko sa counter ng mobile bar. Hilong-hilo pa 'ko kaya mamaya na 'ko maghahanap ng banyo.
"Hi!" sigaw ng lalaking tumabi sa 'kin dito sa mobile bar.
Nakasigaw siya dahil sa lakas ng music pero sobrang lapit din ng bibig niya sa tainga ko kaya napaigtad ako sa gulat. Fucking hell.
"I'm Jacob," pakilala niya nang pabulong.
Pinilit kong ngumiti at saka nilapit sa tainga niya ang bibig ko. "Clariz," sagot ko.
"Kanina ka pa ba dumating?" tanong niya.
Tumango ako bago tumungga sa baso. Siyempre kahit nahihilo na, g pa rin ako uminom. Mamaya na ko hihingi ng tulong kay Lord.
Sinubukan kong hanapin si Anjie sa mga natatanaw kong tao sa likod ko pero hindi ko siya makita. Malapit nang mag-alas dos, kailangan na naming umuwi. Baka hindi kami magising para sa class mamaya.
"This house party is really fun," sabi ni Jacob habang lumilingon sa paligid at marahang naghe-headbang.
"First time?" tanong ko.
Napangiti siya agad at umiling. "I've been to parties pero hindi ganito ka. . ." nahirapang siyang mag-isip ng sasabihin.
"Wild?" dugtong ko.
Tumango siya at saka ngumiti. "Yeah, but Rade also invited the professors?" Saka niya itinuro ang railings sa ikalawang palapag.
Nilingon ko 'yon. Mas tahimik at mas madilim kumpara dito sa baba. "They probably need the break," sabi ko. Nakakailang nga lang kapag nasasalubong mo sila.
Sa gilid ng mata ko, natanaw ko ang palad ni Jacob na nakalahad kaya nilingon ko siya. "Uh, care to dance?" tanong niya.
"Wala ako sa mood," diretsong sagot ko. Tumungga ako ulit sa baso. Kahit anong sabi kong ayoko na, hinahanap talaga ng lalamunan ko 'yong alak.
"Why, existential crisis?"
Marahan kong inikot ang laman ng baso ko para tunawin 'yong yelo. "Hindi naman. Hindi lang ako inspired sa kahit ano bukod sa pag-aaral. Parang walang bumubuhay ng dugo ko. Para 'kong nakalutang. Just trying to get by every day."
"Some people have it worse."
Tumango ako at pilit na ngumiti. "Alam ko. Alam kong maswerte pa ako kasi nakakapag-aral ako sa isang private school kasi 'yong iba, hindi talaga makapag-aral." Natahimik kami saglit bago lumitaw sa isip ko ang isang tanong. "Have you ever—" nilingon ko siya "—tried looking for trouble?"
Kumunot ang noo niya at saka ngumiti. "Never. My mom would kill me."
Natawa ako at saka tumango. "Good for you."
Narinig kong may tumawag sa pangalan niya kaya bumaba na siya sa upuan at hinaplos ang braso ko. "It's nice talking to you. I hope you find that trouble you're looking for."
Pinigil ko ang tawa ko at tumango na para makaalis siya.
Nang mawala siya sa paningin ko, naupo ako nang patalikod sa counter at pinasahan ang tingin ang paligid. Hindi ko pa rin makita si Anjie. Saan kaya sumuot 'yon. Baka nakikipag-sex na?
BINABASA MO ANG
When Liars Play
RomanceEros Delvan is the most attractive professor Clariz met at school. Their interactions are always minimal, so she expects to graduate with nothing more than a civil relationship with him. But a wealthy man kills her parents and he is Eros' father. T...