✖✖✖
Nagising ako sa liwanag na nanggagaling sa bintana. Aurgh! Sakit ng ulo ko! What happened ba kasi? Teka nagiging conyo na ata ako.
"Wag ka munang masyadong gumalaw. Di ka pa magaling."
Napadilat ako bigla nang marinig kong may lalaki akong kasama. The hell? The last time I check wala akong jowa at lalong lalo na't hindi ako magjojowa!
"What? Multo ako ganun?! Makatingin eh -_-"
Tsk. Si kuya lang pala. Naginhawaan naman ako dun. Akala ko kinidnap na ako or what. Teka nasa kwarto ko na ako ah? Ano ba kasing nangyare?
"Kuya, what happened?"
"Alalahanin mo! Nagkasakit ka lang hindi ka nagka amnesia! Aray!"
Hinagis ko sa kaniya yung stuff toy na malapit sakin. Nakakabwesit eh! Ang tino tino ng tanong ko tapos sasagutin niya ako ng kung ano ano. Wag niya akong paghasikan ng kaabnormalan niya baka mabalatan ko siya gamit ang nailcutter ng wala sa oras.
"Seryoso nga kuya!"
"Nahimatay ka kahapon malapit sa girls dorm kaya nilapitan kita tsaka dinala dito."
Oh I remember na! Siya pala yung lalaking tumatakbo palapit sakin kahapon. Teka? KAHAPON?! Kahapon pa ako tulog? Hala anong oras na? Baka malate na ako!! Tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni kuya.
"Di kapa magaling Taeng! Mataas parin ang lagnat mo! Ano ba kasing pinaggagagawa mo ha? Ba't ka nagkasakit?!"
Uh-oh. Naka on nanaman ang over protective button niya. Geez! Nakakatakot siya pag ganito yung aura niya. He's maybe childish at maloko pero pagdating sa safety namin nagiging seryoso siya and that's scary!
"Kumain ako ng maraming ice cream." I said and act like im innocent.
"Ano?! Alam mo namang nagkakasakit ka pag naover ka sa pagkain ng ice cream diba?!"
"What?! Libre eh!" Pagdadahilan ko.
Napa 'tsk' nalang siya sa sinabi ko. Maya maya pa tumayo na siya.
"Malalate na ako. May report ako ngayon kaya bawal akong umabsent. Babalikan na lang kita mamaya."
Yun lang sinabi niya tsaka na umalis ng kwarto ko. Teka? Paano yun nakapasok sa girls dorm? Tsk baka nagpacute nanaman yun sa nagbabantay ng dorm. Yun naman laging ginagawa niya tuwing magkakasakit ako eh.
Nagmunimuni na lang ako dito sa kwarto ko. Im bored. I cant stand naman because I feel so dizzy. Ano na lang gagawin ko dito? Maghintay na amagin ako? Masyado pa akong maganda para amagin noh!
Maya maya pa may kumatok ng tatlong beses sa pintuan ng kwarto ko. Oo binilang ko talaga! Ganun ako ka bored! Tsaka sino naman tong bwesita na to? Baka bumalik si kuya. Eh hindi naman uso katok dun.
"Who you?"
"Grabe ka ah? Kahapon lang magkasama tayo eh. Kinalimutan mo na agad ako."
Unti unting bumukas yung pintuan. Tsk isang habagat lang pala. Ano namang ginagawa niya dito? Wag niyang sabihin na nagpa cute din siya dun sa malanding nagbabantay sa dorm para makapasok dito?
"What are you doing here?"
"Andito ako para alagaan ka."
"I dont need you. Kaya ko ang sarili ko."
"Mamili ka. Mamatay ka sa sobrang bored dito o yung may kasama ka para hindi naman masayang yang laway mo?"
Fine! May point siya dun. Reklamo ako ng reklamo sa sobrang pagkabored ko tapos ngayon na may kasama na ako reklamo parin. Minsan may sayad din ako eh noh? Aminado na ako. Pero MINSAN lang. Di katulad nina kuya na halos buong buhay nila sayad na ang ginawa nilang kaluluwa.
![](https://img.wattpad.com/cover/104770742-288-k573002.jpg)
BINABASA MO ANG
Badgirl's Legacy || kth x kty [Completed]
Fanfic"Bat ba ang sungit mo Taeng? Mabait naman ako sayo eh." "Pinanganak akong masungit at mamamatay akong masungit Taehyung! Wala ka nang magagawa dun!" How can a good guy deals with a bad girl? . Im PinkyTammy presenting this story to you guys! . ENJOY...