Chapter 1: "We don't meet people by accident. They are meant to cross our path for a reason."
I sighed dreamily while staring at the blue umbrella on my desk. It has been months pero sa tuwing naaalala ko ang araw na iyon ay basta na lang ako napapangiti at kinikilig. Hindi ko pinlano o ginusto pero nahulog ako sa kanya.
"Anak," tawag ni pops mula sa labas ng kwarto ko.
"Pops, bukas po iyan," sagot ko na hindi inaalis ang tingin sa payong.
"Anak nasa ba-" Natigilan siya at napa-buntong hininga ng makita ang ginagawa ko. "Hanggang kelan mo dadasalan ang payong na iyan?" Pops asked with a sigh.
Kinikilig na bumaling ako sa kanya. "Hanggang magustuhan na rin niya ako, pops?"
Para lang kaming magka-barkada ni pops kaya lahat ng bagay ay sinasabi ko sa kanya. Alam rin niya na may isang tao akong gustong-gusto pero hindi ko sinabi ang pangalan. Napailing na lang si pops sa isinagot ko.
"Kelan mo ba kasi siya mapapasagot?" biro ni pops.
I giggled. "Pakipot pa siya, Pops. Pero ramdam ko medyo malapit na."
"Tingin ko rin, anak. Malapit na," tumatangong sabi niya. "Malapit ka ng magising sa katotohanan."
I ended up pouting. "Pops naman eh!"
He laughed and ruffled my hair. "Tayo ka na diyan, anak at mag-ayos. May mga bisita tayo mamaya."
"Sino po?"
"Si tito Fred mo," said dad. "Kasama niya ang asawa niya, si tita Shelley mo. Nako. Matagal ka na niyang gusto na makilala."
Tito Fred is my pops' best friend. Bata pa lang daw sila ay matalik na silang magkaibigan at sabay na lumaki. Kaso ay nawalan sila ng kuminikasyon ng umalis ng bansa ang pamilya ni tito Fred tapos si pops ay sa Manila na rin nag-aral. They just met again a few months ago by accident at the hotel where pops is working while tito had a business meeting there.
Kailan ko lang din siya nakilala pero masasabi ko na sobrang bait niya. He's also very simple even if he's a well known businessman.
Tumaas ang mga kilay ko. "Ako po? Bakit?"
He shrugged his shoulders. "Dahil siguro puro lalaki ang mga anak nila."
My mouth opened as I saw tita Shelley. She's so beautiful and classy. Sa una ay alanganin pa ako na batiin siya dahil sobrang sosyal niya. But to my surprise, she gave me a warm hug.
"I'm so happy to finally meet you, Tamara!" she said, looking so happy.
"S-same here po, t-tita."
She cupped my cheeks and smiled tenderly at me. "Oh my God. You're the prettiest, my dear," she said then hugged me again.
I was really taken by surprise. Sina Pops at tito Fred ay pawang nakangiti sa amin. Lalo akong nagulat ng makita ang mga dalang pasalubong ni tita Shelley para sa akin. Puro mga mamahalin. I didn't wanna accept them since they were kinda pricey but she was very persistent. Halos hindi rin niya ako hinahayaang mawala sa tabi niya.
"Mahal, nawi-wirduhan na yata sa'yo si Tamara," sabi ni tito Fred.
I blushed and shook my head vigorously when tita Shelley gave me a sad look. "Hindi po!"
Tita Shelley pinched my cheeks. "You're really cute. Sana nagkaanak din ako ng babae na tulad mo." She sighed.
"Pag-pasensiyahan mo na ang tita Shelley mo, Tamara. Matagal ka na talaga niyang gustong makilala. Gustong gusto talaga niyang magkaanak na babae kaso puro mga barako ang mg ibinigay sa amin."
BINABASA MO ANG
Hook, Line & Sinker
RomanceYou can't make someone love you... All you can do is stalk them and hope they panic and give in. -Some chapters contain mature content.