Chapter 8: "I guess that's the thing.. You can't just unlove someone just because that someone doesn't love you back."
I looked heavenward and closed my eyes. God. I miss him so much. Sabi ko kakalimutan ko na siya pero bakit hindi ko magawa? I sighed as I recalled that day at the airport.
"Anak, magpaalam ka na sa tito Fred at mama Shelley mo," udyok sa akin ni Pops.
I have been trying so hard to hold back my tears, but one look at mama Shelley's tear-streaked face and I just lost it. "Tamara," she opened her arms and beckoned me to come closer.
Napahagulgol ako at yumakap sa kanya. "Mama Shelley..."
Umiwas sila ng tingin sa amin habang nag-iiyakan kami. Pops tapped my back comfortingly. Mama Shelley has been so nice and loving to me. I will surely miss her a lot.
"Don't forget to call us, okay?" she said, crying while wiping my tears.
I nodded. "Mami-miss ko po kayong lahat."
Muli na namang napaiyak si Mama Shelley kaya niyakap na siya ni tito Fred. "Tama na, mahal. Lalo mo lang pinapaiyak si Tamara. We can always visit her in Cebu." Bumaling siya sa akin. "Pasensiya ka na sa Mama Shelley mo. Mami-miss ka lang talaga niya, hija."
I turned to Jeremy and hugged him without a word. Mag-iingat ka lagi ha? Mami-miss din kita kahit lagi mo akong inaasar."
Hindi siya umimik pero niyakap niya ako pabalik. Tumingala ako para tumigil na ang pagpatak ng mga luha ko. Then I turned to him. He has been quiet the whole time. He wouldn't even look at me. Kumalas ako kay Jeremy at lumapit sa kanya.
"Shin.." I gasped as my eyes turned watery again. I wiped it immediately using the sleeve of my top. "Pasensiya ka na sa lahat ng pangungulit ko sa'yo. Don't worry, kapag nagkita ulit tayo hindi ko na gagawin ko yon sa'yo. Saka thank you sa lahat ng pagtulong mo sa akin sa studies ko."
Gusto kong mapapalatak ng muling tumulo ang luha ko. Bahagya akong yumuko at pinunasan iyon. "Siguro kung hindi mo ako tinuruan baka hindi ako naka-graduate ng high school," I said with a chuckle. "Salamat. Lagi kang mag-iingat."
I took a deep breath and looked him in the eye. Simula kaninang sinundo nila kami sa bahay ay ngayon pa lang siya tumingin sa akin. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Shin is like a closed book. He's always been a mystery to me.
I smiled at him despite my tears. "I'm gonna miss you so much. Pati yung pagsusuplado at pagsusungit mo sa akin mami-miss ko rin. Payakap ha? Last na 'to."
I didn't wait for his response, I just wrapped my arms around his waist and rested my face against his chest. Ipinikit ko ang mga mata at ninamnam ang una at huling besis na mayayakap ko ang isang Ian Kenshin Illustre. Last na 'to.
"Huwag mo akong kakalimutan ha?"
"Huy!" Napapitlag pa ako ng makita ko si Jenny sa tabi ko. Isa siya sa mga naging ka-close ko dito sa unibersidad na pinapasukan ko. Parehong HRM ang kurso namin.
"Anong binili mo?"
"Eto nilibre tayo ni Brent," nakangising sabi niya habang inilalapag sa mesa ang pagkain na dala niya. "Gustong-gusto ka talaga ng mokong na yon. Bakit kase hindi mo pa pagbigyan kahit isang date lang."
"Ayoko siyang paasahin."
"Bakit, dahil until now hindi ka pa rin maka-get over dun sa Kenshin na iyon? Gaano ba kagwapo yon para hindi mo makalimutan?"
BINABASA MO ANG
Hook, Line & Sinker
RomanceYou can't make someone love you... All you can do is stalk them and hope they panic and give in. -Some chapters contain mature content.