Chapter 20: "So how does it happen, great love? Nobody knows.. but what I can tell you is that it happens in the blink of an eye. One moment you're enjoying your life, and the next you're wondering how you ever lived without them." - Hitch
I looked around the cafeteria, and smirked as I spotted him. Kasunod sina Cherry at Aya ay lumapit kami sa table niya kung saan may tatlo siyang kasama na mga med student din. I've already met the three of them.
Sumali kami sa kanila. Ipinakilala ko rin sina Cherry at Aya sa kanila. They were quite friendly kaya hindi naman kami nailang na sumali sa kanila. Of course, I sat beside Shin.
"How's your first day here, Tamara?" asked Jake.
I smiled. "Medyo nakakapanibago. But so far, it's good. Lalo na at magkasama na kami ni Shin." Bumaling ako sa kanya at iniumang ang fork na may pasta. "Hon-hon, try mo itong pasta. Masarap siya."
"Tamara please," mahinang saway niya sa akin.
Napalabi ako. "Hmp."
"You're lucky, Kenshin. She's so sweet," komento ng isang kasama niya.
Napangiti ako sa narinig at sumulyap kay Shin. Pero mukhang naiilang siya. He's really not showy. He's never a fan of PDA. Nagkibit-balikat na lang ako at nakipag-kwentuhan sa kanila habang kumakain. However, I made a mistake of asking about their studies. I realized it was a bad move when they started talking about stuff I had no idea about.
Aya leaned towards me and whispered, "Hindi namin gets yung mga sinasabi nila, Tamara. Next time, let's not sit with these geeks. Sumasakit ulo ko sa mga yan!"
I grimaced and turned to look at Shin. "What do you think about that clinical trial?" He smirked when I wasn't able to answer. "We gotta go. We still have a lot of things to do."
"Oo nga pala! Bye, Tamara and friends!"
"Bye," I said, waving at them. When Shin stood up, I grabbed his hand. "Hon-hon, sabay tayong umuwi mamaya?"
"Can't. We'll probably finish late."
Napalabi ako. The next few days turned out to be boring because I rarely saw Shin. Madalas ay busy sila. Hindi ko rin siya madalas makasabay mag-lunch. Hindi ko rin siya kasabay umuwi dahil late sila laging natatapos.
"Gusto mo puntahan natin siya sa med building?"
Nabuhayan ako sa sinabi ni Aya. "Tara!"
Medyo alangan kami dahil puro mga med students ang mga nakakasalubong namin. Hindi ko rin alam ang schedule ni Shin kaya hindi ko alam kung nasaan siya.
"Paanong hindi mo alam ang schedule ng sarili mong jowa?" ani Cherry.
I grimaced. "He teased me about being a stalker kaya hindi ko na itinuloy ang pagtatanong ng schedule niya."
"Paano natin siya hahanapin dito? Wait, diba yun yung isa sa mga geeks na kasama niya," ani Aya na itinuro si Jake, isa sa mga blockmates ni Shin.
"Jake!" Lumingon naman siya.
"Tamara, what are you doing here?"
"Si Shin?"
"Nakita ko siya kanina sa library. Alam mo ba yung papunta doon?" I shook my head. "Tara samahan ko kayo."
Napangiti ako. "Salamat!"
Sinamahan niya kami hanggang sa labas ng library. Hindi na siya sumama sa loob dahil may tumawag sa kanya. Hinila ko sina Aya at Cherry ng makita ko si Shin. He was busy studying. Ang daming mga libro na nasa harap niya.
BINABASA MO ANG
Hook, Line & Sinker
RomanceYou can't make someone love you... All you can do is stalk them and hope they panic and give in. -Some chapters contain mature content.