Chapter 15: "Sometimes I push you away because I need you to pull me closer."
"Sigurado ka ba na ito talaga ang kurso na gusto mo, Miss Garcia? Kase kung ito talaga ang gusto mo bakit wala akong nakikitang improvement sa'yo? Tanging ikaw lang sa klase ko ang walang natutunan sa mga itinuturo ko!"
Napapikit ako sa pagtaas ng boses ini Prof Tanedo. This isn't my first time to get berated for my inadequacy in class. Sanay na ako pero nakakahiya pa rin. Buti na lang ay kinausap niya ako after class kaya wala na ang mga kaklase ko. Sina Brent at Jenny na lang dahil hinihintay nila ako.
"Sorry po talaga, sir."
"Sorry? This isn't the first time na nasunog mo yung niluluto mo. Every time we have a cooking activity, it's either burnt or may kakaibang lasa ang pine-present mo. Finals niyo na ito. Tell me, paano kita ipapasa sa klase ko?"
I looked at him with puppy eyes. "One chance na lang, prof. Sige na. Isa na lang talaga. Promise gagalingan ko na talaga. Isa na lang po talaga."
He sighed. "You've said that several times."
Lihim akong napangiwi. Pero pinilit kong bigyan siya ng ngiti na puno ng kumpyansa. "This time, I mean it. I promise, prof. Sige na. Isang chance na lang talaga."
"Prof, pagbigyan niyo na. Mabait naman si Tams sa klase niyo diba?" segunda ni Brent.
"Oo nga naman, Prof. Pogi ka naman ngayon. Pagbigyan mo na. Siguradong gagalingan na niya sa susunod," ani Jenny.
He sighed then looked at me. I gave him a bright smile. "Please sir?"
Hindi siya agad kumibo at mukhang tintimbang ang desisyon. "Sige. next week ulitin mo yung dish. Last chance mo na yon, Ms Garcia. If you fail again, then say goodbye to your sem break plans."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. No way! Nakaplano na ang sembreak ko kasama si Shin! "Hindi tayo magkikita sa sem break ko, Prof! Sisiguraduhin ko po iyon."
Tinaasan niya ako ng kilay. "Ah ganon? Parang diring-diri ka na makita ulit ako ah."
"Hindi po, Prof! Hindi ganon yon!" I said chuckling nervously.
Nagpasalamat na kami at mabilis na umalis. Baka magbago pa ang isip niya at ibagsak ako. Sumama sa akin ang dalawa sa bahay para maturuan ako kung paano iluluto iyong dish na gagawin ko sa susunod na linggo.
They patiently taught me step by step. "So?" kabadong tanong ko pagkatapos nilang tikman ang niluto ko.
"Medyo maalat pa. Pero konti na lang naman," ani Jenny.
Bumagsak ang mga balikat ko at umungol sa pagkadismaya. "Hindi ako pwedeng bumagsak! Naka-plano na ang sem break ko kasama si Shin."
Brent tapped my shoulder. "Kaya mo yan. Be positive. Maipapasa mo rin ang klase ni Prof Tanedo. Practice makes perfect diba."
I sighed and nodded. Pagkaalis nila ay sinubukan ko na I-video call si Shin pero mukhang busy siya dahil hindi sumasagot. Hindi bale, bukas ay Sabado na at mas marami kaming time na mag-usap. The thought made me feel better.
I woke up early, quite excited knowing that I would get to talk more with my boyfriend since it's Saturday. Nagtipa ako ng mensahe para sa kanya. Pagbaba ko ay naabutan ko si Pops na ka-videocall sina tito Fred at Mama Shelley. Mabilis akong lumapit at bumati sa kanila.
"Good morning, Tito Fred! Mama She!"
(Good morning, my lovely daughter in law!)
I giggled but I bit my lower lip as I looked at Pops. "Ang saya. Gustong-gusto mo yung narinig mo 'no?" tukso niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Hook, Line & Sinker
RomanceYou can't make someone love you... All you can do is stalk them and hope they panic and give in. -Some chapters contain mature content.