Chapter 37

1.1K 51 16
                                    

Chapter 37: "She knew one hundred little things about him, but when he kissed her, she couldn't even remember her own name."



After an hour in the guest room, sulking in the light of the fact that I felt unappreciated, I stood up and checked the door if I had accidentally locked it; It wasn't locked. It seems my husband has no plans of coming to get me here. 

Ilang minuto pa, Tamara, baka pinapalamig lang niya ang ulo mo. Susuyuin ka din niya. Konting hintay pa.  Pero inabot na ako ng antok ay wala pa rin Shin na nagpunta para suyuin ako. I breathed out harshly and marched towards our bedroom. Napangiti ako ng mapakla ng maabutan ko siyang nakahiga na sa kama at mukhang tulog na. 

Oo nga naman. Kelan ba niya ako sinuyo? Laging ako naman ang lumalapit sa kanya. Humiga na ako sa kama patalikod sa kanya at malayo. 

The next day, we ignored each other while having breakfast. Napansin din iyon nina Mama She kaya tinanong niya ako. I sighed and told her about our mild riff.

"Huwag niyong patagalin ang tampuhan ninyo," she said.

I just nodded. Gusto ko na rin naman na makipag-ayos sa kanya. Sinundan ko na siya sa kwarto namin at naabutan ko siyang nagbabasa ng libro sa couch. I cleared my throat as I glanced at him. Napakamot ako ng noo ng hindi man lang siya nag-angat ng tingin. I cleared my throat again, but still nothing. 

Napalunok ako sa pag-ignora niya sa akin. Lumabas na lang ulit ako ng kwarto namin at naisipan kong maglakad-lakad muna sa labas. I was so immersed in my thoughts that I didn't notice the car that stopped beside me. Napasigaw pa ako ng bigla iyong bumisina.

Inis na bumaling ako sa sasakyan. "Makabusina ka, wagas! Tumatawid ba ako! Nakaharang ba ako! Badtrip 'to!"

The car window rolled down. Tumatawang dumungaw sa bintana si Duke. "Ang init ng ulo natin ah?"

"Duke!"

Kumaway siya sa akin. "Saan ang punta mo?"

"Sa park lang."

"Tara. Sakay." Tumaas ang mga kilay ko. "Dali na."

Sumakay na lang ako. "Ang lapit lang ng park ihahatid mo pa ako. Ayan na kaya y- huy! Nalagpasan na natin yung park!"

He chuckled. "Wala ka naman gagawin sa park. Samahan mo na lang ako."

"Saan?"

"Sa apartment ni Aya. Magpapapogi ako."

"Magpapapansin ka lang, sinama mo pa ako! Hahanapin ako sa bahay. Hindi ako nagpaalam."

"Sus. Ang dali ng problema mo. Just give your husband a call." I just pursed my lips and didn't make any move to do that. Besides, I didn't bring my phone. Napasulyap siya sa akin. "Oh no. Don't tell me, trouble in paradise?"

I breathed out harshly. "Balak ko kasi na mag-shift ng pre med." 

"Tangna. Pre med?" Tiningnan ko siya ng masama ng tumawa siya. "Sinong siraulo ang nagbigay ng idea na iyan? Sabihin mo, sasaktan ko talaga!"

"Kung ikaw kaya ang saktan ko?"

Tinawanan niya lang ako. "I bet your husband was against it?" Napasimangot ako at tumango. "Eto walang halong kagaguhan, pre med pa lang mahirap na. Paano pa sa med school? Baka nga NMAT pa lang bumagsak ka na eh."

"Gusto mo ba talagang masaktan!" 

He laughed but turned serious. "Pag-isipan mo muna, Tam. I understand why you're husband is against it. Tingin ko kase gusto mo lang magdoktor para mas makasama mo siya. 'Di dapat ganon, pre. Iba pa rin yung gusto mo talaga yung ginagawa mo. Makapasa ka man at maging doktor, mae-enjoy mo naman ba kung ginawa mo iyon para sa ibang tao?"

Hook, Line & SinkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon