Chapter 12: "You are the first morning thought, the last evening sigh, and every goddamn thing in between."
Why do you have to be so perfect, Shin? If only you weren't this handsome.. if only you weren't a genius.. maybe then it wouldn't be this hard to love you. Maybe then, I wouldn't feel so insecure.. I sighed and touched one of his many photos which is saved in my phone. Bumangon ako sa sumandig sa headboard ng kama. I just can't sleep.
"Tam," Nilingon ko si Cherry na mukhang nagising din. "Can't sleep?"
Tipid akong ngumiti. "Namamahay siguro ako."
A lie. I can't sleep because I can still feel the pain in my chest. "Gusto mo ng milk? Igagawa kita."
I shook my head. "Okay lang ako." Tinapik ko siya sa balikat. "Tulog ka na."
Tumango siya at muling pumikit. I sighed and went out of the room. Hindi ako umuwi sa bahay nina Mama Shelley. Tumawag na lang ako para ipaalam sa kanya na makikitulog ako sa apartment ni Cherry. Hindi ko kayang humarap kay Shin ngayon dahil baka magbago na naman ang isip ko.
The next morning, pumunta ako sa bahay nila para kunin ang mga gamit ko. Babalik ako ng Cebu. Siguro naman makakakuha ako ng flight. Bahala na. Kung hindi ay pwede naman akong makitulog ulit kay Cherry.
"What? But why, hija? Why are you going back to Cebu?"
"Naalala ko po kase na marami pala akong dapat gawin bago ang sembreak namin. Tinawagan po ako nina Jenny para ipaalala yung mga dapat gawin."
She looked sad but she understood. I took a shower then fixed my stuff. Buti na lang ay hindi ko pa nailabas dahil nagmadali akong lumabas kahapon. I picked up my stuff then opened the door, but I stopped as I saw Shin. Deja vu.
Nakapamulsang lumapit siya sa akin na ikinaurong ko. Bumaba ang tingin niya sa gamit na bitbit ko. Then his gaze went back to me.
"Come with me."
Ilang sandaling hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. "Uh.."
He took another step and took my bag from me. Inilapag niya iyon sa tabi ng kama at muling lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na ako.
"T-teka! Where are you taking me?"
Pagbaba namin ay nadatnan pa namin sina Mama Shelley na malungkot na naghihintay sa living room. Pero bahagyang kumunot ang noo niya ng makita na kasama ko si Shin.
"Ikaw ba ang maghahatid kay Tamara sa airport, Shin?"
"She's not going back to Cebu today, Ma."
"Oh! That's great! I'm happy you changed your mind, Tam!"
"P-po? Wa-"
"We gotta get going. Let's go!"
Hindi na ako nakapag-protesta ng hinila na niya ako palabas. He opened the car door and made me go inside. Nalilito man ay sumunod na lang ako. Wala siyang kibo habang nagmamanenho.
I sighed. "Where are we going? Kailangan ko ng bumalik ng Cebu," mahinang sambit ko.
He remained quiet and all I could do was let out a sigh.
Dinala niya ako sa isang coffee shop. Sumunod na lang ako sa kanya. Anong gagawin namin dito? He ordered for us. Tahimik lang kaming nakaupo na magkatabi. Hindi ko maiwasang sulyapan siya kahit sinasabi ng utak ko that I should avoid him. Inilabas ko na lang ang phone ko para ibalik ko sa dati ang status ko sa FB.
BINABASA MO ANG
Hook, Line & Sinker
RomansaYou can't make someone love you... All you can do is stalk them and hope they panic and give in. -Some chapters contain mature content.