Chapter 11: "You were my yes but I was only your maybe."
Time check; it's past 2 in the morning. I've been tossing and turning trying to sleep but thoughts of him wouldn't let me. Itinaas ko ang kamay na hinawakan niya kanina at pinagmasdan. I put it on my chest and closed my eyes. Slowly, my mouth curved into a smile.
Hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. I recalled what happened in the living room. Ilang sandaling tinitigan niya ako. Maraming sinasabi ang mga mata niya at hinihintay ko na mamutawi iyon sa mga labi niya. Pero nanatili siyang tahimik. In the end, he just let out a sigh and planted a kiss on my forehead. I was completely taken by surprise.
Kahit hindi ako nakatulog agad ay maaga pa rin akong nagising kinabukasan. Basta ko na lang tinaas ang buhok ko at lumabas ng kwarto. But as I opened the door, I was surprised to see Shin leaning against the wall.
"Shin.."
My face turned red as I remembered what happened last night. Umayos siya ng tayo at humakbang palapit sa akin. Tumingala ako sa kanya.
"I'm leaving."
Bumaba ang tingin ko sa suot niya. Ngayon ko lang napansin na nakapang-alis siya. He's wearing a shirt, pants, and white sneakers.
"B-babalik ka na ng Manila?" halos pabulong na saad ko.
He nodded.
Alam ko naman na hindi siya pwedeng magtagal sa Cebu dahil busy din siya sa pag-aaral niya. Pero hindi ko rin inaasahan na ganito kabilis ang pag-alis niya. Napayuko ako dahil naiiyak ako sa kahungkagan na lumukob sa akin.
He lifted my chin and looked straight into my eyes. My lips parted as I saw my emotions mirrored in his face.
"I need to go back." Alam ko na hindi guni-guni lang ang nakikita ko. Labag din sa kalooban niya ang umalis.
"I'll wait for you."
He didn't say anything. He just caressed the side of my face. Closing my eyes, I leaned into his touch and savored the moment. Naramdaman ko na lang ang paglapat ng labi niya sa noo ko. Tumingala ako sa kanya.
"I'll see you soon."
I nodded. Bumaba ang tingin niya sa labi ko. Pakiramdam ko ay tumigil ang pag-ikot ng mundo ng tuluyan niyang tinawid ang distansiya.
I bit my lower lip then giggled upon remembering the kiss. My first kiss na ako! Kinikilig na napabungisngis ako. Ang lambot ng labi ni Shin! Kailan ko kaya siya maki-kiss ulit? I giggled. Natigilan lang ako ng mapagawi ang tingin ko kay Jenny na mukhang nawiwirduhan na sa akin.
"Sabihin mo lang kung kailangan ko ng tumawag sa mental," aniya.
Tumawa ako. "Bakit ba? Masaya kaya ako!"
BINABASA MO ANG
Hook, Line & Sinker
RomanceYou can't make someone love you... All you can do is stalk them and hope they panic and give in. -Some chapters contain mature content.