Chapter 10

1.4K 61 13
                                    

Chapter 10: "How did you fall in love with him?"

                          "He never flirted with me, neither did he try impressing me with cheesy pick up lines or long paragraphs. He was just himself, whenever he spoke to me."



Napabuntong-hininga ako ng mapatingin sa mga damit na nakalapag sa kama ko. Bakit ba ako nag-aaksaya ng panahon na magpaganda para sa kanya? 

Wala ngang pag-asa diba, Tamara! Huwag tanga!

In the end, I chose to wear a white top and soft pants. Nag-white sneakers na lang din ako. Itinirintas ko na lang ang mahaba kong buhok. Biglang nagplano ang mga parents namin na maglibot ngayong araw.

Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko siya sa sala at nakapikit habang may nakapasak na airpods sa mga tainga niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko siya sa sala at nakapikit habang may nakapasak na airpods sa mga tainga niya. Isang simpleng white Nikey shirt ang suot niya at shorts. Naka-cap din siya. Hindi ko maiwasang mapatulala sa kanya. Kahit yata gaano kasimple ang suot niya ay magmumukha pa rin siyang mamahalin. 

"You're creepy."

Gulat na napatingin ako sa nagsalita. Jeremy is giving me the you-are-weird kind of look. Itinaas ko ang mukha at binelatan na lang siya at nauna ng lumabas. Bakit ba hindi ko namalayan ang bubwit na iyon!

Our first destination was the church. I closed my eyes and prayed. Papa Jesus, bakit hindi ko po siya makalimutan? Bakit po sobrang hirap kalimutan ng feelings ko sa kanya? Tanggap ko naman po na kahit kailan hindi niya ako magugustuhan. Please Papa Jesus, help me forget him if he's not really the one for me

I sighed, opened my eyes, and saw him. He was sitting in front of me. Napalunok ako ng lumingon siya at nagtama ang mga mata namin. How can I ever move on from this amazing guy? Papa Jesus, baka naman po pwedeng ibalato na po niyo siya sa akin? Baka naman po pwedeng birthday gift niyo na si Shin sa akin? Sige po, birthday saka Christmas gift na po ninyo siya sa akin. Baka naman po pwde?

Our next destination was the Temple of Leah. Nagpaka-turista kami buong araw at kumuha ng maraming pictures. Tops lookout ang pinaka-huling pinuntahan namin. Sobrang ganda ng lugar pero yung mga mata ko mas nag-e-enjoy sa kakatingin kay Shin. 

"Creepy."

Nalukot ang mukha ko at nilingon si Jeremy na parang kabuteng bigla na lang sumusulpot. "Kanina ka pang bubwit ka!"

Inirapan niya ako. "You're still creepy."

"Napatingin lang kaya ako sa kuya mo!"

He smirked. "I just said you're creepy. I didn't say you were looking at my brother."

Namula ang buong mukha ko. "Ewan ko sa'yo!"

"Just talk to him." Natigilan ako at napatingin sa kanya. He sighed and crossed his arms. "It's quite tiring looking at the two of you sneaking glances at each other. Just talk."

Hook, Line & SinkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon