Chapter 9

1.2K 57 34
                                    

Chapter 9: "Sometimes you just gotta accept that some people can only be in your heart.. not in your life."



While I was waiting for my friends, I received a videocall from Pops. I was a bit surprised to see Mama Shelley instead of Pops.

Apparently, my dad visited them and they thought of calling me. Mama Shelley was quite sad that I decided to stay in Cebu instead of coming with Pops to Manila. Idinahilan ko na lang na may nakaplano na akong lakad kaya hindi ako nakasama pauwi ng Manila. 

(I miss you, Tam.)

"Miss na miss na rin po kita, Mama Shelley."

She sighed and smiled gently at me. (We'll see each other again soon. Your tito Fred and I have decided to visit in Cebu.)

My face brightened up. "Talaga po? Hihintayin ko po ang pagbisita niyo dito."

Habang nagku-kwentuhan kami ay napansin ko ang pagbukas ng main door na nasa likuran ni Mama Shelley. Nahigit ko ang hininga ng masilayan ko ang mukha niya. Upon seeing him, it sank in how much I missed him. 

"Anak, come and say hi to Tamara!" baling ni Mama Shelley sa kanya ng mapansin ang pagdating niya. 

Naramdaman ko ang paglundag ng puso ko ng tumutok sa akin ang mga mata niya. Kailan nga ba kami huling nagkausap? It was that night that I told him that we were leaving for Cebu. After that, we didn't talk anymore even when they drove us to the airport. Ni isang salita ay wala siyang sinabi sa akin. 

"H-Hi Shin!" I said with a nervous smile as I waved at him.

Bago pa siya makapagsalita ay may biglang sumulpot sa tabi niya. (Oh my gosh! Hi Tamara! Long time, no see!)

Pinilit kong panatilihin ang ngiti ko kahit ramdam ko ang bigat ng dibdib ko. So it's true.. Sila na nga. A lump formed in my throat as I looked at the two of them together. I swallowed hard, trying to hold back my tears. 

"Tamara! Tamara, we're here!"

Halos mapapikit ako sa pasasalamat sa pagdating ng mga kaibigan ko. Mabilis kong binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Brent. 

"Hi Tammy! Are you ready?" For some reason he likes calling me that. Nung una ay sinasaway ko siya pero dahil makulit ay hinayaan ko na lang. "Oh. May kausap ka pala."

Sa pagmamadali ko na makaiwas sa kanila ay hindi ko pa pala napatay ang tawag. Muli akong humarap sa camera at sumalubong sa akin ang malamig na tingin ni Shin. 

"Uhm, k-kailangan ko ng umalis."

Walang kibo na tumalikod si Shin. Ally waved at me then followed him. I breathed out as I watched him walk away. Ang tagal namin na hindi nagkita o nagkausap man lang. He didn't even say anything to me. 



Napangiwi ako habang nakatingin sa kinalabasan ng ginawa ko. Dapat mukhang rose ang taas ng watermelon pero bakit mukhang pinaglaruan ng bata? Bagsak ang mga balikat na napabuntong-hininga na lang ako. Pinapag-fruit curving kami at noong pinapanood ko ang ginagawa ng prof namin parang ang dali lang naman. Kaso ng ako na ang gumawa ganito ang kinalabasan?

Kahit si prof ay napakamot na lang sa noo ng makita ang gawa ko. Parang ang alam ko na ang kakalabasan ng grade ko sa kanya. I kept on sighing while fixing my stuff. 

"Tammy!" Walang ganang lumingon ako. "This is for you!" 

Bumaba ang tingin ko sa inaabot sa akin ni Brent. The watermelon was beautifully curved into a rose. Matter of fact, Brent got the highest score today for his work. Our prof was truly impressed with his skill.

Hook, Line & SinkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon