Chap. 2

9.2K 248 9
                                    

Onyx POV

 

 

Anong bang pumasok sa utak ni Denielle at naisipang pasakayin dito sina Ara? Hindi naman sa ayaw ko..pero naiilang ako. I hate the way SHE looks at me. Tsk! Tulad na lang kanina..nagtama na naman ang mga mata namin. Ang dami daming bagay ang pumapasok sa isip ko ngayon- tulad ng mga projects sa school; mga test at ang darating na PROMENADE..pati ba naman si Ara iisipin ko pa.

 

Yeah, I know that she likes me. But me....Naaaah! She’s not my type. Siguro naman, kahit makapal ang salamin ng mata ko hindi apektado ang labo ng utak ko.

 

“Kuya, kanina ka pa walang imik d’yan. Natameme ka yata kay Ate Araw.. Wala bang binatbat ang POGI POINTS MO?” Isa pa ‘to...

 

“Um!” Pinitik ko ang noo ni Denielle. Nandito na kami ngayon sa loob ng campus.

 

 

“Awwww...nakakainis ka na kuya! Papatulan na kita, eh.” Sabi sa akin ni Denielle. Agaw eksena ang nangyayari sa amin.

 

Umiling lang ako at tinalikuran ko s’ya. Nang biglang...

 

 

“SASABIHIN KO KAY ATE ARAW, NA CRUSH MO S’YA!”

 

Anak ng TIPAKLONG! Sirang sira na naman ang araw ko..Nilingon ko ang mga estudyanteng napapadaan sa paligid namin. Lahat sila tumigil nang marinig ang sinabi ni Denielle.

 

 

Lumapit ako sa kanya at ibinulong “Watch your mouth! You’re getting on my nerves.” Ayaw kong may makarinig ng anong sasabihin ko sa kapatid ko. Dahil ayaw kong may masabi ang ibang estudyante laban sa akin. Kunot noo akong tumalikod at mabilis na naglakad.

 

Umakyat ako sa High School Building. I’m a Senior Student now. And I’m the President of the Student Council.

===========================================

 

Break Time, nandito kami sa loob ng Cafeteria. Kasama ko ang aking mga kaibigan. As usual, they talk about the JS Prom..Ako lang naman yata ang hindi excited eh.

 

“Onyx, totoo ba ‘yong naririnig kong usap-usapan ng mga ibang estudyante...CRUSH mo daw si Aurora?Pinagsigawan daw ni Denielle kanina. Di ba s’ya yong TROUBLE MAKER ng kabilang school?”

 

BOOOOOMMMM! Napahilamos ako ng mukha ko. Hinarap ko ang kaklase kong si Vince at sinagot ang mga tanong n’ya.

 

“Hindi. H’wag nga kayong maniwala sa kapatid ko. Natutuwa lang s’ya kay Aurora. Kaya pati ako dinamay sa kabaliwan n’ya.”

 

“Talaga. Hindi ba’t kapit-bahay n’yo si Aurora? Maganda naman si Aurora. Kaso nga lang mukhang MATON.” si Vince.

 

Nagtawanan naman ang ibang kasama namin.

 

Sino ba naman ang hindi makakakilala kay Aurora...

 

 

FLASH BACK

 

 

Pauwi kami noon galing sa isang field trip. Nakasakay kaming mga estudyante sa isang SHUTTLE BUS, nang nagkaroon ng traffic. Napansin kong may kaguluhan sa unahan. Bumaba ang driver ng aming Bus.

 

“Ano bang meron?” Tanong ng bus driver sa isang tricyle driver.

 

 

“Nagkaroon ng rambol sa unahan. Babae ‘yong kalaban ng 3 lalaki. May dalang baseball bat ’yong babae. Ang tapang.” Nang marinig ng mga kaklase ko ang sinabi ng tricycle driver agad nagsibabaan ang mga estudyante..hindi na naawat ng bus driver. Syempre ako napasama narin..

 

Nang marating na namin ‘yong lugar na nagkaroon ng rambol..nagulat ako sa aking nakita..

 

SI AURORA ANG TINUTUKOY NG TRICYCLE DRIVER NA MAY HAWAK NG BASEBALL BAT.

 

 

“P****ng ***! Ano lalaban pa kayo sa akin?! sige lumapit kayo kung gusto n’yong mabasagan tayo ng bungo dito!” Sigaw ni Aurora. Nilingon ko ang 3 kalalakihan. Nakahiga ang dalawa sa lupa. Habang ‘yong isa dumudugo ang labi. Hindi ko alam kung hinampas ba ni Aurora ng bat.

 

Bigla na lang may dumating na mga pulis..

 

PRRRRRRRTTTTTTTTTTT...!!!!

 

 

Nagsitakbuhan ang mga tao. Pati mga kaklase ko ay nagsitakbuhan na din. Nakatayo lang si Aurora. Parang hinihintay ang mga pulis. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at hinila ko s’ya agad..Inagaw ko ang baseball bat na hawak n’ya at itinapon. Isinama ko s’ya sa loob ng shuttle bus.

 

Gulat ang lahat nang pumasok si Aurora sa loob ng bus. Para silang nakakita ng multo habang magkahawak ang aming kamay. Pinaupo ko si Aurora sa tabi ng upuan ko.

 

Hindi agad nakaalis ang aming bus dahil hinarang ng mga pulis. Umakyat ang isang pulis sa loob ng bus at tinignan kami isa-isa. Mabuti nalang may dalang jacket ang isang kaklase ko; at ibinigay kay Aurora na takpan ang kanyang mukha. Pinahilig ko ang ulo ni Aurora sa aking balikat. Kunwari na tutulog s’ya.

 

Kinakabahan kaming lahat dahil hindi agad umalis ang pulis. Mabuti na lang at may tumawag sa bus driver galing school.

 

“Sir, aalis na ho kami. Kailangan nasa eskwelahan na ang mga bata. Tumawag na ho ang Principal, eh.” Agad umalis ang pulis. Doon lang kami nakahinga ng maluwag.

 

Nang wala na ang pulis. Tumayo si Aurora. Nagpasalamat sa kaklase ko na may-ari ng jacket. Paalis na s’ya nang..

 

“Miss anong pangalan mo?” tanong ng isang kaklase ko.

 

“Aurora.” Sagot naman n’ya.

 

Sinundan ng tingin ng mga kaklase ko si Aurora hanggang sa paglabas sa bus. Ganun din ako. Parang wala lang nangyari kung maglakad si Aurora. Doon ko napagtanto SANAY BA S’YA SA GULO?

 

 

 

 

 

 

Say That You Love Me ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon