Chap. 20

6.4K 183 22
                                    

Lumipas ang mga buwan, naipanganak na ni Aurora ang kanilang kambal. Isang babae at isang lalaki. Pinangalanan nilang Eos at Michael Lorde ( MILO ).

 

Abot hanggang langit ang saya nina Milo at Ara sa kanilang mga supling.

 

 

“Ara, salamat sa lahat. Hindi na ako mag-iisa sa mundo. Nandito ka na at ang mga anak natin. Wala na akong maihihiling pa sa Dios. Alam mo naman, na nag-iisang anak ako. Walang mga kapatid. Hindi ko maipaliwanag ang saya ko. Nagkaroon tayo agad ng kambal.” Agad mahigpit na niyakap ni Milo si Ara.

 

 

“Milo, ikaw at ang mga anak natin ang magandang nangyari sa buhay ko. Salamat din.” - Si Ara.

 

 

Pinag-isa nila ang kanilang mga kamay.

 

 

“Sabi nila..binigyan tayo ng Dios ng mga kamay..para mahawakan ang puso ng taong mahal; Ara, mahigpit kong hahawakan ang kamay mo..hindi tayo magkakalayo. Kahit noon na nararamdaman ko na kailangan kong bumitaw..hindi ko ginawa..kasi Ikaw lang ang gusto kong hawakan..” Napaluha si Ara sa sinabi ng asawa.

 

Pinahid ni Milo ang luha ni Ara.

 

 

“At kahit nakapikit ako..Lagi mong tatandaan nandito ka sa utak ko..maging sa puso.” Sabi ni Milo.

 

 

“Asus, ang corny mo.” Natatawa si Ara sa mga sinasabi ni Milo.

 

 

“Siguro. Pero sa oras na mawala ako..Maaalala mo ang mga sinasabi ko..” Dagdag ni Milo.

 

-------------------------------------------

 

Isang araw, habang nasa bahay sina Milo at Aurora; naisipan ni Milo na magswimming sa pool. Habang si Aurora naman ay nilalaro ang dalawang bata kasama ang yaya.

 

Panaka nakang nililingon ni Aurora ang asawa na lumalangoy sa pool. Nakita n’ya itong nakailang ulit pabalik balik na lumalangoy ang asawa. Umahon si Milo sa pool. Samantala, si Aurora naman ay nagpapasuso sa kanyang anak na babae dahil hinanap ang gatas ng ina. Samanlata, ang lalaking sanggol ay pinapainum ng gatas sa bote ng yaya.

 

 

Medyo malawak at malaki ang pool. Nasa kabilang bahagi ng pool si Milo. Lumakad si Milo papunta sa kanyang mag-ina. Nang biglang napahawak s’ya sa kanyang dibdib...sumisikip ang kanyang paghinga..hindi n’ya alam kung anong gagawin. Gusto n’yang sumigaw ngunit hindi n’ya magawa. Hanggang na pahawak s’ya sa swimming pool ladder. Biglang dumilim ang kanyang paligid at nahulog s’ya sa pool.

 

 

“Maam si Sir!!!!!!!!!” Biglang sigaw ng katulong. Agad napalingon si Aurora sa asawa. Agad n’yang inilipag ang bata sa portable crib. At tumakbo sa kinaruruunan ni Milo. Nasa tubig si Milo kaya agad lumundag si Ara upang sagipin ang asawa.

Say That You Love Me ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon