Chap. 10

6.9K 216 12
                                    

ONyx's POV

Parang wala lang kay Aurora na umalis at iniwan akong nakahiga sa lupa. Hindi ko magawang magalit sa kanya. Hindi ko hahayaan na ipagpatuloy n'ya pa ang mga kalokohan n'ya. Alam ko namang may halong kapilyohan ang ginagawa n'ya.

===========================================

Paalis na kami ni Denielle papuntang eskwelahan. Palabas palang namin sa gate ay nakita ko si Aurora na nakatingin sa amin sa labas; habang hinihintay ang kanyang mga kapatid. Iniwasan ko s'yang tignan.

"Onyx....yohooo! Miss mo na ba ako?" Sigaw n'ya. Nakakahiya talaga! Lahat ng mga kapitbahay ay napapatingin sa akin. Para akong ice na natutunaw sa araw.

"Baliw!" Sabi ko sa kanya.

"Yeah, I know I'm crazy. Crazy of loving you." Susmaryosep! Saan ba ang hiya ni Aurora?

Nagpalakpakan pa ang mga taong nagdaraan sa kalye.

"Go Ara! Hindi ka lang Astig..Super pa magMAHAL! Hanep." --sabi ng isang tambay.

Damn! Baliktad na ba talaga ang mundo? Babae na talaga ang manliligaw sa lalaki.

Inis na inis ako kay Aurora. Sobra na 'to. HINDI KO NA KAYA! Pakiramdam ko tuwang tuwa pa s'ya sa ginagawa n'ya. NAKAKASTRESS LANG!

"Kuya, pansinin mo naman si Ate Araw." Isa pa tong si Denielle sarap batukan ng paulit -ulit.

"Shut up! Dagdag ka pa sa stress ko!" Galit na galit ako ngayon. Kaya inutusan ko ang driver na umalis agad.

===========================================

Aurora's POV

Ang cute parin ni Onyx kahit naiinis na sa akin. Pwes, manigas s'ya! Ha ha ha ha....

"Ate Ara, tigilan mo na ang panliligaw mo kay Kuya Onyx. Pati tuloy mga kapitbahay tinutukso na si kuya. Ikaw naman tuwang tuwa pa. Hindi ka ba nahihiya?" - si Sabrina.

"Hiya? Hindi na uso 'yon ngayon. Masama bang pinapakita ko lang ang nararamdaman ko? Aba, kesa naman makita mo akong biglang bumulagta d'yan sa lupa; at mangisay dahil sa sobrang kilig. Mas mabuti pang ipakita ko na." - Ako

Umiling lang si Sabrina.

=========================================

Nang dumating ako sa eskwelahan agad kong nakitang paparating sa akin sina Rachael at Julianne.

"Ehhhhhhh! Friend, haba talaga ng hair mo...Sabog sa buong campus ang chika." - Si Rachael.

"Ang ano?" - Ako.

"Na nililigawan mo si Onyx de Guzman. Kahit saan kang magpunta na sulok dito sa loob ng campus putok na putok ang balita." - Si Julianne.

"Yan ang gusto ko. Maaalis sa isip ng lahat na hindi ako TROUBLE MAKER. I'm a good Lover!" - Ako.

"Correction. Alam mo at alam naming lahat na si Onyx ay Syota ni ELISE VILLAFLOR. Ganun parin 'yon TROUBLE MAKER ka . Bagong level nga lang..MANG-AAGAW KA NG SYOTA! Bonggang title 'yon girl. Undefeated ka talaga." - Julianne

"Hoy, Julianne. Bago palang isinilang kami ni Onyx; kami na talaga ang itinakda para sa isa't isa. Si Elise decoration lang ang papel sa aming LOVE STORY NI ONYX." Nakakainis rin talaga bakit ba daming epal .

"Aurora, ito payong kaibigan lang. Lagyan mo naman ng kunting SPACE ang sarili mo kay Onyx. Kasi mahirap umasa, tsaka di ba HINDI NAMAN SINABI NI ONYX NA MAY GUSTO S'YA SA 'YO? MALAY MO KAIBIGAN LANG TALAGA ANG GUSTO N'YA. HINTAYIN MO NALANG NA S'YA ANG KUSANG MAGSASABI SA 'YO. SAPAT NA 'YONG MALAMAN N'YA NA MAY PAGTINGIN KA." - si Rachael.

Say That You Love Me ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon