Aurora’s POV
Pagpasok ko palang sa loob ng campus namin, agad umiiwas ang mga estudyanteng nakakasalubong ko. Simula noong nakipag-away ako sa kalye pakiramdam ko nagkaroon ng takot ‘yong ibang estudyante dito.
MISS TROUBLE MAKER..’yan ang title sa akin. Kung sabagay ilang beses na nga akong nakisali sa mga kaguluhan dito. Hindi ko na nga mabilang. Hindi naman ako nagsisimula ng gulo..Ayaw ko lang na dinadaan ako sa sindak. Inaakala nila ako ang pasimuno ng gulo. Tsk!Mabuti nalang hindi napapatawag sina Tatay at Nanay.
“Ara! Good Morning. Himala maaga ka yata ngayon.” Bati sa akin ng dakilang BEST FRIEND ko, si Rachel.
“Yup. At alam mo ba, ang swerte ko ngayong araw na ‘to. Nagkasabay kami ni Onyx.” Agad kong sinabi sa kanya. Nakangiti naman s’ya ng ganito O________O
Ang lapad ng ngiti..abot hanggang tenga.
“Pano nangyari ‘yon?” -si Rachael.
“Sabihin nalang natin..Hulog ng langit ang kanyang kapatid na si Denielle. Kaso nga lang, nakakainis si Onyx.” :(
“Hindi ka pinapansin.” Ouch! Sakit naman nang sinabi ni Rachael sa akin.
Tumango ako.
“Alam mo, tigilan mo na kasi ang pagpapantasya mo. Waley, Waley mangyayari sa ‘yo kung si Onyx ang hihintayin mo. Kung ako sa ’yo ayusin mo ang sarili mo.” Napatingin naman ako kay Rachael.
“Bakit? May mali ba sa ayos ko?” tanong ko sa kanya.
“Ahahahahha...wala kayong salamin sa bahay?” Tanong n’ya na nakakaasar.
“Ara sa totoo lang. May nakita ka bang mga babae dito sa skul na nakasuot ng pantalon na uniform. Ikaw lang yata, eh.” Nang sinabi n’ya ‘yon..lumingon lingon ako..Oo nga, ako lang pala. Lahat sila nakapalda. Dyahe!
KRINGGGGGGGGGGGG
Agad kaming tumakbo ni Rachael sa aming building.
===========================================
Pagdating ng tanghali, tulad sa dating gawi..pumunta kami sa dating tambayan ng mga estudyante sa MUNTING KARENDERIA ni Aling Nena. Pader lang ang pagitan ng karenderia at ng eskwelahan namin. Meron itong exit door. Kaya doon kami lumalabas pagtanghali.
“Hellooo!” Napatingin lahat ang tao sa akin.
“Ara, halika dito. Dito ka maupo. Anong gusto mo?” Tanong sa akin ni Aling Nena.
Si Aling Nena ang tumatayong nanay nanayan ko tuwing merong meeting sa skul pag wala sina tatay at nanay. Wala kasing anak si Aling Nena at ang asawa nitong si Mang Andoy. Ewan ko, ba’t ang bait bait nila sa akin. Salamat narin dahil libre ako sa pagkain tuwing tanghali. Kaya tuwing Sabado, nakatambay ako dito sa kanila para tumulong. Alam naman nina nanay ‘yon eh.
“Hoy, alam n’yo ba..magkakaroon ng JS PROMENADE sa kabilang paaralan. Naku, sigurado maluluwa ang mga mata natin sa mga magagandang damit nila.” Sabi ng isang baklang estudyante.
“Kelan ba ‘yon?” Tanong ni Rachael.
“Sa Feb. 14th.” Sagot ni Bakla.
“Ay hindi tayo pwede. Kasi sa Feb. 14th din ang JS PROM natin. Sabay sa kanila.” Sagot ni Rachael.
“Ane be yen! KELERKEY..Hindi ko makikita si FAFA ONYX.” Sabi ng Bakla.
“Hoy, Bakla! Hindi mo FAFA si Onyx ko. H’wag na h’wag mong gagapangin si Onyx—kung ayaw mong maputol ang TOOOT mo.” Taas kilay na hinarap ko ang estudyanteng bakla.
“As if mapapansin ka ni Onyx. Girl look at yourself. Ni hindi ka nga nagsusuklay.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng bakla. Akma ko na sanang lalapitan nang pinigilan ako ni Rachael.
“Ara...Ara...kalma ka lang.” Pagpipigil sa akin ni Rachael. Kaya bumalik ako sa pag-upo. Saka ko lang napansin ang sarili ko sa salamin na nakaharap sa akin. Tinitigan ko ang sarili ko..Wala sa ayos ang buhok ko. Mukha akong bagong gising. Napayuko ako...nakakahiyang aminin PERO TOTOO NAMAN PALA.
===========================================
Pauwi na ako ng bahay..marami akong iniisip na gagawin, tulad ng; magluluto, magliligpit ng kalat, gagawa ng mga homework, at syempre mag-aaral ulit.
Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nasa tapat na ako ng bahay.
“Ate Araw.” Nilingon ko ang tumatawag sa akin.
“D-Denielle bakit?” Mukhang nagulat pa ako sa paglapit ng kapatid ni Onyx.
“Ate, gusto kong kumain ng hilaw na mangga. Pwede po ba akong humingi ng mangga sa inyo?” Alam ko na kung saan nakita ni Denielle ang hilaw na mangga na tinutukoy n’ya.
“O sige. Tara maaga pa naman, eh.” Agad ko s’yang hinila papunta sa bakanteng lote sa tabi ng kanilang bahay. Ito na lang ang natitirang lote dito sa aming barangay ang di nabibili ng pamilya nina Onyx.
Merong puno ng mangga na malapit sa pader. Minsan inaakyat ko ito para makita ko man lang si Onyx sa loob ng bahay nila. Nakaabot ang sanga ng puno sa kabilang bahagi ng pader. Doon din ako minsan umuupo pag inaabangan ko s’yang lumabas sa balkonahe. Kaya naisipan kong kunin ang mga mangga sa bahaging ‘yon.
Umakyat ako sa puno. Hitik na hitik ang mga bunga ng mangga. Nakita kong nakatingala sa akin si Denielle. Marami na akong napitas at hinuhulog ko upang saluhin n’ya..ngunit..
“Ahhhhhhhhhhhhh!”
“Ateeeee!!”
BLAG!
Nahulog ako sa puno. Hindi ako napunta sa bakanteng lote kundi sa loob ng bakuran ng bahay nina Onyx. Agad naman lumabas ang katulong nila na si Aling Sabel.
“Dios ko! Ara..anong nangyari sa ‘yo?!” Hindi ko magawang sumagot dahil ang sakit sakit ng balakang ko..
Maya’t maya dumating si Onyx. Pati s’ya ay nagulat sa nangyari sa akin.
Pinilit kong tumayo pero hindi ko kaya. Napaiyak ako. Bigla na lang lumapit si Onyx at binuhat ako. Napahawak naman ako sa kanyang balikat.
Masakit ang balakang ko pero KINILIG PARIN AKO. MAY GAD! ANG LANDI LANDI KO SA KABILA NG SINAPIT KO!
BINABASA MO ANG
Say That You Love Me ( COMPLETED )
RomanceMasama bang ligawan ang isang lalaki ng isang babae? Pwede rin ba ang isang lalaki magpakipot? Naniniwala ka ba sa Destiny? Basahin n'yo na lang ang kwento ng dalawang magkapitbahay na sina Onyx at Aurora. Kung paano sila nagkawalay at kung paano si...