Chap. 11

6.5K 210 8
                                    

AUTHOR'S NOTE : Simula sa Chapter na 'to h'wag muna tayong mag-expect ng kilig moments ( kung meron man ).  Gusto kong magfocus tayo sa mga nangyayari sa buhay ng mga bida kasama ng mga TAONG NAGING PARTE NG BUHAY NILA NA SINA MILO AT ELISE.

HUWAG BIBITAW! ( Ano 'to pelikula?! kaloka. )

-----------------

ONYX POV

Alam kong nasaktan ko si Aurora, pero 'yon lang ang tanging paraan na mapigilan s'ya sa kanyang mga ginagawa. Hindi ko alam pero nang sandaling sinira n'ya ang nililok na pangalan namin sa puno; para bang nasasaktan ako. Hindi ko alam..Parang may nawala sa sarili ko.

"Onyx, masaya ka na ba? Siguro naman hindi ka na guguluhin ni Aurora n'yan. Sinaktan mo na s'ya eh." Sabi ni Vince sa akin habang nakatayo sa puno ng mangga.

"Onyx, iwasan mo na si Aurora. Nakita mo naman kung paano magalit s'ya di ba? Parang nakakapatay ng tao." - Elise.

Pakiramdam ko parang nasira ang araw ko. Huminga ako ng malalim at agad pumasok sa loob ng gate. Sumunod naman sila sa akin. Iniisip ko kung anong mangyayari sa sandaling matauhan si Aurora. Matatanggap kaya n'ya o hindi?

===========================================

THIRD PERSON'S POV

Kinabukasan, gaya ng dati muling tinungo ni Onyx ang balkonahe. Matagal na s'yang nakatayo doon napansin n'yang hindi na bumukas ang bintana ng silid ni Aurora. Inisip n'ya na marahil galit si Aurora sa kanya. Handa naman s'ya humingi ng tawad dahil sa nasabi nito.

Buong araw s'yang pabalik balik sa may balkonahe upang silipin kung binuksan na ni Aurora ang bintana; ngunit nakasarado parin ito.

Ni hindi rin n'ya nakitang lumabas si Aurora. Pati ang mga kapatid nito ay di rin n'ya nakita. Parang gusto n'ya nang puntahan sina Aurora, ngunit nagdadalawang isip s'ya. Baka kasi iba na naman ang iisipin ni Aurora. Kaya pinili n'yang maghintay nalang.

Dumaan ang ilang araw.. Hindi natiis ni Onyx na hindi alamin kung nasaan si Aurora. Nakita n'ya si Michael na lumabas ng bahay at tinawag n'ya ito..

"Mike, nasaan si Ara?" Nahihiya man s'yang tanungin pero kinakailangan.

"Wala si Ate..sumama kay Nanay sa bukirin. Doon daw muna s'ya. Kami nga lang nina Tatay ang nandito." - sabi ni Mike.

"Bakit naman hindi n'yo buksan ang bintana sa harapan?" biglang natanong ni Onyx sa bata.

"Pinagbawalan kasi kami ni Ate na h'wag na daw buksan. " - si Mike.

"Ganun ba. Kailan naman ang balik n'ya?" Napalunok naman si Onyx sa narinig. Hindi n'ya alam pero ang bigat ng dating sa narinig n'ya mula sa kapatid ni Aurora.

"Hindi ko po alam, eh. " Sagot ni Mike.

Napahawak ng batok si Onyx. Napaisip tuloy s'ya na talagang iiwasan na s'ya ni Aurora. Dapat ba s'yang magsisi o dapat ba s'yang matuwa? Ayaw man n'yang tanggapin sa sarili PERO NAMIMISS N'YA SI AURORA.

===========================================

Isang araw, nasa labas ng bakuran sina Onyx kasama n'ya ang kanyang mga kaibigan. Nakita ng kanyang kaibigan na bumukas ang bintana. Itinuro ito kay Onyx. Nasasabik si Onyx na makita si Aurora na dumungaw sa bintana..ngunit si Sabrina ang lumabas.

Maya't maya may isang sasakyan na pumarada sa harap ng bahay nina Aurora. Biglang dumungaw si Aurora sa bintana. Nakangiti ito..

"Milo!" - Sigaw ni Aurora.

Nakatingin sa malayo si Onyx. Parang lumundag ang puso ni Onyx na muling makita si Aurora. Gusto n'yang makausap ito. Ngunit lumabas si Aurora sa bahay at sinalubong ang isang lalaki na lumabas sa sasakyan. Nakatalikod ito kina Onyx kaya hindi nila namukhaan.

Say That You Love Me ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon