EPILOGUE
"Good Morning Kids!" Tawag ni Onyx sa dalawang bata habang nakatayo sa may balkonahe.
Nasa labas ng bahay ang dalawang bata habang hinihintay ang kanilang yaya.
"Good Morning Tito Onyx!" Sabay bati ng kambal.
"Nasaan ang mommy n'yo?" Nagtataka si Onyx na di man lang nakita si Ara na tumayo sa may balkonahe.
"Tito Onyx, ako nalang po ang Araw mo for today kasi po..Aalis si Mommy papuntang store namin." Sumbong ni Eos.
Kumunot ang noo ni Onyx. Inisip n'yang aalis si Ara na wala man lang nagpaalam sa kanya.
Bumaba si Onyx at umalis ng kanyang bahay. Tinungo ang bahay ni Aurora. Pinuntahan n'ya ang dalawang bata. Tinanong n'ya kung nasaan ang kanilang ina; agad naman tinuro ng mga bata na nasa loob ng bahay si Ara.
Pumasok si Onyx.
"Ara! Ara!" - Onyx.
Lumabas si Ara na nakabihis na ito.
"Aalis ka?" Tanong ni Onyx na may lungkot sa mga mata.
"Oo, kailangan kong bumalik sa tindahan. Kasi si Michael lang ang nandoon." - Ara.
Agad hinawakan ni Onyx ang kamay ni Ara.
"Ara, hindi mo kailangang mawala ng ilang araw. Kailangan ka ng mga anak mo." - Onyx.
"Onyx, kailangan kong magtrabaho para sa kanila." Sagot ni Ara.
"THEN, BE MY WIFE. Bubuhayin kita at ang mga bata. Hindi mo kailangang malayo sa mga anak mo. Ara, I can't live without you. NOT A SINGLE DAY. NAMATAY AKO HALOS ILANG TAON. BUT NOT THIS TIME; I WON'T LET YOU GO." Parang tumigil ang paghinga ni Ara matapos marinig ang sinabi ni Onyx.
Lumipad ang isip ni Ara noong bago pa lamang s'ya nakapagbabang luksa sa pagkamatay ni Milo. Kinausap s'ya ng mga magulang ng asawa.
"Ara, bata ka pa. Kung sakaling maisipan mong mag-asawang muli. Hindi kami tututol. Alam naming liligaya ka at ang mga bata. Basta't nararamdaman mong mahal ka at ang mga bata WALANG DAHILAN PARA PIGILAN KA NAMIN. IPAKILALA MO SA AMIN ANG LALAKING MAPIPILI MONG MAHALIN." - Ina ni Milo.
Huminga ng malalim si Ara. Alam n'yang nasa harapan n'ya ang lalaking nararapat n'yang muling mahalin. Ang taong magmamahal sa kanya at sa kanyang mga anak..Tumulo ang luha ni Ara..Tulad ni Onyx..namatay din ang puso n'ya ng iniwan n'ya ito noon. At panandaliang nabuhay muli dahil kay Milo. Pero ang kaligayahan n'ya ay napakaiksi..nawala si Milo. Muli s'yang nabuhay sa lungkot. Mabuti nalang merong natitirang kaligayahan sa kanya..at 'yon ang kanyang mga anak. Ngunit may kulang parin...
"Samahan mo ako..may ipapakilala ako sa 'yo." - si Ara.
Umalis sina Onyx at Ara. Hindi alam ni Onyx kung saan sila pupunta. Ilang sandali lang huminto sila sa isang malaking bahay.
Pumasok sina Ara at Onyx.
" Mama...Papa..." Tinawag ni Ara ang mga magulang ni Milo.
Masayang sinalubong naman si Ara.
Nabaling ang tingin ng dalawang matanda sa kasama ni Ara. Pinapasok sila sa loob ng bahay at umupo sa sofa.
"Papa..Mama..Hindi na po ako magpapaliguy ligoy pa. S'ya po si Onyx. Dati po kaming magkapit bahay. Sila po 'yong nakatira sa tapat ng bahay namin dati." Panimula ni Ara.
"Anak ka ba ng mga DE GUZMAN?" Agad na tanong ng ama ni Milo.
"Opo." - Onyx.
"Oh, I remember you. Minsan ka nang naikwento sa akin ni Milo. Noong nasa States pa s'ya, malimit n'yang tinatanong sa kanyang mga pinsan tungkol kay Ara. At minsang naikwento sa kanya na merong crush na raw si Ara na kapitbahay. Kinukulit kami ni Milo noon na umuwi ng Pilipinas. Hanggang sa dumating ang araw na sinabi n'ya sa amin na HINGIN NA ANG KAMAY NI ARA SA MGA MAGULANG.
Matagal ka na n'yang kilala Onyx. Hindi nga lang kayo nagkaharap." Sabi ng ina ni Milo.
" Mr. and Mrs. Ilustre, I'm here to tell you with all my respect..I'm willing to marry AURORA. Handa akong tatayo bilang maging ama ng kanyang mga anak. Hinihiling ko po ang basbas mula sa inyo." Lakas loob na sinabi ni Onyx sa mga magulang ni Milo.
Ngumiti ang mga magulang ni Milo. Alam nilang mabuting tao si Onyx. Mamahalin si Ara at ang mga anak nito.
Matapos naman nun ay tumawag si Onyx sa kanyang mga magulang tungkol sa naging desisyon n'ya. Tuwang tuwa naman si Denielle na malaman na natagpuan ni Onyx si Ara.
Ang huli ay tinawagan nina Onyx si Elise...
"Elise, I'm going to marry her." - si Onyx
Narinig ni Onyx ang paghikbi ni Elise.
"Onyx, alam kong hindi ka titigil na di s'ya makitang muli..Sana maging maligaya kayo. Lagi mong tatandaan nandito lang ako..BILANG KAIBIGAN MO..AT NAGMAMAHAL SA 'YO." Garagal na boses ni Elise.
"Darating din ang taong para sa 'yo Elise. Kaya magpagaling ka.." - Si Onyx.
----------------------------------------
Pagkaraan ng 3 buwan...
Kinasal sina Ara at Onyx. Paglabas palang ng simbahan....
"I finally have you in my arms , Aurora." Bulong ni Onyx.
Napangiti si Aurora.
Biglang sumigaw si Onyx..
" Sa wakas hindi na ako tatayo sa BALKONAHE! I HAVE MY SUNSHINE WITH ME !"
Lahat ng tao ay napatawa sa sinabi ni Onyx. At nagyakapan sila ni Aurora. Hinalikan n'ya si Aurora sa harap ng maraming tao...sa harap ng buong mundo ;na nasa kamay n'ya na ang ARAW NG BUHAY N'YA.
END
Author's note :
SALAMAT..THANK YOU...GRACIAS...KOMAWO! sa lahat ng nagbasa sa story kong ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/13108821-288-k252726.jpg)
BINABASA MO ANG
Say That You Love Me ( COMPLETED )
RomantikMasama bang ligawan ang isang lalaki ng isang babae? Pwede rin ba ang isang lalaki magpakipot? Naniniwala ka ba sa Destiny? Basahin n'yo na lang ang kwento ng dalawang magkapitbahay na sina Onyx at Aurora. Kung paano sila nagkawalay at kung paano si...