Onyx POV
Nabaling ang tingin ko sa babaeng katabi ng aking ina. Wala parin pagbabago kay Elise. Oo, maganda parin s'ya. Lalong naging sopistikada ang dating. Nandoon parin ang dating ngiti na pinapakita n'ya sa akin. Subalit hindi man lang ako nakadama kahit kunting excitement.
"Hello, nice to see you again. You look good." Sabi ko.
"Thank you for the complement." Sagot din n'ya.
Sabay kaming naupo sa harap ng aming mga magulang.
"Hindi na namin kayo ipapakilala sa isa't isa. Magkakilala na kayo dati, di ba? All we need here, is to settle our plan. And we'll talk about YOUR ENGAGEMENT." Sabi ni Daddy. Kumunot ang noo ko. Napakabilis naman yata ng desisyon nila.
"Wait. Engagement? Napakabilis naman yata. Bakit hindi n'yo muna kami bigyan ng time ni Elise? Tutal kami naman ang ikakasal." Diinan kong sinabi sa harap ng magulang ko.
"Sabagay, tama naman ang anak mo Pare. Let's give them time." Sumang-ayon naman ang ama ni Elise.
"Walang magbabago sa ating pinag-usapan Pare. This will be a good union between our families and for our business. Cheers for that!" Itinaas ni Daddy ang kupita ng alak.
Parang gusto kong magwala. Kung hindi lang ako ang inaasahan ng mga magulang ko namagpapatakbo ng aming negosyo..Hinding hindi ako papayag na makaisang dibdib si Elise.
"By the way, Dad aalis nga pala ako by next week pabalik ng Pilipinas. I want to visit my sister. After spending several years in Singapore. I want to go home. Siguro naman, pwede na akong umuwi." Pagpapaalam ko sa aking mga magulang.
Nakita kong tumingin ng tuwid si Elise sa akin. Hindi ko alam kung anong dahilan at tumaas ang kanang kilay n'ya. Ngumiti lang ako sa kanya.
Habang nag-uusap ang mga magulang namin tungkol sa negosyo. Niyaya ko si Elise na pumunta sa labas ng restaurant. Pumunta kami sa isang coffee shop na katabi ng restaurant.
"You surprised me, Elise. I never thought you'll be my future bride." Sabi ko.
"Life is full of surprises, Onyx. Matagal ko nang alam na ikaw ang mapapangasawa ko. At hindi ka pwedeng umatras sa pinag-usapan ng mga magulang natin; dahil parte ito ng pamilya mo at pamilya ko; Negosyo n'yo at negosyo namin." - si Elise.
"Kahit na masaktan ka? Itutuloy mo parin. Look, I don't have the feelings anymore." Prangkahang sinabi ko kay Elise.
"Natututunan ang pag-ibig Onyx. Lalo na't may nakaraan tayo." Gusto kong matawa kay Elise sa sinabi n'ya.
"Elise, you can marry other man but not me." Dagdag ko.
"No. I want you. Only you." Napaawang ang aking labi sa sinabi ni Elise.
Natawa ako ng bahagya matapos marinig ang sinabi n'ya.
"Babalik ka ba ng Pilipinas para kay Aurora?" Biglang tanong sa akin ni Elise.
Hindi ko na sinagot ang tanong n'ya dahil alam kong hahaba lang ang usapan.
"Alam mo, kung ikakasal tayo at makikipagrelasyon ka kay Aurora, anong itatawag ng tao sa kanya.. kundi KABIT." Napatiim bagang ako sa sinabi n'ya.
"Kabit na kung kabit. Siguro naman mas masakit kung hindi mo katabi ang ASAWA mo tuwing gabi; dahil uuwi sa kanyang Kabit." Sagot ko.
Agad s'yang tumayo at iniwan ako.
------------------------------------------
Pilipinas....Matapos kaming nagkita ni Denielle sa Manila naisipan kong bumalik sa aming dating bahay. Isinama ko si Denielle dahil gusto n'ya naring umuwi. Tanghali na kami nang dumating sa aming bahay.
"Onyx! Denielle! Kumusta na kayo?" Masaya kaming sinalubong ni Aling Sabel. Mahigpit kong niyakap si Aling Sabel. Ang tagal na panahon na di ko s'ya nakita. Wala paring pinagbago ang aming tahanan.
Pinaglutuan kami ng mga paborito naming ulam.
"Aling Sabel, kumusta na po sina Sabrina? Umuuwi po ba sila dito?" Napatigil ako sa tanong ni Denielle.
"Ah..Eh..Ano kasi...wa-wala na eh..mula nang...ah.." Hindi ko maunawaan bakit parang nauutal si Aling Sabel.
"Yong puno pala ng mangga d'yan sa tabing bakuran...pinutol na...mula nang hindi na umuwi si Ara dito sa kanila." Agad binago ni Aling Sabel ang pinag-usapan namin.
"Bakit naman? Hindi ba't matamis ang mangga ng punong 'yon?" - si Denielle.
"Eh, kasi hindi na namunga ang puno. Kaya naisipang putulin na lang. Para kasing nagtampo." Dagdag ni Aling Sabel.
"Mmmmm..sa tingin ko nagtampo ang puno kasi inaway ni Kuya si Ate Araw noon." Nakangusong sinabi ni Denielle. Tahimik na lamang akong nakikinig.
"Ni minsan ba hindi na umuwi si Ara dito?" tanong ko.
"Minsan lang s'yang umuwi dito pero meron s'yang kasama na lalaki...Magkahawak pa nga ang mga kamay nila. Tapos umalis na sila. Siguro mga 6 na taon na ang nakakaraan." Bigla akong napatigil sa pagkain. Agad akong tumayo at pumunta sa balkonahe.
Maya't maya dumating si Denielle.
"Kuya, hinihintay mo parin bang bumukas ang bintana? Tapos na 'yon Kuya. Ilang taon na ang nakalilipas. I'm sure, she found someone else. I think you have to let go." Ayaw kong paniwalaan ang nararamdaman ko ngayon. Ayaw kong maniwala sa mga naririnig ko. Gusto ko, ako mismo ang makakita ng katotohanan.
Habang nagpapahinga si Denielle, dahan dahan akong lumabas sa aming bahay. Pumunta ako sa bahay nina Aurora. Pilit kong binuksan ang gate ng bahay nila. Dahan dahan akong pumasok sa loob ng bahay.
Wala ring pinagbago ang lahat ng nanduroon. Napalingon ako sa isang picture frame na nakalagay sa isang side table. Dahan dahan kong nilapitan...UPANG TANGAPIN ANG KATOTOHANAN..NAPALUHOD AKO SA HARAPAN NG MESA...
MAPAIT ANG AKING NGITI...TUMULO ANG LUHA KO NA DI KO NAMAMALAYAN...
Binasa ko ang nakasulat sa ibaba ng Picture frame..
"AURORA SALAZAR - MILO ILUSTRE NUPTIAL"
Huminga ako ng malalim. Inaamin ko na umaasa akong magkikita kami ni Aurora bago matupad ang Kasal na inalok sa kanya ni Milo. Pero bigo ako. He took my sun away from me.
"Kuya, nandito ka lang pala..." Nanatili akong nakaluhod sa harap ng mesa. Nilapitan ako ni Denielle. At nakita n'ya ang tinitignan ko. Alam kong nakadama ng awa sa akin ang aking kapatid. Mula sa aking likuran ay niyakap n'ya ako.
"Kuya, I told you before. You didn't listen. Now, you are crying because of that. Come on, let's go home." Tumayo ako at lumabas kami.
"Buksan mo ang puso mo kay Ate Elise. Malay mo, gaganda ang pagsasama ninyo. Love is sweeter for the second time around." - Denielle.
"I don't know how." Tipid kong sagot. I felt my heart shattered into pieces. I don't know how to fix it. At kahit pakasalan ko pa si Elise..it will remain shattered.
BINABASA MO ANG
Say That You Love Me ( COMPLETED )
RomanceMasama bang ligawan ang isang lalaki ng isang babae? Pwede rin ba ang isang lalaki magpakipot? Naniniwala ka ba sa Destiny? Basahin n'yo na lang ang kwento ng dalawang magkapitbahay na sina Onyx at Aurora. Kung paano sila nagkawalay at kung paano si...
