Chap. 14

6.3K 183 2
                                        

Hindi maunawaan ni Onyx ang nararamdaman sa mga sandaling ‘yon. Napayuko s’yang bumalik sa kanilang tahanan. Hindi n’ya magawang itaas ang kanyang mukha. Agad s’yang umakyat sa kanyang silid. Nang makapasok na ‘sya agad na humiga sa kanyang kama. Huminga s’ya ng malalim..hanggang sa bumigay din ang kanyang mga mata..tumulo ang luha ni Onyx..nang dahil kay Ara.

Tumunog ang kanyang cell phone agad naman n’yang tinanggap ang tawag. Pinunasan muna n’ya ang kanyang mga luha.

“Hello?”

(Onyx, mag-impake ka ng mga gamit mo. Kinunan kita ng plane ticket. Tumawag dito ang university na papasukan mo ...matutuloy kang mag-aral sa SINGAPORE. Kailangan nandito ka na sa Manila, bago matapos ang Linggo na ‘to. ) - Ama ni Onyx.

“Dad, pwede po bang h’wag nalang akong matuloy doon. I mean.. I want to stay here.”

( Son, this is not a joke. At hindi rin biro ang papasukan mo na University sa Singapore. You'd better pack up your things now. ) - Agad pinutol ng ama ni Onyx ang tawag.

Agad s’yang tumawag kay Vince.

“Vince, pwede bang pumunta ka muna dito. I need to talk to you.”

Ilang sandali lang dumating si Vince.

“What’s up?” Tanong ni Vince sa kaibigan. Nahalata n’yang parang ang bigat bigat ng dinadala nito.

“Vince, wala na si Ara. Umalis na kanina lang. Hindi ko man lang s’ya inabutan. Aalis rin ako. I need to go to SINGAPORE. Doon ako mag-aaral. Vince, please find her. Tulungan n’yo naman ako ni Banjo. Ngayon pa na alam kong anytime pwedeng mawala si Ara sa akin..bago pa man ako makabalik dito.” - Si Onyx.

“Slow down, Pare. Hindi rin ako mag-aaral dito sa Pilipinas. Half Semister lang ang itatagal ko dito. Then, I’ll go to Australia. Ganun din si Banjo, pupunta din s’ya sa Hong-kong.” - si Vince.

“ Damn! I can’t let her go with that guy.” Biglang nasabi ni Onyx.

“Sino?” - Si Vince.

“Someone promised to marry her. Nakilala ko na ang taong ‘yon. Sa mga kilos n’ya para bang kahit anong oras pwede n’yang kunin si Ara. Vince, sabihin mo sa akin na NAPAKAGAGO kong tao! Hindi ko naman akalain na ganito ang mangyayari.” Sabi ni Onyx sa kaibigan.

“ Onyx, how can you be so sure? maraming magbabago. H’wag ka naman masyadong paapekto. At isa pa, paano naman si Elise? Alam mo naman na mahalaga ka rin sa kanya. Nagpaalam kana ba kay Elise?” Tanong ni Vince .

Say That You Love Me ( COMPLETED )Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon