PAALALA SA MGA READERS:
IF YOU THINK THAT MY STORY ISN'T GOOD; PLEASE STOP READING. SASAKIT LANG MGA MATA NINYO.
H'WAG KAYONG MAGSAYANG NG ORAS NINYO. MARAMING WRITERS NA MAGAGALING DOON KAYO MAMILI.
THANK YOU.
♡♡♡♡♡♡♡♡♡☆☆
Aurora's POV
"Good Morning World!!" Biglang sigaw ko para magising ang aking kapatid na natutulog sa kabilang kama. Tumayo agad ako para buksan ang kurtina na nakaharang sa aming bintana.
"Good Morning din Ate Ara." Himala at nagising agad ang dakila kong kapatid na si Sabrina. Naghihikab pa nang bumangon s'ya.
"It's Monday again. Bilisan na natin baka mahuli tayo sa School. Ayaw kong mahuli sa first class ko." Agad kong niligpit ang mga kumot, at kalat sa loob ng aming silid. Si Sabrina naman ay nagmamadali kumuha ng tuwalya at pumunta sa banyo.
Gaya nang dati, muli kong sinilip ang malaking bahay sa tapat ng aming tahanan. Gusto ko, bago ako pupunta ng eskwelahan masilayan ko man lang ang mukha ni ONYX.
Madalas kasi s'yang nakatayo sa harap ng kanilang balkonahe..lalo na sa umaga. Nakatingin dito sa harap ng bahay namin. Minsan iniisip ko HINAHANAP DIN BA N'YA AKO?
Oo, crush ko si Onyx. Elementary palang kami nakikipag-away na ako, kapag may naririnig akong magka-crush sa kanya na mga babae. Kaya kadalasan pag-umuuwi ako ng bahay may mga pasa ako sa braso. Magulo ang buhok at madumi ang suot ko. Kaya pakiramdam ko ang yaman yaman ko sa band-aid, mertayoleyt, betadine at agua oxinada. Madalas nga akong may baon na first aid sa bag.
"Good Morning, Ate Ara." Agad kong nilingon ang aming bunsong kapatid na si Michael. Ang gulo-gulo ng kanyang buhok at may marka pa ng laway sa gilid ng kanyang bibig.
"Mike, h'wag kang lumapit sa akin. May hinanap ako." Muli kong binaling ang aking mga mata sa bintana....at napangiti akong muli....ang ganda ng araw ko...YES! Ang ONYX ko nasa balkonahe na.
"Ate, kahit tumulo ang laway mo at lumuwa ang mga mata mo d'yan sa kakatingin kay Onyx - hindi ka mapapansin n'yan." Biglang sinabi ni Mike sa akin habang sumisilip rin sa may bintana.
"Teka, sandali lang. Ate mo ako di ba? Kapatid mo. Dapat sinusuportahan mo ako. Mike, pwede ba h'wag ka namang maging kontrabida. PLEASE LANG."
Magsasalita pa sana si Mike kaso tinakpan ko na ang kanyang bibig. Ayaw kong makarinig nang kahit anong salita na makakasira sa aking FANTASY. Libre na nga lang ang mangarap meron pang hadlang.Hmp!
"Ara!!!!! lumabas na kayo, sabay sabay na tayong kumain. Maaga kaming aalis ng tatay n'yo papuntang bukid." Rinig ko ang tawag sa amin ni Nanay sa labas ng aking silid. Kaya tumalima agad kami ni Michael.
Nang nasa mesa na kami...
"Ara, ilang araw kami hindi uuwi ng tatay mo dito. Ikaw muna ang titingin sa mga kapatid mo. Kailangan may magbabantay sa mga naaning palay. Alam mo naman, maraming magnanakaw ngayon. Mahirap na at baka nakawin ang ating mga naani." Sabi ni Nanay sa akin habang naghahain ng kanin.
"Opo." Tipid kong sagot.
"At eto pa, h'wag kayong tatambay sa labas. Pagsapit ng dilim nandito na kayo sa loob ng bahay. Nagkakaintindihan ba tayo?" - si Tatay.
"Opo." Sagot naming tatlo.
Nang handa na kaming lumabas papuntang eskwelahan, bumukas ang gate ng bahay nina Onyx.
Palabas narin kami.
Lumabas ang van na kalimitang naghahatid kina Onyx at sa kapatid nitong si Denielle.
Huminto ang van sa harapan namin; at bumukas ang bintana ng van at dumungaw si Denielle.
" Ate Araw, papunta na ba kayo sa skul? Sumabay na kayo sa amin ni kuya." Biglang lumiwanag ang aking mga mata. Nakakahiya man pero chance ko na talaga 'to na makasabay si Onyx. Kaya nakisakay narin.
Sa loob ng van masayang nakukwentuhan sina Sabrina, Michael at Denielle, palibhasa mga elementary sila. Ako heto, nakaupo sa isang tabi habang nakamasid sa daan. Hindi ko man lang makakausap si Onyx dahil nasa front seat s'ya nakaupo. Hindi ko alam pero nakakainis ang eksena ko dito sa loob ng van.
Ilang sandali lang huminto na ang van sa tapat ng paaralan namin. Magkatapat ang paaralan ng elementary at ang High School. Parehong Public School. Samantala sina Onyx at Denielle nasa unahan pa ng eskwelahan namin ang paaralan nila. Private School naman.
Naunang bumaba ang mga kapatid ko at nagpasalamat kay Denielle. Nang bumaba ako kinatok ko ang bintana at lumingon si Onyx. Nagtama ang aming mga mata kaya hindi agad ako nakapagsalita. Mabuti nalang at agad lumapit si Michael sa akin at hinawakan ang aking kamay. Muli akong natauhan.
"Salamat pala, Onyx." Ang sabi ko sa kanya. Wala man lang akong nakitang reaksyon sa kanya..kahit ngiti wala. Suplado ang dating ng mokong! Bigla pang binaling ang tingin sa harapan. Badtrip! Kaya dahan dahan na lang akong umalis.
"Ate Araw, have a nice day!" Pahabol na sinabi ni Denielle. Nakakaloka! Kumaway nalang ako.
BINABASA MO ANG
Say That You Love Me ( COMPLETED )
RomanceMasama bang ligawan ang isang lalaki ng isang babae? Pwede rin ba ang isang lalaki magpakipot? Naniniwala ka ba sa Destiny? Basahin n'yo na lang ang kwento ng dalawang magkapitbahay na sina Onyx at Aurora. Kung paano sila nagkawalay at kung paano si...
