FINAL

8.1K 162 9
                                    

Matyagang hinintay ni Onyx na dumating ang ina ng mga bata. Nakatayo s'ya sa harap ng kanilang gate. Hindi n'ya alam pero kinakabahan s'ya. Iniisip n'ya paano kung tama ang hinala n'ya?

Hindi nagtagal dumating ang kotse nang babaeng hinihintay n'ya. Tumago muna si Onyx sa mga halaman. Bumaba ang babae at pinindot nito ang buzzer.

Namukhaan n'ya ang babae..Hindi n'ya namalayan may tumulo sa mga mata n'ya..ang alam n'ya masaya s'ya...

Tumayo s'ya sa harap ng sasakyan ng babae...nang humarap ang babae...tila nagulat rin sa kanya...

"O-Onyx...." Si Ara.

"Ara..." Si Onyx.

Hindi makalapit si Ara sa kanya..Nanatiling nakatayo. Si Onyx ang kusang lumapit hanggang sa magkaharap sila..

"Ba't ka may luha?" Tanong ni Ara. Pinunasan ni Ara ang luha ni Onyx.

Hindi kumibo si Onyx..bagkus..niyakap n'ya si Ara. Kasunod noon nakarinig si Ara ng paghikbi..

"Ate?" Napalingon silang pareho nakita nila si Sabrina. Nakatingin sa kanila.

"Kuya Onyx?" Napangiti si Sabrina kay Onyx. Pati si Onyx. Napayakap sila.

"Mamaya na tayo magkwentohan Kuya..mag-usap muna kayo ni Ate. Parang namiss ninyo kasi ang isa't isa..PARANG NOON LANG." Napahagikhik si Sabrina.

Ipinasok ni Sabrina ang sasakyan. Naiwan sa labas sina Onyx at Aurora. Niyaya ni Onyx si Aurora na pumunta sa bahay n'ya. Sumama naman si Aurora.

Nang makapasok sila sa loob..unang nahagip ng mga mata ni Auora ang malaking portrait sa dingding ng sala..

"Onyx...hindi nga nagsisinungaling ang mga anak ko..Ako ang nasa portrait. Pero bakit?" Natanong ni Aurora.

"Kahit saan ako magpunta Ara dala ko ang portrait n'yan. 'Yan ang nagsilbing liwanag ko tuwing umaga. Hindi ko na kailangang tumayo sa balkonahe para makita ko ang ARAW...nandito na s'ya sa loob ng bahay ko." Napayuko si Aurora sa sinabi ni Onyx.

"Ara..Ikaw ang araw ko noon..Nagsinungaling ako noon. Pero nawala ka..hindi na naging tama lahat sa akin. Ara, sabihin mo sa akin kung kinalimutan mo na ba ako?" Damang dama ni Aurora ang paghihirap ni Onyx.

"Onyx, hindi. Paano ko makakalimutan ang kabaliwan ko noon? Ang mga sugat na natamo ko dahil makipag-away nang dahil sa 'yo...MALINAW PA RIN..." Hinaplos ni Aurora ang mukha ni Onyx. Napayakap sila sa isa't isa.

"Ara, gusto mo bang magsimula tayo tulad ng dati? Hindi na ikaw ang manliligaw..kundi ako..." Hinalikan ni Onyx ang kamay ni Aurora.

Napangiti si Aurora habang napapaiyak sa sinabi ni Onyx.

"Tatayo ka parin sa balkonahe? Tulad ng dati. Sisilip sa bintana kahit umuulan? Onyx, gagawin mo parin ba?" - Si Ara.

"Oo naman. Basta't bubuksan mo parin ang pinto ng balkonahe n'yo. I can't wait to do it again." Napangiti si Onyx.

Naikwento ni Onyx ang nangyari sa kanila ni Elise. Naikwento din ni Aurora ang buhay sa piling ni Milo. Tila bumalik sila sa kanilang kabataan.

------------------------------------------

Maaga pa nakatayo na si Onyx sa balkonahe. Hinihintay muli ang Araw ng buhay n'ya.

Tulad ng inaasahan lumabas din si Ara. At Kumaway kay Onyx.

"Bakod lang ang pagitan sa atin Ara, pwede tayong mag-usap buong maghapon." Napangiti si Onyx.

"H'wag mo nang ipaalala sa akin ang kabaliwan ko sa 'yo noon." Nakangusong sinabi ni Aurora.

"Bakit hindi? 'Yon kaya ang pinakamagandang bagay nangyari sa atin noon. I miss those days. " Sabi ni Onyx habang umiinum ng kape.

Natawa naman si Aurora.

"Mommy, Good morning." Sabay bati ng dalawang bata kasama ni Sabrina.

Hinalikan ni Aurora ang mga bata.

"Ako na ang bahala sa mga bata. Namnamin na ninyong dalawa ang mga happy memories ninyo noon.Kaloka, ang tatanda na ninyo FEEL NINYO mga teenager." - Sabrina.

"At least kami, may mapagkwentohan eh ikaw walang ka kulay kulay ng love life mo." - Aurora.

"Sab, maghanap ka na para may makalaro naman 'yang mga pamangkin mo." - si Onyx.

"Kuya, ayaw kong sumakit ang ulo ko. Tulad ni Ate noon. Naku, d'yan na nga kayo." Agad umalis si Sabrina kasama ang mga bata.

Nang naiwan na ni Sabrina si Aurora..

"Ara, may ipapakita ako sa 'yo basahin mo...." -Onyx

May inilabas ni Onyx na whiteboard..may isinulat s'ya. At pinakita kay Aurora..

" I LOVE YOU, SUNSHINE!" - Onyx.

"Ayaw kong sinusulat..dapat sinasabi.." Sagot ni Aurora.

"I LOVE YOU, AURORA!!" Malakas na sinigaw ni Onyx. Nagsilabasan ang mga katulong sa sigaw ni Onyx.

Pati si Sabrina ay lumabas na rin..

"PLEASE SAY THAT YOU LOVE ME..PAPAKASALAN KITA KAHIT SAANG SIMBAHAN.. MULA APARI HANGGANG JOLO." - Onyx

"Ang bilis naman yata." Sabi ni Aurora.

"Ayaw kong may kaagaw ulit. " Sagot ni Onyx.

Hindi makapagsalita si Aurora. Samantala, nangingisay na ang mga katulong nina Onyx at Aurora sa kilig.

------------------------------------------

Gabi, inanyayahan ni Onyx sina Aurora na kumain sa kanyang bahay. Masaya silang nagsalu-salo. Maagang umuwi sina Sabrina kasama ang mga bata. Samantala muling nag-usap sina Onyx at Aurora.

Hindi maunawaan ni Aurora na bumabalik ang dating nararamdaman n'ya kay Onyx. Akala n'ya ay nawala na ito; pero muli na naman itong umusbong.

Nasa veranda sila ng bahay ni Onyx. Habang pinagmamasdan ang mga bituin sa langit.

"Ara, May nararamdaman ka parin ba sa akin? Kahit kunti d'yan sa puso mo." - si Onyx.

"Onyx, kailangan pa bang tanungin 'yon? Hinding hindi ko malilimutan kung paano nagsimula ang lahat." - Si Aurora.

Dahan dahang hinawakan ni Onyx ang kamay ni Aurora at hinagkan ito.

" Aurora, h'wag ka nang lumayo sa akin. Ayaw ko nang mawala ka pa. Ayaw ko na." Bulong ni Onyx.

"Onyx, kahit kinuha ni Milo ang buong puso ko noon; itinira ko ang isang bahagi para sa 'yo. dahil kahit umabot man ang katandaan sa akin..IKAW LANG ang matyagang HININTAY AKO SA UMAGA KASABAY NG PAGLABAS ng Araw.. SALAMAT!" Hinalikan ni Ara ang kamay ni Onyx.

At nagyakapan sila.

Niyaya ni Onyx na sumayaw silang muli ni Ara. Tulad ng dati pakiramdam ni Ara sila lang ni Onyx ang tao sa mundo sa gabing 'yon.

Nagsimulang umawit si Onyx..tulad nang gabing sumayaw sila ni Ara sa gitna ng daan. Pareho silang napapangiti..dahil pareho nilang naalala ang gabing 'yon.

"No one else comes close to you

No one makes me feel the way you do

You're so special girl to me

And you'll always be eternally

Every time I hold you near

You always say the words I love to hear

Girl with just a touch, you can do so much

No one else comes close

And when I wake up to

The touch of your head on my shoulder

You're a dream come true, yeah

Oh girl you know I'll always treasure

Every kiss and every day

I love you girl in every way

And I always will 'cause in my eyes..

NO ONE ELSE COMES CLOSE..

Say That You Love Me ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon