Chap. 18

5.9K 158 6
                                    

THIRD PERSON'S POV

Dumating sa Pilipinas ang eroplanong galing Amerika. Lulan ng eroplano sina Milo at Ara.

"Ate Ara! Kuya Milo!" Sigaw nina Michael at Sabrina. Masayang sinalubong sila ng kanilang mga kamag-anak.

"Kumusta?" Tanong ng ama ni Aurora kay Milo.

"Okay naman po kami. Heto si Ara parating naduduwal sa umaga. Pero 4 na buwan na po ang dinadala n'ya." Masayang ibinalita ni Milo sa mga magulang ni Aurora.

"Ara, maging maingat ka sa pagbubuntis mo. Alam mong napakaexcited na namin." Sabi ng ina ni Aurora. Ngumiti naman si Aurora habang nakapalibot ang kanyang mga kamay sa bisig ng asawa.

"Kaya nga agad kaming bumalik dito para matutuloy na ang Church Wedding namin. At dito narin ako manganganak nanay." Sabi ni Aurora.

"Mabuti naman at nang maalagaan ka namin dito." Sabi ng ina ni Milo.

"Naku, Milo bilisan mo ulit para makadami ka na. Gusto ko ng isang dosenang apo." Biro ng ama ni Milo.

"Pa, napakabilis naman po yata nang iniisip ninyo." Napakamot ng batok si Milo. At sabay silang nagtawanan.

-------------------------------------------

Pagkaraan ng isang Linggo, muling nagmartsa si Aurora sa simbahan para sa kanilang Church Wedding. Kung noong unang kasal nila ay iilan lang ang dumalo; ngayon madami ang dumalo. Ang mga dating kapit-bahay nina Aurora ay nandoon din.

"Congratulations!" Bati ni Julianne at Rachael.

"Ara, ilang beses ba dapat kayong ikasal ni Milo? Siguro kung merong sampung simbahan dito sa atin..siguro lahat ng simbahan papakasalan ninyo." Sabi ni Julianne.

"Gaga! Natural desidido si Milo kay Ara, kaya kahit ilang simbahan gagawin n'ya 'yon." Dagdag ni Rachael.

"Hintayin n'yo din pala ILANG buwan mula ngayon; MAGIGING NINANG NA KAYO!" Biglang sinabi ni Aurora sa dalawa kaya...

"Yaaaaaaaaaaaaaa! Buntis ka na?!!!" Napalakas ang sigaw ng dalawa kaya lahat ng tao ay napatingin sa kanila. Narinig ng lahat ang sinabi ng dalawa kaya nagsipalakpakan ang lahat.

Agad lumapit si Milo sa asawa at hinalikan si Aurora sa pisngi. Agad kinuha ni Milo ang atensyon ng lahat ng tao.

"Tama ang inyong narinig..Buntis po ang aking may bahay. Kaya inaasahan namin kayo sa binyag ng aming magiging anak." Agad nagkaroon ng masigabong palakpakan.

----------------------------------------

Samantala, nasa Australia naman si Onyx. Mahigit Apat na buwan narin ang nakalipas mula nang umalis s'ya sa Pilipinas. Ngayon, hinihanda n'ya ang kanyang sarili na pumunta sa simbahan para tuparin ang napag-usapan ng kanyang pamilya at ng pamilya ni Elise.

Mabilisang kasal ang hiniling ng pamilya ni Elise kaya agad inihanda ang lahat.

FAST FORWARD

"Now I pronounce you Husband and Wife.. You may kiss the bride." Sabi ng Pari.

Huminga ng malalim si Onyx bago dinatal ang kanyang labi kay Elise. Kasunod nun ay ang palakpakan ng mga dumalo sa nasabing kasal.

"Are you happy?" Bulong ni Onyx kay Elise.

"Yes. I finally own you..from head to toe. Even to your last strand of hair." Nakangising hinarap ni Elise si Onyx.

"Well, physically I'm yours..but not my mind and soul. " Madiing sinabi ni Onyx. Agad naman kumunot ang noo ni Elise.

Patuloy ang pagkukunwarian nilang dalawa sa harap ng maraming tao. Hanggang sa natapos ang okasyon.

Natuloy sila sa isang 5 star Hotel.

"Onyx, harapin mo nga ako. Bakit ba ang init ng ulo mo sa akin?" Agad na tanong ni Elise.

"Dahil hindi ko matanggap na ikaw ang mapangasawa ko. Kung hindi ko lang mahal ang pamilya ko at ang negosyo namin..Hinding hindi ako magpapatali sa 'yo." Diretsang sinabi ni Onyx.

"Tell me the exact reason." - si Elise.

"Because I DON'T TRUST YOU." Nagulat si Elise sa sinabi ni Onyx.

"You don't trust me or it's because of her." Tumaas ang boses ni Elise.

"Walang pakialam si Ara dito. Ikaw bakit mainit ang ulo mo sa kanya?" - si Onyx.

"Dahil inagaw ka n'ya sa akin." Sagot ni Elise at nanlalaki ang mga mata nito.

"Ikaw naman ang naging asawa ko. So, you win. Hindi mo itatanong sa akin kung bakit wala akong tiwala sa 'yo?" Nakapamaywang na hinarap ni Onyx si Elise.

Hindi sumagot si Elise.

"Ba't ka natahimik? Ako nalang ang sasagot sa sarili kong tanong..I DON'T TRUST YOU BECAUSE OF WHAT YOU DID TO ME. YOU HAD AN AFFAIR WITH ANOTHER GUY ASIDE FROM ME. NAKALIMUTAN MO NA BANG NABUNTIS KA AT NAGPA-ABORT?" Sa sinabi ni Onyx, dahan dahang nahulog ang mga luha ni Elise. Pinikit ni Elise ang kanyang mga mata at kinagat ang kanyang labi.

FLASH BACK

Nasa ikalawang taon ng college sina Onyx at Elise. May dinaluhan silang party noon.Idinaos ang party sa isang pent house. Magkasama silang pumunta ngunit nagkahiwalay sila sa gitna ng pagsasaya ng party.

Hinanap ni Onyx si Elise..Matagal s'yang naghanap. Pumunta s'ya sa labas ng venue. May dalawang anino s'yang nakita na pumasok sa loob ng isang bakanteng silid. Hindi naman pinansin ni Onyx patuloy parin n'yang hinanap si Elise. Hanggang na padako s'ya sa pool. At doon n'ya natagpuan ang kasintahan na may kasamang lalaki.

Parang nanigas si Onyx sa kinatayuan. Kitang kita n'ya na kinakalong si Elise ng lalaki habang walang saplot sa katawan silang pareho. At naghahalikan. Hindi lumapit si Onyx. Bagkus, umatras s'ya at umalis.

Nagmaneho si Onyx na para bang wala sa kanyang sarili. Gusto n'yang tanggalin sa isipan ang nakita ngunit patuloy itong rumerihestro sa kanyang utak.

Doon nagsimulang mawala ng tuluyan ang nararamdaman ni Onyx kay Elise. Inamin n'ya sa sarili na kahit gaano n'ya kamahal si Aurora meron paring natitirang katiting si Elise sa kanya.

Nadagdagan pa ito nang minsang nahospital si Elise. Hindi alam ni Onyx, at damang dama parin n'ya ang pag-alala sa nobya kaya sinamahan n'ya ito sa hospital. Doon ay muli s'yang may natuklasan..

" Onyx, meron akong itatanong sa 'yo?" sabi ng kaibigan ni Elise.

"Ano?" - si Onyx.

"Bakit mo hinayaan na ipalaglag ni Elise ang baby ninyo? Alam mo bang mali 'yon." Nanlaki ang mga mata ni Onyx sa pagkabigla. Hindi n'ya agad alam kung anong isasagot.

"Nagpalaglag si Elise?" Tanong n'ya.

"Oo, siguro mga ilang Linggo na ang nakakaraan, kasi kasama pa nga n'ya ako. Natatakot pa nga s'ya eh." Napakuyom ng kamay si Onyx.

Hindi na hinintay ni Onyx ang muling sasabihin ng kaibigan ni Elise. Agad n'yang tinungo ang silid nito. Natagpuan n'yang nakahiga ito at putlang pula. Gusto man n'yang magalit ay di n'ya magawa. Dahil na nga sa kalagayan nito. Nais n'yang sumbatan pero alam n'yang hindi ito makabubuti kay Elise. Hihintayin n'ya nalang ang ibang pagkakataon.

END OF FLASH BACK

Umalis si Onyx na walang paalam kay Elise. Tinungo n'ya ang bar na malapit sa kanilang tinutuluyan. Doon hinayaan n'yang malunod ang sarili sa alak.

Hinatid na lamang si Onyx ng nakatalagang bellboy ng hotel.

Hindi alam ni Elise anong gagawin kay Onyx. Ngunit bilang asawa dapat n'yang gampanan na ito.

"Onyx, I'm sorry. Hindi ko masabi sa 'yo ang totoo. Natatakot ako. Natatakot akong iwan mo..Ikaw lang ang pinagkatiwalaan ko. I'm really sorry." Humagulgol ng iyak si Elise.

Akala n'ya ay natutulog si Onyx dahil sa kalasingan. Hindi n'ya alam na nakikinig lamang ito sa kanyang mga sinabi. Tumulo ang luha ni Onyx sa mga sandaling 'yon. Anong pa bang katotohanan ang dapat n'yang malaman. At s'ya pa ang napili ni Elise na pagkatiwalaan?

Say That You Love Me ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon