Chap. 12
Elise’s POV
Kanina ko pa napapansin hindi nagsasalita si Onyx. Hindi ko maintindihan kung dapat ba akong magalit sa kanya. Maraming nagbago kay Onyx. Ang hirap hirap na ngang isa-isahin.
Noong elementary palang kami, ako at si Onyx na ang parating magkasama. Hanggang sa...
FLASH BACK
Nasa park kami noon ng eskwelahan habang kumakain ng meryenda. May naikwento si Onyx sa amin tungkol sa isang kapitbahay nila..
“May bago kaming kapit-bahay. Mahilig maglaro ng larong panlalaki. Minsan niyaya kong maglaro ng water spray gun..ang saya kaya namin..Wala s’yang hilig sa mga dolls.” - si Onyx.
“Anong pangalan n’ya?” Tanong ni Vince.
“Ara...” - si Onyx.
“Pero minsan, nakikita ko s’yang napapaaway sa may kanto. Hindi ko alam kung bakit. Mukhang matapang, eh.” Dagdag ni Onyx.
“Naku, h’wag kang makikipagkaibigan sa ganun. Malay mo pagnag-away kayo bigla kang bubuntalin.” - Ako.
“Hindi naman siguro. Mabait naman si Ara. Pag-inaway siguro talagang lalaban.” - si Onyx.
===========================================
Itong mga nakaraang taon..marami na akong nahahalata sa kanya. Bakit tuwing na pag-uusapan namin tungkol sa mga gangster, bullying, bad fraternity or other issues about students problem in school, napapasok sa usapan si Ara.
Gusto ko na tuloy makilala si Ara. Wala naman ni isa sa mga kaibigan namin ni Onyx na nagkainteres na makilala si Ara. Hanggang sa kwento lang ni Onyx nila kilala s’ya.
Minsan nagkaroon ng field trip ang school namin ako lang ang hindi nakasama dahil nagkasakit ako ng flu. Nagulat nalang ako sa balita na nakilala na ng mga kaibigan namin si Ara. Naikwento nila sa akin kung paano nangyari.
Magkasintahan na kami ni Onyx since 3rd year High School.
Kamakailan ko lang nalaman na nasa Public School nag-aaral si Ara.
Minsan, napagawi ako Elementary Building. Nakita ko si Denielle na kausap ang kanyang mga kaibigan. Narinig ko ang kanilang pinag-uusapan..
“Alam n’yo ba si Kuya Onyx, laging nasa balkonahe ng aming bahay tuwing umaga, dahil hinihintay n’ya na lumabas ang kanyang ARAW.” - Si Denielle.
BINABASA MO ANG
Say That You Love Me ( COMPLETED )
RomanceMasama bang ligawan ang isang lalaki ng isang babae? Pwede rin ba ang isang lalaki magpakipot? Naniniwala ka ba sa Destiny? Basahin n'yo na lang ang kwento ng dalawang magkapitbahay na sina Onyx at Aurora. Kung paano sila nagkawalay at kung paano si...
