THIRD PERSON’S POV
Parang gusto ni Onyx hilain si Aurora sa tabi ni Milo. Wala s’yang pakialam kung ano man ang ipinangako kay Aurora. Basta’t ang alam n’ya MAHAL S’YA NI AURORA.
“Ara, aalis nga pala tayo ngayon. Isama mo sina Mike at Sabrina. Pinapasundo kayo nina Mama at Papa. Sa bahay tayo kakain.” Nakangiti si Milo na humarap kay Aurora. Hinawi pa nito ang hibla ng buhok ni Aurora, at inipit sa gilid ng tenga nito.
Napangiti naman si Aurora sa ikinilos ni Milo. Parang hindi nila napansin na nasa harapan lang nila si Onyx.
“Araw, ba’t ka pa aalis? Gabi na.” Biglang nasabi ni Onyx.
Nalipat ang tingin ni Milo kay Onyx.
“You heard what I said. Pinapasundo sila ng parents ko.” Madiing sinabi ni Milo. Napatiim bagang si Onyx.
“Umuwi kayo ng maaga, Ara.” Ang sabi ni Onyx habang masamang tinitigan ni Milo.
“H’wag kang mag-alala ihahatid ko sila. Depende na lang kung papayagan silang pauwiin ng magulang ko. My parents miss them too. Lalo na si Aurora.” Nakataas ang kilay ni Milo.
Napakuyom ng palad si Onyx. At agad nagpaalam kay Aurora.
Nang makalabas na si Onyx, hinarap ni Milo si Aurora.
“Manliligaw mo ba ‘yon?” Nabigla naman si Aurora sa tanong ni Milo.
“Ah...ahmmm..Hindi. Hindi ko s’ya manliligaw. H’wag mo s’yang isipin. Halika na umalis na tayo.” Agad niyaya ni Aurora si Milo na umalis agad. Para iwasan narin ang mga tanong. Paano nga ba n’ya ipapaliwanag kay Milo NA S’YA ANG NAGING MANLILIGAW NI ONYX.
Samantala, uminit ang ulo ni Onyx na umuwi sa bahay nila.
“Denielle, matulog ka ng maaga!” Singhal n’ya sa kapatid nanunuod ng TV. Lumingon si Denielle kay Onyx.
“Kuya, walang pasok bukas. Baka nakalimutan mo bakasyon na po. Tsaka, kuya ba’t mainit ang ulo mo? Nagseselos ka ba kay MILO ?” Tumayo si Denielle at hinarap si Onyx.
“Ba’t mo kilala ang mokong na ‘yon?” Nakakunot ang noo ni Onyx.
“Pinakilala sa akin ni Sabrina. Kuya, ‘yan ang sinasabi ko sa ’yo noon. Pagmay nanligaw kay Ate Ara..MAWAWALA NA ANG ARAW MO..Baka forever pa! Ang torpe mo kasi. Nag-iinarte ka pa. Ayan tuloy ang napala mo.” Sermon ni Denielle.
BINABASA MO ANG
Say That You Love Me ( COMPLETED )
Lãng mạnMasama bang ligawan ang isang lalaki ng isang babae? Pwede rin ba ang isang lalaki magpakipot? Naniniwala ka ba sa Destiny? Basahin n'yo na lang ang kwento ng dalawang magkapitbahay na sina Onyx at Aurora. Kung paano sila nagkawalay at kung paano si...