Chap. 6

7.6K 211 8
                                    

Aurora's POV

Kahit masakit ang balakang ko pinilit kong pumasok sa eskwelahan. Ilang araw lang rin naman akong magtitiis nito. Di bale, ang mahalaga meron na akong maikukwento kay Rachael. Sigurado akong magtitili na 'yon sa kilig.

Naunang umalis ang mga kapatid ko sa akin. Mag-isa lang akong pupunta sa may kanto para maghintay ng jeep na daraan. Palabas na ako ng gate nang..

"Ara..kanina pa kita hinihintay. Halika na, sumabay ka na sa akin." Naku po, nagwawala na naman ang mga paruparo sa tiyan ko! Ano ba naman 'tong si Onyx - full of surprises! Kilig much talaga aketch!

Mmmmmmm ang bango-bango pa. Mabuti na lang rin bagong ligo ako. ^_^ hindi ako AMOY ARAW.

Pumasok ako sa loob ng van...and guess what, hindi na s'ya umupo sa front seat...NaSA HARAPAN KO NA S'YA! Gustong gusto ko nang lumundag sa tuwa. Grabe, level up na talaga ang byuti ko. Umaarangkada na GO! GO!

"Masakit pa rin ba ang balakang mo?" Tanong n'ya sa akin.

"Ah..O-Oo." Iniwas ko agad ang mga mata ko na h'wag kaming magkatitigan. Feel ko kasi para akong naiihi na sa mga titig n'ya. Dinagdagan pa nang sabihin n'yang...

"Anong oras ba ang uwi mo?" My gosh! Anong ibig sabihin nito? Susunduin n'ya ba ako? Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. I NEED OXYGEN. Grabeng kilig nangyayari sa buhay ko ngayon.

Pero napawi lahat ng 'yon nang may tumawag kay Onyx..

"Hello, Babe. Yeah, papunta na ako d'yan..."

Ano 'yon? May lihim akong karibal? Humanda s'ya sa akin....OVER MY DEAD SEXY BODY hindi n'ya maaangkin ang ONYX ko. Nang biglang....

SCREEEEETCHHHHHHHHHH...

"AY!!" Nasubsob ang face ko....

Napayakap ako kay Onyx.

Nasubsob ako sa face ni Onyx.

NAGKAHALIKAN KAMI... Juice ko! Juice ko! Kailangan ko ng juice para mawala ang init ng face ko.

Agad akong bumalik sa kinauupuan ko. Para akong nahiya sa sarili ko. Napayuko talaga ako. Napahawak ako sa bunganga ko. MY GOD! S'ya na ang FIRST KISS ko...gusto kong MAIYAK! Hindi ko naman s'ya Boyfriend para s'ya ang makauna.

Hindi ko alam anong gagawin ko....

Mabuti nalang huminto ang sasakyan sa harap ng eskwelahan namin..aalis na sana ako nang hinawakan n'ya ang kamay ko...tapos sabi n'ya...

IT WAS AN ACCIDENTAL KISS. FORGET IT.

Ganun na lang ba 'yon?

Agad akong umalis.. Hindi ko na s'ya nilingon. Oo, accidental na kung accidental.. pero nakakasakit naman para sa akin na sabihin n'ya na FORGET IT. Pano pa maging forget 'yon - eh, sya ang First kiss ko. Abnormal!

==========================================

Onyx POV

Eto na! Eto nang sinasabi ko sa sarili ko na dapat iniiwasan ko na si Ara...Lord, bakit n'yo naman hinayaan na mangyari 'yon kanina? (Sigh )

Bakit kay Ara pa? Sana sa iba nalang..hindi sa mukhang MATON na 'yon.

Nakakahiya talaga.

Ba't naman ako mahihiya? Dapat nga masaya ako. Kasi nakascore ako..hehehehhe :D

Anyway, siguro naman madadala na si Ara sa nangyari kanina.

Natatawa ako sa reaksyon ni Ara.. epic na epic.

===========================================

THIRD PERSON'S POV

Naglalakad si Ara papuntang class room n'ya pero lumilipad ang isip n'ya sa nangyari kanina. Hindi n'ya alam kung dapat s'yang matuwa; pero para s'yang nasasaktan sa huling sinabi ni Onyx.

Say That You Love Me ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon