Chap. 9

6.3K 199 12
                                    

AURORA'S POV

Hindi ko sinagot ang tanong ni Onyx. Agad akong tumayo at lumabas sa gate. Bitbit ko ang bag ko. Hindi ko maunawaan ang nararamdaman ko ngayon.

"Ara, saan ka pupunta?" Pinigil ako ni Rachael. Hindi ko s'ya pinansin.

"Aurora!" Nakita kong paparating sina Alex at Marlon. Pinapasok ko sa loob si Rachael.

Bigla akong hinablot ni Alex at sinampal.

"Shit!" - Ako.

Buong lakas kong sinipa si Alex. Hinampas ko kaagad ng bag. At tinadyakan muli. Napahiga si Alex sa lupa. Agad kong nilapitan at tinapakan ang tiyan.

"Ahhhh!" Sigaw ni Alex.

"Ara, tama na!" Niyapos ako ni Onyx at inilayo kay Alex. Samantala, pinigil ng guard si Marlon na makalapit sa akin.

"Hayop ka!" Sigaw ko.

Isinakay ako ni Onyx sa van. At agad kaming umalis.

"Onyx, dapat hindi mo ako pinigilan." Nag-iinit parin ang ulo ko kay Alex.

"Tumigil ka nga, Ara!" bulyaw sa akin ni Onyx.

"Hello! H'wag kayong mag-away dito. Nadadagdagan ang tensyon namin." Sabi ni Julianne.

"Ara, ang astig mo! Idol na kita." Sabi ni Vince.

"Isa ka pa!" Bulyaw din ni Onyx kay Vince. Nauna akong inihatid ni Onyx sa bahay. Samantala, ang driver na lang ang naghatid sa mga kasama namin.

"Ara, hindi ka ba natatakot sa ginawa mo? Paano kung ipapapulis ka nila? " Mukhang nag-aalala si Onyx.

"Eh, di sana noon pa." Sagot ko.

"Ara, pwede ba h'wag ka namang masyadong ASTIG." - si Onyx.

"Eh, anong gusto mo? iiyak ako ganun? Onyx, wala sa image ko ang IYAKIN." Tinuro ko pa ang sarili ko. Huminga s'ya ng malalim at tinalikuran ako.

"Onyx...may sasabihin ako sa 'yo." Agad kong sinabi sa kanya. Ayaw ko nang patagalin pa. Hindi ako mahilig sa suspense. Hinarap ako ni Onyx.

"GUSTO KITA. GUSTO KITANG LIGAWAN. " - Ako.

Kumunot ang noo ni Onyx. Gusto kong matawa sa reaksyon n'ya.

"Ano? Ara, tigilan mo 'yang kabaliwan mo. Hindi nakakatawa." Tuloy umalis si Onyx.

"Onyx, seryoso ako. LILIGAWAN KITA.! Mukha ba akong nagbibiro? Humanda ka Onyx, I'M COMING....."

===========================================

THIRD PERSON'S POV

Umagang umaga, lumabas ng bahay si Denielle at nakitang nasa harapan ng kanilang gate si Aurora may dalang bulaklak ng orchids.

"Ate Araw, anong sadya mo?" - si Denielle.

"Aakyat ng ligaw sa Kuya Onyx mo. Nand'yan ba s'ya?" - si Aurora.

Nanlaki ang mga mata ni Denielle sa sinabi ni Aurora.

"Tuloy ka Ate! Ang aga mo namang umakyat ng ligaw. Daig mo pa ang intsik." Mukhang masaya din si Denielle sa narinig kay Aurora.

" Natural para makadami. 'Yan ang kasabihan ANG TAONG MATYAGA, MAY NILAGA." - si Aurora.

"Kuya! Si Ate Araw nandito..Hindi mo na kailangan tumayo sa balkonahe!" Sigaw ni Denielle na para bang kinikilig. Lumabas si Onyx sa may pinto. Gulat s'ya na may dalang bulaklak si Aurora.

"Ano 'yan?" Mukhang natatakot si Onyx kay Aurora.

"Bulaklak...PARA SA 'YO." Kinilabutan si Onyx kay Aurora.

Say That You Love Me ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon