THIRD PERSON’S POV
“Gyaaaaaaaaahhhhhhh! Kinilig ako...!” nagtitili si Aurora at naglulundag sa kama.
“Ate ang ingay mo! Nag-aaral ako. Ang babaw talaga ng kaligayahan mo.” Saway ni Sabrina.
Biglang niyakap ni Aurora ang kapatid..“Sab, sabihin mo sa akin kung may patutunguhan ang LAHAT NG ITO? I’M IN HEAVEN..” Nakangiti si Aurora habang yakap ang unan.
“Um!” Hinampas ni Sabrina ng unan si Aurora.
“Kanina lang sinabi mo hindi mo s’ya pinagpapantasyahan..tapos ngayon titili ka? May saltik ka na ba?” --si Sabrina.
“Gaga! Alangan naman aminin ko na CRUSH ko s’ya.” Saway ni Aurora.
“Alam mo Ate..hindi ko talaga GETS ang takbo ng utak mo. ” Umirap si Sabrina.
“Hoy, h’wag kang epal. Mabuti pa si Denielle ilalakad ako kay Onyx. Samantala kayo ni Michael..KINUKONTRA N’YO AKO.” Nakasimangot na hinarap ni Aurora ang kapatid.
“Ate, kahit hindi mo sabihin kay Kuya Onyx na crush mo s’ya. Alam n’ya ‘yon. Araw-araw ba naman nakatunganga ka d’yan sa may bintana, obvious na obvious na.” - si Sabrina.
Napatingin si Aurora sa kapatid.
“Ate, pwede turuan mo ang sarili mo na kunting dumistansya kay Kuya Onyx. Pag ikaw nasaktan; HINDI MO MAGAGAWANG SAKTAN SI KUYA ONYX NG BUGBOGAN. HINDI S’YA KATULAD NG IBA D’YAN NA TINATADYAKAN MO..HINAHABOL MO NG BASEBALL BAT.” Natameme si Aurora sa sinabi ng kapatid.
Nang humiga na sina Aurora para matulog, naisip n’ya ang sinabi ng kapatid. Kinapa ni Aurora ang dibdib.
“Hindi, okay lang ako. Matapang ako. Ano ngayon kung masaktan ako? Ang importante lubus lubusin ko na ‘to...DAPAT MAGING MASAYA ANG LOVE LIFE KO..KASI MINSAN LANG ITO..HINDI NA MAUULIT.” Sabi ni Aurora sa sarili.
===========================================
Kinabukasan muling hinawi ni Aurora ang kurtina. Napangiti s’ya nang makita si Onyx sa may balkonahe. Kumaway si Onyx. Ganun din si Aurora.
Biglang naalala ni Aurora ang sinabi ni Sabrina;
“Ate, pwede turuan mo ang sarili mo na kunting dumistansya kay Kuya Onyx. Pag ikaw nasaktan; HINDI MO MAGAGAWANG SAKTAN SI KUYA ONYX NG BUGBOGAN. HINDI S’YA KATULAD NG IBA D’YAN NA TINATADYAKAN MO..HINAHABOL MO NG BASEBALL BAT.” Ngumiti si Aurora kay Onyx. At dahan dahan na tumalikod.
Samantala, na natiling nakatayo si Onyx sa may balkonahe.
“What a nice day!” Nagulat si Onyx sa sinabi ng kapatid nito.
“Gising ka na pala. Tara kumain na tayo.” Pagyayaya ni Onyx sa kapatid.
“Stop! Nakita mo na ba ang ARAW mo?” tanong ni Denielle habang nakangiti.
“Shut up! Pwede ba, h’wag mo nang ilakad si Aurora sa akin.” Hinarap ni Onyx ang kapatid.
“Kuya, nagpapakipot ka pa. Sige pag si Ate Araw, nagpaligaw sa iba MAWAWALA na ang ARAW MO...as in TOTALLY DARK ang umaga mo.” Nakapamaywang si Denielle sa kapatid.
“Tumigil ka.” - si Onyx.
Nakangusong pumasok si Denielle sa loob ng bahay.
===========================================
THIRD PERSON’S POV
Malapit na ang JS Prom. Excited na ang lahat para sa darating na party. Pati si Aurora ay excited na rin. Pumunta sila ni Rachael sa isang Tailoring Shop na nagpaparenta rin ng mga Prom Dress.
BINABASA MO ANG
Say That You Love Me ( COMPLETED )
RomanceMasama bang ligawan ang isang lalaki ng isang babae? Pwede rin ba ang isang lalaki magpakipot? Naniniwala ka ba sa Destiny? Basahin n'yo na lang ang kwento ng dalawang magkapitbahay na sina Onyx at Aurora. Kung paano sila nagkawalay at kung paano si...