Chap. 22

6.2K 178 4
                                    

Mabilis naiproseso ang Divorce nina Onyx at Elise. Masakit man kay Elise ngunit kinakailangan ito para sa katahimikan narin ng kanyang kalooban. Maging si Onyx ay di nakadama ng kasiyahan. Ganun pa man, napamahal sa kanya si Elise.

Muling bumalik si Onyx sa Pilipinas. Bumili s’ya ng sariling bahay sa isang bagong Subdivision.

Gustong mapag-isa ni Onyx, at gamutin ang kanyang sarili dulot ng masakit na kahapon sa kanyang buhay.

Nasa sala s’ya ng kanyang bahay habang hinihintay ang kanyang driver. Nakatingin s’ya sa isang malaking PORTRAIT na nakasabit sa dingding ng sala. Hindi nya maiwasang mapangiti. Hanggang ngayon, malinaw pa sa kanyang alaala ang magagandang nangyari sa kanyang buhay noong kabataan...muling naalala n’ya ang babae sa Portrait...ANG KANYANG NAWALANG ARAW.

Good Morning, Sunshine. Kahit hindi na ako tatayo sa balkonahe..sapat na sa akin na makita ka dito sa loob ng bahay ko.” - si Onyx.

“Sir Onyx, handa na po ang kotse ninyo.” Nabaling ang tingin ni Onyx sa driver.

Lumabas sina Onyx. Huminto sandali ang driver. Nalipat ang tingin ni Onyx sa dalawang bata na nagkukulitan sa daan; Habang kasama naman nila ang kanilang yaya.

“Shabi ko sha ‘yo di ako buyoy!” ( Sabi ko sa ’yo hindi ako bulol! ). Inis na sinisigaw ng batang babae.

“Bulol ka nga!” Sigaw naman ng batang lalaki.

“Tumigil nga kayong dalawa. Darating na ang school bus.” Saway ng kanilang yaya.

Natawa naman si Onyx sa dalawang bata.

Binuksan ni Onyx ang bintana. Napatingin naman ang yaya ng dalawang bata at ngumiti kay Onyx.

Napatingin naman kay Onyx ang batang babae. Kumaway ang bata kay Onyx. At kumaway rin si Onyx.

Dumating ang school bus at agad sumakay ang dalawang bata kasama ang kanilang yaya.

-------------------------------------------

Napansin ni Onyx na tanging bahay lamang n’ya at ang katabing bahay ang mayroong balkonahe sa pangalawang palapag. Katulad ng dating bahay nila. Ang kabilang bahay naman ay may punong mangga; na ang sanga ay umaabot sa kabilang bahagi ng bahay ni Onyx.

Isang hapon, habang nagpapahangin si Onyx sa balkonahe, nakita n’ya ang dalawang bata sa kabilang bahay. May dala silang water gun. Nagsimulang naglaro ang dalawang bata. Nakuha ang atensyon ni Onyx habang pinagmamasdan ang dalawang bata.

Say That You Love Me ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon