Chap. 5

7.4K 216 6
                                        

  

Aurora’s POV

 

 

Holy Cow! Mabuti nalang agad bumalik ang kuryente. Ang lakas ng kaba ko. Ganito pala ang feeling pagkaharap mo ng malapitan ang lalaking crush mo.

 

 

DUB DUB DUB DUB.....

 

 

Ayaw ko na! Gusto ko nang mag-umaga. Hindi ko pala carry ang makasama si Onyx ng ilang oras.

Habang tinutulak naman ni Onyx ang wheel chair pabalik sa aking silid.. pakiramdam ko parang bumabagal ang pagtulak n’ya.

 

 

“Matakutin ka pala sa dilim.” Sabi n’ya sa akin.

 

 

 

“Oo..‘yon yata ang kahinaan ko.” Gaga! Ba’t ko sinabi. Malay ko ba kung may balak itong mokong na ‘to! Kaya dahan dahan ko s’yang nilingon..

 

 

Nakangisi s’ya sa akin. NANAY KO PO! tumatambol na ang puso ko sa kaba. Siguro naman hindi s’ya RAPIST ‘no. H’wag s’yang magkakamali at baka malimutan kong CRUSH ko s’ya. Babaliin ko ‘yong kanyang TOOOOT...

 

 

Nang marating na namin ang silid, pinakiramdaman ko ang kanyang kilos. Muli n’ya akong inalalayan na mahigang muli. At bumalik s’ya sa sofa upang mahiga.

 

 

“Good night, my Araw.” Napalingon ako sa kanya. Nang sabihin n’yang...MY ARAW...tama ba ang narinig ko? Hindi imagination ko lang ‘yon. Kaya pinilit kong ipikit ang mga mata ko.

 

 

ZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZ

 

 

Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Nang idilat ko ang aking mga mata..wala akong kasama. WALA SI ONYX.

 

 

May nakita akong note sa tabi ng aking higaan.

 

 

“ Ara, hintayin mong dumating si Aling Sabel. Kailangan kong pumasok ngayon kahit exempted ako sa exam. Kailangan ako sa school.”

 

ONYX

 

 

Ewan ko..pero para akong nasasaktan. Nakakainis naman hindi man lang n’ya ako ginising. :(

 

===========================================

 

 

ONYX POV

 

 

Maaga akong nagising. Pinagmasdan ko si Ara habang natutulog.

 

Say That You Love Me ( COMPLETED )Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon