BEA
After the incident in the bar and that night in Jho's condo, hindi na ako nagpakita kay Jho. Sabi ko sa kanya na ililipat ko na ang mga gamit ko kinabukasan pero I changed my mind. Bumalik ako sa states. Gusto ko munang mag isip.
Simula kasi nung nakita kong binabastos si Jho, ewan ko ba pero gusto ko siyang protectahan not just that night. I wanted to make sure that she's safe. Gagawin ko din yung ginawa ko para kay Jho kahit na random stranger lang. Ipatatangol ko din siguro.
Ginawa ko lang din yon kasi nga kapatid siya ni Jaja at parang magkababata na din kami. Yun nga lang halos di kami magkasundo. Tsaka bestfriends kaya yung mga tatay namin kaya yun. Yun lang talaga yung rason.
As soon as I got back from the states, inasikaso ko na lahat ng mga naiwan ko sa hospital pati narin sa apartment ko. Sa gabi naman nasa bar lang ako umiinom. Minsan kasama ko yung kaibigan kong doctor pero kadalasan ako lang mag-isa. Busy kasi yun palagi.
Dati naman di ako ganito. Kaya nga tinatawag ako ni Jho na nerd kasi nga puro ako libro at lego. Kung yung iba gumagala pag Friday night or weekends ako nasa bahay lang. Nagbabasa, nuod ng movie o series o di kaya nag aasemble ng lego collections ko. Ganyan lang ang routine ko nung dumating ako dito sa states.
A year after I arrived here to study medicine, nagkagirlfriend ako. Mejo nagkasocial life na ako pero I usually don't party. Sumasama lang ako kasi nandon siya. Nasa tabi lang din ako with my phone, games lang. Yung girlfriend ko kasi popular sa school kaya yun. I usually take care of her kapag nalalasing siya at tinutulongan ko din siya sa acads niya.
Akala ko yun na eh. I was so in love with her that I failed to recognize na niloloko niya lang pala ako. I heard rumors about her and another guy pero binaliwala ko lang kasi sabi niya bestfriend niya lang daw yun. Pero pagkatapos nung mga rumors na yun parang feeling ko may mali na. Hanggang sa isang araw habang nasa CR ako ng school naming narinig ko siyang may kausap sa phone. Nalaman ko na pinagpustahan lang pala nila ako.
I confronted her about it and di naman siya nag nadeny. Hindi ko ba daw naisip kung bakit ang isang katulad niya ay papatol sa akin na isang nerd na walang social life. Para akong sinampal ng katotohanan. Bakit di ko naisip yun? Kung kalian hulog na hulog na ako saka ko pa malalaman na laro lang pala ang lahat.
Pagkatapos nong araw na yun nagfocus nalang ako sa pag aaral ko. Halos napabayaan ko na dahil sa kanya. I tried my best para makahabol sa mga topics namin. Hanggang sa isang araw may nakilala ako. Doctor na siya and she's doing her specialization dito sa states. Dati daw sa college tulad niya din ako pero sabi niya hindi daw porket matalino ka ay magpapaka nerd ka na.
She helped me become who I am now minus the part where I always party. We changed my wardrobe. Nagshopping kami ng mga bagong damit na mas bagay daw sakin. We had my braces removed and sabi niya kelangan hindi na daw ako mag glasses. Pwede naman daw magpa lasik surgery for to correct my vision. I had a total make over and it felt good to do it.
I graduated with honors and became a doctor. I didn't hear from my ex after that but I heard she quit med school. After that incident with my ex I kinda swore not to take relationships seriously that's why I am taking this arranged marriage so well. After what happened kasi I kinda had my walls up. I hangout and flirt with girls but that's it. I never allowed them to get close enough.
Pero hindi ko alam kung bakit nung nakita ko si Jho na binabastos iba ang naramdaman ko. I usually don't meddle with other people's business. Kaya hindi ko maintindihan bakit ko ginawa yun kay Jho. Ang matindi pa inalagaan ko pa siya magdamag kahit sinukahan niya na ako at ang kotse ko.
I gotta figure this out. Get your shit together Beadel!
________________________________________________________________
What are your thoughts?
Short update. My thoughts are not organized.
Talo Ateneo sa Game 1. Pero I know they'll bounce back.
_tAsha
YOU ARE READING
You (Jhobea)
FanfictionWhat if you're trapped in a situation with your least favorite person in the world? What would you do?