BEA
Sobrang late na akong nakatulog. Siguro sobrang excited o siguro kakaisip sa possible scenario ng first therapy namin ni Jho.
I texted her na on the way na ako around 8:30 am. Nakashades ako at nagdala ako ng kape kasi antok na antok pa ako.
Nakatulog pa nga ako sa van. Buti nalang at alam ng driver namin kung saan ako today. Si Ben naman naiwan muna kay dad.
Nasa tapat na ako ng condo namin dati. Sobrang kabado ako. Hindi pa nakatulong na uminom ako ng kape kaya sobrang jumpy ko tuloy.
Kumatok ako pero walang sumasagot kaya tinawagan ko si Jho. Nakadalawang tawag na ako bago niya masagot.
Nakasilent pala ang phone niya. Sinabi niya na lalabas na siya. Nag hintay pa ako ng ilang minute since hindi naman makakilos ng mabilis si Jho dahil nga sa injury niya.
Bumukas na rin ang pinto pero ulo lang ni Jho ang nakita ko.
"Pasok ka Bea."
Wala sa isip akong pumasok at hahalik na sana sa kanya. Buti nalang ay napigilan ko ang sarili ko.
"Sorry. Force of habit."
Ngumiti lang ito. Tsaka ko narealize na nakarobe lang pala ito. Baka magshorts tong babaeng to. Sa gym pa naman kami kaya inunahan ko na siya.
"Uhm Jho. Since di ka pa bihis, pwede bang magleggings ka nalang? Sa gym kasi tayo ngayon. "
"Okay sige. Kung anong gusto mo. Okay lang ba mag sleeveless ako?"
Wtf! Is she flirting with me???? Sigaw ko sa utak ko.
"Uh-uhm. Mag tshirt ka nalng cguro. "
Ngumiti lang ulit ito at iika ikang pumasok sa kwarto.
Its like everytime na kasama ko or nakikita ko si Jho my mind and body defaults to what we used to years ago. It takes every little ounce of willpower for me to actually hold back and stop myself. Baka kasi mahalikan ko na tong babaeng to pag di ako nakapagpigil.
Focus Beatriz! Focus!
And isa pa to. Alam kong sinadya niya yung mga galawan niya kanina. Alam ko ang galawan niyan. Asawa ko kay dati. Pwede namang patulan ko yun pero kasi para ang bilis at isa pa injured siya mas importante sakin ang gumaling siya.
I better resist this temptation. At least hanggang maging maayo ang lagay ng tuhod niya.
****
Nakarating na kami sa gym. Mejo may mga tao na pero okay lang kasi doon lang naman kami sa parang dance floor ng gym since puro leg movement, konting stretching and isometric exercises lang naman kami.
Habang inaayos ko yung mga gagaiting namin ay may lumapit kay Jho na morenong lalake. Sakto lang yung height at mejo payat.
From my view parang matagal na niyang kakilala yung lalake. Maypahawak hawak pa sa balikat itong si Jhoana at aliw na aliw naman tong lalakeng to.
Pagkatapos kong ayosing yung mga gamit nilapitan ko na sila."Ehem. Jho start na tayo"
"Okay. Nga pala, Bea this is Nico my friend. Nico si Bea PT ko. " derecho niyang sabi ng hindi man lang naghesitate.
PT pala ha. Edi ako na ang PT.
I shook Nico's hand as firmly as I could.
"Pano Jho yung utang mong dinner sakin ha? Pag kaya mo nang maglakad ng wala crutches sisingilin ko yun." Abot tenga ang ngiti nito at nagpatuloy ng mag work out.
YOU ARE READING
You (Jhobea)
FanfictionWhat if you're trapped in a situation with your least favorite person in the world? What would you do?