Chapter 9

10.2K 173 1
                                    

JHO

Hindi na kami nagkita ni Beatriz pagkatapos nang gabing yun. Hindi ko alam kung anong nakain ko at ginawa ko yun. Ang cute lang tingnan ni Beatriz na nauutal at namumula kaya pinagtripan ko ng konti. Akala ko pa naman maglilipat na siya kinabukasan pero hindi siya dumating.

Nalaman ko din from my batchmates na kasama ko don sa bar kung ano talaga nangyari sa bar. I feel guilty for treating Bea that way. At first I couldn't believe that she punched that guy from the bar pero sabi nila sinuntok daw talaga niya. Akala ko puro libro at lego lang itong si Beatriz pero clearly mali ako. Sabagay 10 years naman kaming di nagkita, ang daming pwedeng mangyari.

I was hoping to see Bea again so I could apologize and thank her for defending and taking care of me that night. But she never came to the condo to move her things. Nalaman ko nalang na nasa states na pala siya at maghihintay nalang daw don samin until the wedding.

Sabi ni Jaja may mga aasikasohin din daw siya don kaya nauna na siya. Naging masaya naman ang graduation ko. We had dinner ng family ko with Tito Elmer narin to talk about our trip to the US.

Siguro kong hindi yun nangyari sakin nung college at di ako natanggal sa team masaya pa kami at kung ikakasal man ako ay sa kanya o kaya sa taong mahal ko. Hindi naman sa ayaw ko kay Bea pero sabi ko kasi sa sarili ko na magpapakasal lang ako sa taong mahal ko.

May nakilala kasi akong mga tao na akala ko true friends ko yun pala ginagamit lang nila ako. Natanggal ako sa volleyball team dahil napabayaan ko na ang acads ko kaya bumagsak ako. Okay lang sana yung, at first tinanggal lang ako sa line up pero hindi pa din ako umayos at minsan absent sa training o kaya pumupunta ako ng training na may hangover.

Yung mga akala kong totoong kaibigan ko ay nawala na parang bola. Buti nalang may mga totoo pa akong kaibigan na kahit hindi ko sila nabibigyan ng time dati ay nanjan padin sila for me. Si Ther, yung nakita ni dad na ka-holding hands ko daw sa mall at sina Ate Ella at Jia. Unti-unti kong inayos ang buhay ko pero hindi na ako nakabalik sa volleyball team.

Pinalipat ako ni dad sa business-related course after ko natanggal sa varsity. Pinagalitan nila ako at pinarealize kong gano ako kaswerte. Nagfocus ako sa acads para makabawi sa parents ko at sa sarili ko na din. I stop partying at kung may occasion nalang ako umiinom.

Then I met my first boyfriend nung third year na ako. He is a year older than me. At first ayoko sa kanya kasi nayayabangan ako sa kanya. Pero niligawan niya ako and he proved that I was wrong about him. We were both so in love and pinakilala na din namin ang isat-isa sa pamilya namin. Pero I didn't know that my past would come to haunt me.

I was about to surprise him on his graduation. Pero before I could give him my surprise naunahan niya ako. I woke up with a letter on my bedside. Pagkabasa ko ang letter niya hindi ko alam ko ano ang magiging reaction ko. Gusto kong sumigaw pero walang lumabas na salita. Umiyak nalang ako ng umiyak.

Sabi niya don sa sulat niya na his parents didn't want me to be with him and that by the time I read it ay naka alis na siya. I tried to contact him pero patay na ang phone niya at pati social media accounts niya deactivated. It was also stated in that letter na pinagkasundo na daw siya sa iba ng parents niya. He didn't even attend his graduation. Hindi ako makapaniwala sa nabasa ko. I tried going to his house pero hindi na ako makapasok sa village nila.

Mas nagfocus ako sa pag-aaral ko to prove to his parents na mali ang tingin nila sakin. Kahit wala kaming communication umasa ako na magkakabalikan parin kami. Pero mali pala ako. I saw a picture of him getting married sa instagram. I didn't know how to react. Lahat ng pinaghirapan ko for more than a year parang feeling ko nawala. All I wanted to do was forget. So I went out so I could get wasted.

I found out about this on the night that my dad went to my condo. The next day nalaman ko na ikakasal na ako kay Beatriz. Daming pasabog diba? Parang telenovela lang ang buhay ko. Kaya si Beatriz ang sumalo ng lahat ng katarayan at pagsusungit ko that day.

Bukas na pala yung kasal namin but there is still no sign of her. Sabi ni Tito pupunta lang daw siya sa venue. Isang judge lang naman ang gagawa ng ceremony. We didn't put too much effort to it kasi nga parang business deal lang naman ito. Simpleng kasal lang naman ang gusto ko but I didn't imagine my wedding to be like this.

Gumala nalang kami ni Jaja at nagshopping. Since sabi ko kay dad na I get what I want, I took advantage of it nalang and went all out sa pagshoshopping. Uuwi na din naman kami the day after tomorrow kaya wala ng time.

FASTFORWARD

Natapos na ang kasal namin at pauwi na kami ng Pilipinas. Hindi ko alam kong anong nangyari pero parang ang sungit ni Bea sakin. Ni hindi na niya ako nginingitian pero hindi ko lang din yun pinansin. Nakausap ko din siya after the wedding tungkol sa nangyari sa bar.

FLASHBACK

Nandito kami ngayon sa isang restaurant. Tapos na ang kasal at kumain lang kami. Katabi ko si Bea kaya pwede ko na siyang makausap. Pero mejo nag-aalangan ako kasi ang tahimik niya. Parang may hangover nga siya nung dumating. Pero lalakasan ko na ang loob ko kahit naman kasi mataray ako I know naman kung kailan magpasalamat.

"Bea?" tawag ko sa kanya pero parang hindi niya ako narinig kasi focus na focus siya sa mga paglalaro sa phone niya.

"Beatriz?" tawag ko ulit sa kanya at this time hinawakan ko na yung braso niya. Lumingon siya sa akin pero walang bakas ng kung anong emosyon sa mukha niya.

"Bakit?" tanong niya sa akin.

"Salamat nga pala sa ginawa mo sa bar. You defended me from that guy. Tsaka inalagaan mo pa ako." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Wala yon. I just did what was right." Sagot niya at bumalik sa phone niya.

Ano bang problema nito?

"But still, thank you. Can we at least be friends?" sabi ko.

"If you're doing this because you feel guilty with how you treated me that day. Save it. Mas okay pa nasinusungitan mo ako kesa naman na makipag kaibigan ka sakin out of guilt." Sabi niya sakin.

Parang uminit naman ang ulo ko sa sinagot niya. Tinaasan ko lang siya nang kilay at nakipag-usap nalang kay Jaja. Hindi na kami nagpansinan after that. Parang napahiya kasi ako kasi nga sincere naman ako when I asked to be her friend.

END OF FLASHBACK

Andito na kami sa eroplano pabalik ng Pilipinas at sa kasamaang palad magkatabi kami ni Beatriz. Nasa window seat siya kaya siya ang unang umupo. Nang magtama ang mga mata namin ay inirapan ko lang siya at umupo na din.

Ewan ko ba, naiinis talaga ako sa de Leon na to. Okay na sana eh. I'm willing to be friends with her na sana kaso pinahiya niya ako kaya ayoko na din. Nagheadset nalang ako at natulog na.

This is gonna be a long flight. Dapat maka-usap ko na din siya about sa set up naming sa condo. Hindi alam nang friends ko kung ano kami ni Bea kaya dapat mag usap talaga kami as soon as possible. For now matutulog muna ako.

You (Jhobea)Where stories live. Discover now