Chapter 14

13.2K 259 24
                                    

BEA

Nagising ako na unan nalang ang kayakap ko at wala na akong katabi. Kinuha ko ang phone ko para icheck kung anong oras na, 6 am pa. Ang aga naman atang nagising ni Jho, Sabado naman ngayon ah. Hindi ko na pinansin at natulog nalang ulit. Sobrang antok ko pa kasi late na kami nakauwi kagabi.

Nagising naman ulit ako na may humahaplos sa mukha ko. Sino naman kaya to?

Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko parang makita kung sino yon. Hinila ko siya at niyakap. Inamoy-amoy ko din ang buhok niya. Ganyan na kami ka clingy lately.

Nagpumiglas naman si Jhoana at pilit na kumakawala sa yakap ko.

"Ano ba yan Beatriz! Amoy pawis ako wag mo ko amoyin." Sabi niya habang tinutulak ako para makatayo na siya pero mas hinigpitin ko ang pagyakap sa kanya.

"Dito muna tayo. It's Saturday and we don't have work. Matulog muna tayo." Pagdadahilan ko sa kanya.

"Hindi pwede. Bumangon ka jan, may lakad tayo."

"Ugh. Pagod ako. Matulog muna tayo please." Sabi ko habang yakap parin siya.

"BEATRIZ! Babangon ka o mag-aaway tayo?" Galit na si Commander.

Agad naman akong bumangon at naglakad papuntang banyo.

Naalala ko naman yung nangyari kagabi sa bar. Sa totoo lang natuwa ako dun sa sinabi niya don sa babaeng lumapit sakin. Feeling ko kasi nagseselos si Jho.

Sinabi niya pa talaga na asawa niya ako. Ewan ko lang kung napansin niya na nakasunod sa kanya ang dalawa niyang kaibigan. Pano ko alam na sila yon?

I stalked her social media accounts para malaman lang kung sino mga kasama niya pag lumalabas siya. Mahirap na. I used a dummy account kasi I don't like putting personal stuff on the internet.

Matagal ko ng naamin sa sarili ko na may gusto na ako kay Jho. Hindi naman talaga siya mahirap mahalin eh. You just have to look past her katarayan to see na who she really is. Parang defense mechanism niya kasi yan.

Halos 6 months na din kaming magkasama dito sa bahay and I can say na naka adjust na talaga kami sa ugali ng isa't isa.

Napag-usapan din naming ni Jho yung about sa career namin. She told me na pwede ko na daw ipagpatuloy ang pagiging doctor ko kung gusto ko. She will learn what she can daw this year para next year siya na daw bahala.

Of course sinabi ko sa kanya na tutulongan ko padin siya sa family business namin pero siya na ang maghahandle niyan.

Passion ko talaga ang pagiging doctor kaya nung sinabi yon ni Jho ay sobrang saya ko. Akala ko nga nagbibiro lang siya.

Papunta na ako ngayon sa dining area para mag breakfast. Naririnig ko naman na ang saya nila dad at Jho na nagkukwentohan.

Pinanuod ko lang muna sila. Enjoy na enjoy sila eh. Parang mag-ama talaga sila sa closeness nila.

"Ehem. Excuse me nandito po ako."

"O anak. Join us. Kanina ka pa hinihintay ni Jho at may lakad daw kayo." Pag-aya ni dad.

"Hay nako dad. Ang bagal kumilos ng anak niyo. Kanina ko pa yan ginising." Sabi ni Jho at inirapan pa talaga ako.

Kumain lang kaming tatlo tapos nagkwentohan. May lakad daw din si dad today. Maggo-golf daw sila ni Tito John.Habang ako walang alam kong san kami papunta ni Jho.

Nasa sasakyan na kami ngayon papunta sa Starbucks. Chill daw muna kami don.

Pinauna ko muna si Jho na pumasok dahil ipapark ko muna sasakyan ko. Alam na din naman niya kung anong order ko.

You (Jhobea)Where stories live. Discover now