Chapter 12

11.5K 203 7
                                    

BEA

After the talk we had that day ay hindi na naulit yung mga away namin na ganon. Minsan may konting misunderstanding since nag aadjust pa kami na magkasama kami sa iisang bahay.

We are friends na kaya we talk about things in a calmer way. Hindi na katulad nang dati na magsusungit siya tas pag napikon ako susungitan ko din siya.

Nagtaka nga si dad kasi magkasama na kaming umaalis papuntang office. Para naman tipid sa gas. Nag-uusap na din kami at minsan sabay pa kami kumain ng lunch.

There was one time na we stayed up late sa bahay lang. Nagkukwentohan kami magdamag just reminiscing kung gano kami hindi magkasundo nung bata pa.

Sabi niya nainis siya dati sakin kasi parang inaagaw ko daw si Jaja sa kanya. Mas lalo pa siyang nainis dahil daw tinatawag ko siyang negra dati sa highschool.

I defended myself naman saying na silang dalawa talaga ni Jaja ang binubully ko ng ganon. Tapos sinabi niya din na ang yabang ko daw sa mga achievements ko which for me is not true. Nagtatanong kasi parents niya so sinasagot ko lang din.

Napag-usapan din namin yung mga ex namin. Mejo pareho kaming heart broken sa mga exes naming magka-iba nga lang ang sitwasyon.

As we start to get along with each other mas lalo akong nagugulohan sa nararamdaman ko. Gusto ko lage ko siyang kasama. Gusto ko palagi ko siyang nakikita at nakaka-usap.

Ayoko ng ganitong feeling, ayoko ma experience ulit yung dati na nahulog ako at akala ko sinalo ako nang mahal ko pero yun pala hindi. Alam ko naman na iba si Jho sa ex ko pero natatakot pa akong iopen ang sarili ko na magmahal ulit.

Kaya hangga't kaya ko, pipigilan ko itong nararamdaman ko kay Jho. Siguro nadadala lang ako kasi parati kaming magkasama. I know kasal kami pero napilitan lang kami non kaya alam kong walang patutungohan tong feelings ko.

Nagring naman yung phone ko na siyang nagpabalik sakin sa realidad. Si Jho pala tumatawag.

"Hello Jho. What's up?"

"Bei, di ka pa ba uuwi? 5 na kasi wala akong dalang sasakyan remember?" tanong niya sakin.

Tiningnan ko naman ang oras at uwian na nga pala. Ang lalim pala ng iniisip ko di ko namalayan na ang oras.

"Sorry Jho di ko namalayan ang oras. Puntahan nalang kita jan sa office mo. Ayosin ko lang mga gamit ko saglit."

"Okay. Bilisan mo ha. May dadaanan pa tayo. Don't tell me nakalimotan mo rin?"

"Ah...eh. San nga ulit tayo?

"Hay naku Beatriz! Ano bang nangyayari sayo at parang wala ka sa sarili ngayon?" Hindi nalang ako sumagot at patuloy na nagligpit ng gamit ko.

"We have to get groceries para sa bahay. Tinawagan ko na si Daddy na sa labas nalang tayo kakain. Kaya bilisan mo jan dahil gutom na gutom na ako." Pagpapatuloy ni Jho. Daddy na din kasi tawag niya kay dad.

"Yes Boss!" Sagot ko sa kanya at pinatay na ang tawag.

Mabilis kong tinapos ang pagliligpit ng gamit ko. Ayoko ko kasi paghintayin si Jho lalo na paggutom siya. Tinotopak yan pag gutom eh.

Nasa tapat na ako ng office niya. Hindi na ako kumatok kasi nga alam na naman nya na pupunta ako. Nagulat naman ako nang makita kong may kasama pala siya sa loob.

"Oh. Sorry Jho I thought you were alone. I will just wait for you sa labas." Sabi ko at lumabas na. Hindi ko na hinintay na sumagot siya.

Sa totoo lang nainis ako na nandon yung lalaking yun. One time kasi I heard some of the people in the office say na he likes Jho daw. Tinuro pa nga siya nung isang babae. They didn't know I was just behind them.

You (Jhobea)Where stories live. Discover now