JHO
Nakahiga lang ako at nakatitig sa kisame. Lagpas alas dose na pero dilat na dilat padin ang mata ko. Nagrereplay ang mga nangyari kanina.
Anak nga niya yung bata-si Ben. Cguro kung hindi nawala yung anak namin mga kasing edad lang sila ni Ben.
Pero hindi ang mas malaking dahilan ng pagkapuyat ko ay si Mika. Uu. Si Mika Reyes. Nandon din siya kanina nalate lang siya ng dating.
FLASHBACK
"This is Ben. My son."
Sabi ni Bea. Nagulat ako pero hindi ko pinahalata. Nilapitan ko silang dalawa.
"Hi Ben! My name is Tita Jho. Im your mommy's..."
Naputol ang pagsasalita ko nang may dumating.
"Babe! Sorry im late natraffic kami. Galing pa kasi kami kela mommy."
Lumapit siya at nagbeso kay Bea.
"Its okay. You didnt miss much."
Sagot naman ni Bea.
"Ahem."
"Oh yeah. Babe si Jho. Jho si Mika."
We exchange pleasantries. Kamustahan dahil nagkalaban din naman kami ni Mika sa UAAP dati. Pero after she graduated pumunta na agad siya sa States.
There was an awkard silence for a few minutes bago nagsalita si Mika.
"Hey little boy! Did you have a tour of your mommy's house already. They have a pool." Sabi ni Mika sabay kuha kay Ben.
"Not yet Mommy Miks. I wanna see the pool!" Masayang sagot ni Ben habang paalis na sila.
Nakangiting sinundan ni Beatriz ng tingin ang dalawa bago binaling ang tingin sa akin.
"So Mika huh. Nice catch." I tried to be casual kahit unti unti na akong nadudurog. Unti unti na akong nawalan ng pag asa.
"Yeah." She paused for a second bago magsalita ulit.
"How are you Jho? How's married life treating you?"
Naguluhan ako sa tanong niya pero sumagot parin ako.
"Okay naman. It has its ups and downs but okay naman. Ikaw? Are you guys staying for good?" My answer sounded vague but I was actually referring to my life and the ups and downs of our marriage— my marriage with Bea. But she doesnt need to know that. She is happy now. Sabi ko sa isip ko.
"Pinag iisipan pa. I love it there but of course we dont want to leave dad alone here. If he agrees to go with us in the US baka don na kami."
Sagot niya. She is still the same Bea but different. Good different. Different in a way na parang makikita mo yung confidence niya and I think mas toned yung katawan niya ngayon. Ewan ko ba.Nasaktan ako don. Buti nalang may tumawag kay Bea. Hindi ko na din alam kung anong isasagot ko o kung kaya ko pang magsalita ng hindi tumotulo ang luha ko.
Nagpaalam siya. Ngumiti lang ako. Tinext ko sila mama na mauuna na akong umuwi pero sa condo ako namin ni Bea pupunta.
END OF FLASHBACK
Hindi ko mapigilang mapaluha sa pangungila. Una sa anak ko at pangalawa kay Bea. Masaya sana kami ngayon at hindi sana ako mag isang natutulog ngayon.
Naalala ko ang mga gabing yakap yakap ako ni Bea kung matulog. Yung mga gabing nagpupuyat ako sa pag gawa ng reports sa office. Pinagtitimpla niya ako ng kape at sinasamahang magpuyat.
Naalala ko nung panahong nag away kami at nagka aminan ng totoo naming feelings. From arranged marriage to friends to real lovers.
Pero sinira ko. If only I could turn back time. Those simple things that she does for me have the biggest impact especially nung nawala siya.
YOU ARE READING
You (Jhobea)
FanfictionWhat if you're trapped in a situation with your least favorite person in the world? What would you do?