JHO
Naramdaman kong parang may umaalog sa ulo ko pero antok na antok pa ako kaya di ko nalang pinansin. Tuloyan naman akong nagising nang itulak na talaga niya ang ulo ko.
"Ano ba?! Natutulog yung tao eh." Mejo malakas na pagkasabi ko.
"Laway mo. Yuck." Sabi ni Bea habang pinupunasan ng tissue ang balikat niya. Inaamoy pa nya ang damit niya.
"Excuse me! Hindi po mabaho ang laway ko. Bat mo ba tinulak ang ulo ko ha?!" Inis na sabi ko sa kanya.
"Nasa Pilipinas na po tayo kamahalan. Nauna nang bumaba sina Daddy at iniwan na tayo. Kung di ka lang nakaharang jan eh di sana nakababa na ako."
Hindi na ako nagsalita at tumayo na. Kinuha ko yung backpack ko sa compartment at iniwan si Bea. Pwede niya naman akong gisingin ng maayos ah. Bat kailangan pang itulak ulo ko. Ugh.
Nakita ko naman na nasa labas na sila at hinihintay na ako. Papasok na sana ako sa van pero hinarangan ako ni Jaja.
"Ah Ate dun ka kina Bea sasakay." Sabi ni Jaja.
"Alis nga. Dito ako sasakay ayokong makasama ang Bea na yon."
"Ah eh. Ma ikaw na nga magsabi."
Napataas naman ang kilay ko at tiningnan si Mama.
"Don ka na sumakay kasama si Bea at Tito Elmer mo anak. Nakalimotan ko pala sabihin sayo. Si Jaja at yung pinsan mo ang gagamit ng condo. Kina Bea na kayo titira kasi wala din kasama si Elmer at mas malapit din yun sa office kesa sa condo mo." Paliwanag ni mama.
"WHAT! Mama naman. Ibalato niyo na sakin to please."
"That's final Jhoana. Ipinalipat na naming mga gamit mo while we were in the states kaya don ka na didiretso ngayon." Si Dad na ang nagsalita kaya wala na akong magagawa. Nagpaalam nalang ako sa kanila at pumunta na sa sasakyan ni Tito Elmer at umupo sa backseat.
Walang imik si Beatriz nung pumasok ako ng sasakyan kaya halatang may alam siya sa mga nangyayari.
BEA
Nangmakita ko ang mukha ni Jho nang pumasok siya sa kotse ni Daddy hindi na lang ako umimik. Halata kasing bad mood at alam ko na kung bakit.
Ako kasi ang nakiusap sa parents namin na dun nalang sa bahay namin sa QC kami tumira. Ayaw ko talagang iwan mag-isa si Dad at naintindan naman yun nina Tito John.
May isa pa palang pasabog na hindi alam si Jho and for sure tatarayan na naman niya ako pag nalaman niya.
Nang dumating na kami sa bahay at dumiretso na ako sa kwarto ko kasi gabi na din. Ako na mauuna maligo. Habang paakyat ako ay narining ko naman na ang gulat na boses ni Jho.
For sure sinabi na ni dad sa kanya na share kami ng kwarto kaya ganon yung reaction niya.
Iisa nalang kasi ang vacant room sa bahay at yung guest room na yun ay para kung sakaling may bisita kami ni dad. Yung ibang rooms naman ay mini library, office ni dad at yung entertainment room.
Pagkatapos kong maligo ay nakita kong nakatulog na si Jhoana sa kama. Alam ko masyadong pagod to eh. Hinubad ko naman ang sapatos niya at kinumotan siya.
Humiga na ako sa tabi niya at nilagyan nalang ng unan ang pagitan namin kahit malaki naman ang kama ko. Ayokong masapak pagising ko.
FASTFORWARD
Naramdaman ko namang may nakayakap sakin kaya mejo nagtaka ako pero narealize ko na magkatabi pala kami ni Jho kagabi. Pero nasan yung unan?
Tinitigan ko ang maamong mukha niya. Maganda padin si Jho kahit ang tagal naming hindi nagkita. Puberty did her well. Napatingin naman ako sa mga labi niya. Hindi ko na namalayan pero dahan dahan na palang lumalapit ang mukha ko sa kanya at konting konti nalang ay mahahalikan ko na siya.
Sinadya ko lang talagang hindi siya masyadong pansinin nong nasa States kami. I was happy when she asked if we could be friends pero hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at yon ang sinagot ko sa kanya.
Sa totoo lang ang weird nang nararamdaman ko everytime kasama ko si Jho. This started after that night kaya I don't know how to act when she's around. Hindi naman ako ganito dati sa kanya, what changed?
Nakatitig parin ako sa kanya at nagpipigil lang na halikan siya. Nagulat naman ako ng magsalita siya kaya I pretended to be asleep.
"Pumayat ka ata Ja." Sabi niya habang humihikab. Bigla naman siyang napadilat at...
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!" Sigaw niya at tinulak ako sa kama kaya nahulog ako sa sahig.
"Aray!" Yun lang ang nasabi ko. Ang sakit kasi ng likod ko. Mejo malakas kasi ang pagkatulak niya sakin.
Magsasalita na sana ako pero inunahan na naman niya ako.
"Bat ka ba nangyayakap ha? At bakit magkatabi tayo? Ha?" sunod-sunod kung tanong niya.
Tumayo naman ako at pinulot yung unan na nasa sahig.
"May nilagay akong unan in between us kagabi to make sure na hindi talaga natin mahahawakan ang isa't isa. Hindi ako malikot matulog kaya I know ikaw yung nakahulog ng unan at yumakap sa akin"
"Feeling!" Sigaw niya at binato pa ako ng unan. Padabog naman siyang pumasok sa CR ng kwarto ko.
Napangiti nalang ako at lumabas na ng kwarto.
Hindi ko na maintindihan sarili ko. Kahit ang taray at sungit ni Jho para sakin ang cute niya parin. Alam ko naman na ayaw talaga ni Jho sakin eh pero malay mo diba magbago ang ihip ng hangin.
______________________________________________________
Sorry ang sabaw ng update.
First of all, hindi ko kinaya yung pasabog ni Jia. I have not recovered from their loss plus Bea was practically inconsolable while singing their school hymn. Tapos Jia is not coming back.
NOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!
I completely understand her pero hindi pa ako handa. So I guess we'll be seeing either Deanna or Jamie sa PVL?
And don sa mga bashers ni Jho or sa kahit sinong player kayo nalang sana naglaro ang galing niyo eh.
Yun lang. Mejo nadala ako ng emotions.
_tAsha
YOU ARE READING
You (Jhobea)
FanfictionWhat if you're trapped in a situation with your least favorite person in the world? What would you do?