JHO
It's Friday night at nasa bar ako with my two best friends—si Ate Ella at Jia. Mejo matagal na din kasi kaming hindi nagkikita. Hinatid ako ni Beatriz dito sa bar at susundoin niya din daw ako mamaya.
After that day when we accidentally bumped into my ex, hindi na ako hinahayaan ni Beatriz na umalis mag-isa.
Baka daw kasi makasalubong ko na naman daw si Ged tapos masaktan pa ako sa makita ko. Mabuti daw yung anjan siya.
Naging mas komportable na din kami sa isa't isa. Yung tipong wala ng ilangan. Naging clingy kami sa isa't isa and we're always together. Kapag nasa mall kami o kaya lalabas kami parati siyang nakaakbay sakin o kaya hawak niya ang kamay ko.
I don't mind naman kasi nga friends na kami. Best friends even. Parang nasanay na din kami na ganyan. Minsan nga ang possessive ni Beatriz lalong lalo na pag nanjan si Marci. Ewan ko ba don sa Bea na yon.
She would always open the door for me o kaya pag nakita niyang marami akong dala, kinukuha niya yon sa akin.
Kung hindi naman kami magkasama, gaya ngayon, ay magkatxt or viber naman kami. She would always make sure that I am safe and okay whenever we are not together.
Ang swerte siguro nung ex ni Bea pero tanga siya dahil sinayang niya lang ang taong kagaya ni Bea. Kaya as much as possible I will also protect and take care of her like what she does to me.
We don't know kung anong mangyayari in the future pero sa ngayon, I will just enjoy what I have with Beatriz.
May naglanding naman na tissue sa mukha ko. Di ko namalayan na kanina pa pala ako kinakausap nina Jia at Ate Ells.
"Ano ka ba Jho. Minsan na nga lang tayo magkita tulala ka pa jan." Reklamo ni Jia.
"Oo nga JhowJhow. Kwento ka na dali." Sabi naman ni Ate Ella.
"Ano naman ikukwento ko Ate Ells?" Tanong ko sa dalawa habang iniinom ang beer ko.
"Don't us Jhoana Louisse!Kilala ka na namin bes. Hindi ka magyaya ng inoman kung wala kang kwento." Kilala na talaga nila ako. Mas feel ko kasi magkwento over drinks. Kasi parang feel na feel ko yung moment. Taray!
"Nakita ko siya. He's back."
"Sinong nakita mo Jho? Teka linawin mo nga." Kunot noong tanong ni Ate Ells.
"Hay naku Ate Ells. Ang slow mo naman. Sino pa ba edi yung ex niyang iniwan siya." Naiiritan sabi ni Jia.
"Sorry naman bes.Nagugutom na ako eh. Ang tagal ng pulutan." Sagot naman ni Ate Ella.
"Anona na guys?! Magkukwento ako o mag-aaway na naman kayo jan?" Parang aso't pusa talaga to si Jia at Ate Ella pagmagkasama.
"Ay sorry Jho. Sige na kwento ka na ulit." Sabi nilang dalawa.
Kinuwento ko naman yung nangyari sa mall hanggang sa pag-iyak ko don sa kotse ni Bea. Yung mga mukha nila di maipinta. Kaya alam kong may mga follow up questions talaga to.
"Teka nga muna Jho. Sino naman si Beatriz? Parang ngayon ko lang narinig yang pangalang yan ah." Tanong ni Jia habang nakataas ang kilay. Naku patay! Hindi pa nila alam ang tungkol sa arranged marriage at hindi ko din alam kong sasabihin ko sa kanila.
"Ah..Eh.. Ka-kaibigan ko. Kaibigan ko si Beatriz." Bat ba ako nauutal ako. Masyado tuloy halata na nagsisinungaling ako.
"Eh bat hindi naming kilala?" Pag-uusisa ni Ate Ella.
"Hindi nyo kilala kasi nga sa US nag-aral ng college. Anak siya ng bestfriend ni Papa." Pagpagpaliwanag ko.
"Di bale, papakilala ko kayo mamaya. Susunduin niya ko eh."
YOU ARE READING
You (Jhobea)
FanfictionWhat if you're trapped in a situation with your least favorite person in the world? What would you do?