TLLEP 28 : Maze:

22.1K 537 22
                                    

Edited version : 1/28/18



Cess POV


"Babe, hindi ka pa matutulog?" tanong ko kay kenji na nasa veranda. Nasa kwarto nya kasi ako, Girlfriend nya naman ako ah, walang malisya dun.

"hindi pa, mamaya na lang siguro." sabi nya. What's wrong with him! Siguro dahil na naman to kay athena na yun. 

Pinuntahan ko sya sa may veranda at naupo ako sa tabi nya, sinandal ko yung ulo ko sa balikat nya at pinagmasdan ang langit na punong puno ng mga bituin.

"Alam mo matagal kitang hinanap dito lang pala kita makikita." sabi ko with matching sweet voice

"Matagal din kitang hinanap, akala ko mawawala ka na sa buhay ko."sabi nya at sinandal ang ulo nya sa ulo ko.

"Tara na sa loob, ang lamig na oh" sabi ko at tumayo na,

"Mauna ka na, susunod ako."sabi nya sabay ngiti sa akin.

"Okay."  sabi ko at pumasok na sa loob.

Kenji's POV

Bakit pakiramdam ko nag iba sya sa dating princess na kilala ko? Hindi na sya tulad ng dati na cold magsalita, bakit pakiramdam ko si athena si princess? bakit ? naguguluhan na ako.


"Shoot. nabitin."


Tumingin ako sa paligid kung saan nanggaling yung boses at nakita ko si athena?


"Huy! sinong tinitignan mo dyan?"  sabi ni cess sabay pumunta ulit  sa veranda


"diba yung pinsan yun ni ericka? ano nga ulit pangalan nun? Athena? di bagay sa kanya, pwede pa yung LOSER o kaya WHORE." sabi nya sabay tawa ng mahina.

"wag mong pagsasalitaan ng ganyan si athena, hindi mo sya kilala at wala kang alam tungkol sa kanya." seryosong sabi ko

nabigla naman sya at huminto sa pagtawa.


"K. saan naman pupunta yung los--- athena na yan. ang lalim na ng gabi oh." sabi nya na halatang may pagkainis ang tono

"hindi ko alam, susundan ko sya dito ka lang." sabi ko at tatalon na ng veranda pero pinigilan nya ako.

"sasama ako!" sabi nya.

"dito ka lang." - sabi ko naman

"SASAMA AK----"

bigla kong tinakpan yung bibig nya

"oo na sumama ka na." - sabi ko at medyo hinawakan ko sya sa bewang, hindi ako nanananching syempre tatalon ko sya, mamaya kung ano pang mangyari dito eh.


sinundan namin sya papuntang gubat teka may gubat sa loob ng mansion nya? Teka nawawala na sya sa paningin namin.

"K-ke-kenji! napapagod na ako."  hingal na hingal na sabi nya.


"mawawala sya sa paningin natin pag nagpahinga tayo," sabi ko at hinila sya patayo.


"Ano naman nga---- AHHHHHHHHHH KENJI!!!." - sigaw nya at isang maze ang nabuo sa lupa.


WTF? bakit may maze dito? 



Athena's POV

Sht! Ang aga naman nya inilabas yung maze at parang kanina ko pa nakikiramdaman na parang may sumusunod sa akin o guni guni ko lang?

"The Maze has begun, you and the other two must walk to the path of the sun." sabi ng isang boses


tatlo? alam ko ako lang mag isa dito?

"CESS NASAN KA NA?!" rinig ko sa di kalayuan. Kenji? 


Tumakbo ako sa direksyon kung saan nanggagaling yung boses. Si kenji nga.


"Kenji?"

"Athena?"

"Anong ginagawa mo dito?" sabay naming tanong.

"Sinusundan mo ba ako?"  sabay ulit naming tanong.

"Hindi ahh."  sabi nya

"bakit ka ba nandito?"  tanong ko

"ginala ko kasi si cess dito, tapos bigla tong lumitaw." -sabi nya


Tss. nakakasagabal silang dalawa sa pagsasanay ko,

"Tulungan mo ako hanapin natin si cess please athena." sabi nya sa akin at hinawakan nya yung dalawa kong kamay.

*dub.dub.dub*

bakit ganto? nag iinit yung mukha ko? can you tell me what's happening on me? 

"please?" lalo nya pang hinigpitan 

feeling ko sobrang init. Fck what's happening? 


"O-oo na." sabi sabay pwersang kinuha pabalik yung kamay ko,


WHAT'S WRONG WITH ME?!


Ericka's POV


"pero mama? kailangan nya ba talagang malaman?" tanong ko kay mama na kausap ko sa phone

(kailangan yun ericka, kailangan mong sumama sa paglalakbay nila athena)

"bakit naman?" tanong ko

(Tandaan mo isa kang elementalist ericka at isang elemental guardian ang mama mo. Ang trabaho natin ay pangalagaan ang elemental mage.)


"k. sasama na ako." - sabi ko at hinang up na yung tawag.


di nyo alam? or hindi sinabi sa inyo ng author? Ang sama ng babaeng to :3 hindi man lang sinabi sa mga readers na isa rin akong elementalist tulad nila athena. well my real name? Shanaia Arish Buvelle. Lightning manipulator and also a pyrokinesis. Owwss .. ngayon kilala nyo na ako. haysss ... ayaw ko pa namang may makaalam na isa akong elementalist user. Well anong magagawa ko? may bussiness sila mama sa mortal world kaya nandito ako.

nasa may rooftop ako, nakahiga sa bubong. Oo na kahit mayaman ako may mga ugaling kalye rin ako no! SUS ako pa. Wait nga lang .. 3 years ko na ring di nagagalaw yung kapangyarihan ko eh.

"Lightning balls." - sabi ko at may lumabas na bola ng kidlat sa kamay ko,

*TING*

Ano y---- AHHHHHHHHHHHHH ........

--------------------------------------------------------

The Long Lost Elemental Princess [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon