TLLEP 8.2

22.3K 530 3
                                    

Hi guys napansin nyong may bago akong nilagay na chapter, hehehe. I'm trying myself para bumalik sa wattpad pero wala ih. Huhuhu. Anyways dig in guys! Hehe.

Athena's POV

Sobrang lakas naman ng lalaking to at hindi ko makontra yung spell nya. Pero pinilit ko pa rin. At sa wakas! Nakuha ko na yung kunai ko sa tagiliran, napansin nya na ata kaya napalingon sya sa akin.

"Paano m----" nagulat sya sakin nang ibato ko sa kanya yung nahawakan kong kunai, umilag sya pero huli na natamaan na yung singsing sa kanang kamay nya.

Matapos kong matamaan yung singsing nya bigla na akong nakagalaw at bumalik sa dati ang daloy ng oras, huli ka. You messed with the wrong girl dear. Mukhang hindi naman napansin ng mga tao na nagbago yung flow ng oras.

"Tsk tsk, bwiset kang babae ka." Pagtapos non ay agad na syang umatake sa harap ko.

Naglabas sya ng dagger sa kaliwa nyang kamay sabay tumalon sa likod ko. Naiwasan ko naman saka tumakbo palayo sa kanya binato ko sya ng kunai pero agad nyang nasangga ito saka atake ulit sa akin. Nagpalabas ako ng fire ball sa kamay pero kinontra nya ito ng water ball, may kakaiba lang sa ginawa nya.. kulay itim yung tubig.

Woah hindi lang pala sila normal na dark elementalers, pati rin pala yung elements na nilalabas nila itim rin. No wonder pati kaluluwa nila kasing itim din ng nilalabas nila.

"Sawa na ako makipaghabulan sayo, bata. Hayaan mong tapusin na kita." Sabi nya.

Lakas nya naman makapagsabi ng tapusin eh kanina kakasabi nya lang yan eh hanggang ngayon buhay pa ako tsk. Anong akala nya ganun lang kadali yon.

"Dami mong satsat, tapusin mo kung kaya mo." Malamig na sabi ko, saka nagpakawala ng water balls sa kamay ko, pinatama ko ito sa taas, saka kinuha yung kunai ko. Nag concentrate ako at pinainit yung kunai na hawak ko para maging fire kunai ito, wow. Nag iimbento ako ng sarili kong weapon dito.

Sumusugod pa rin sya sa akin, pansin ko lang na mahina sya sa pag iisip basta sugod lang sya ng sugod, ganto ba lahat ng makakalaban ko?

Tumalon ako sa ere saka ko winasiwas  yung kunai ko at tumama ito sa mga water balls na nagkalat. Nag create ito ng usok mula sa pagtama ng init at tubig. Agad akong nag cast ng isang spell para humalo yung poison sa tubig at isa pang protective spell para sa nasa arena kasama ang mahal na hari at reyna at sa akin.

"Kahit anong gawin mo hindi mo ako matatalo." Nakangiting sabi nya. Winasiwas nya yung dagger na hawak nya at nag iba ito ng anyo, naging isang samurai ito.

Isang wasiwas mula sa samurai nya at nadissolve yung ginawa kong acid rain. Ang lakas nya talaga. At sobrang astig nung pag iba ng weapon nya dagger to samurai. Wait.. hindi ito ang oras para mamangha ka athena.

Sampung minuto na lang ang nalalabi sa orasan, medyo nanghihina na rin ako dahil sa sunod sunod kong pag cast ng spells, mukhang hidi pa ako sanay sa matagalang laban. Huminto yung lalaki sa pag atake at ngumiti sa akin, hindi lang yung normal na ngiti pero ngiting parang may binabalak.

Nakatayo lang sya doon at yung aura nya nagbabago, yung samura nya nagbabago din ng hitsura. Naging itim ito at medyo lumaki kumpara kanina, may ancient writings din ito na hindi ko mabasa at may red something ang nakalagay. May kakaiba akong naramdaman, madadamay ang mga tao dito sa arena.

----

Sean POV

Bumigat yung atmosphere dito sa loob ng arena at parang may kakaiba nang nangyayari sa baba kung saan naglalaban yung abaeng nakita ko kanina at yung isang lalaki na kakaiba yung aura.

"Anak, nung napanaginipan ko si Hera, may sinabi pa sya sa akin." Sabi sa akin ni ina.

"Ano po iyon ina?" Tanong ko,

"May mangyayaring di maganda sa kalagitnaan ng isang laban, at yung kaharian natin ay manganganib. Ang tanging makakapagligtas lang sa atin ay yung babae." Sabi nya, Agad akong napatayo sa kinauupuan ko at saka nagpatawag ng gwardya.

"Ipatigil ang laban sa baba, palikasin ang mga tao sa loob ng arena. Bilisan nyo!" Utos ko, agad namang sumunod ang mga kawal.

"Anong nangyayari Sean?" Nangangambang tanong ni ina.

"Siguro ina ang tinutukoy nyo ay ang naglalaban ngayon sa baba." Sabi ko, tumayo na ako sa aking kinauupuan, "Dito lang kayo akin ina, tutulong po ako."

"Mag iingat ka akin anak,"

----

Habang pinapalabas na ng mga gwardya ang mga tao ay nakita kong nakikipaglaban parin yung babae madami na syang natamong sugat. May paparating na dagger sa kanya pero mukhang hindi nya nakita kaya tumakbo ako para salagin yung dagger gamit ng shield na dala ko, mukhang nagulat sya sa pagdating ko.

"Uh.. hi?"

Shet ang awkward pero bahala na, nakatingin lang sya sakin pero nakakunot yung noo nya. Baka naweirduhan nga.

"Isang agaw eksena sa paningin ng prinsesa, kahit magsama pa kayo hindi nyo ako matatalo."

Ang yabang ng lalaking to. Nakita kong nagbago yung expression nung babae, narinig kong nag curse sya pero i find it cute tho. Ano ba! Hindi ito oras para mamangha ako sa babaeng to.

"Mabubuhay sya, mabubuhay. Hindi nyo na kami mapipigilan." Tawang sabi nung lalaki, para na syang nababaliw na ewan.

"Malala na sya," sabi nung babae sabay tingin sa akin. Tinuro nya yung water blade na hawak nya. Di ko sya magets nung una pero nagets ko naman nung huli.

"Umatake ka sa harap, try to distract him. He's insane at wala na sya sa katinuan. Habang umaatake ka sa unahan, pupunta ako sa likod nya to finish him down, isusupport pa rin kita though." Paliwanag nya. Tumungo lang ako bilang sagot, wala talaga akong naintindihan sa sinabi nya ang naintindihan ko lang is ididistract ko lang to.


---

Athena's POV

Sana naman naintindihan ako ng lalaking to, hindi ko sya kilala pero dahil sa suot nya napagtanto kong isa syang prinsipe, siguro ng water kingdom since yung crest na nasa damit nya eh symbol ng water kingdom.

Matapos kong sabihin yon ay agad syang tumayo at humarap dun sa lalaki. Tumayo na rin ako mula sa pagkakaupo. I mouthed 'goodluck' pero mukhang hindi nya napansin yon, kaya agad akong tumakbo papalapit sa kalaban, nakita ko naman na nakasunod sya sa akin. Nagpakawala ako ng earth balls sa taas saka binagsak sa kalaban, agad nya naman itong nahati sa gitna. Pumunta na ako sa likuran ng kalaban habang yung kasama ko patuloy na iniiwasan yung wasiwas ng espada ng lalaki. Naglabas na sya ng water sword at ako naman nilabas ko yunh water and fire twin sword ko, nauubusan na rin ako ng lakas siguro eto na ang huling atake na magagawa ko.

Nagsimula na kaming umatake, nakalapit na kami sa lalaki. Inatake nung kasama ko yung ulo at pinuntirya ko naman yung puso nya. Huminto ang lahat, biglang nag slow mo ang mga kilos namin at ng buong paligid. Bumagsak sa sahig ng arena yung espada ng lalaki at biglang sumabog.


----


The Long Lost Elemental Princess [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon