Tangina. Ang sakit. Hindi yata ako makaka galaw pag susubukan kong tumayo. Pucha. Ang sakit. Noona T^T ang sakit T^T.
Pano naman kasi T^T namamalo eh. Binti hanggang braso. Ang sakit. Huhuhu T^T. "Ate naman, ang sakit. Mag hindi na yata ako makaka galaw dahil sayo." sabi ko.
"Kanina pa kaya kita pinag papalo tapos tulog ka pa din. Pumunta ka na nga sa banyo, naka taas yang kalalakihan mo." sagot ni noona at lumabas ng kwarto ko.
Tumayo ako kagad at pumunta sa banyo. Himala. Maagang gumising si Yoongi ngayon. Pano naman kasi, si noona ang nag gising sa amin.
Naligo na din ako at nag bihis tsaka bumaba sa kusina. Nakita ko si Yoongi na tinutulongan si mama sa pag luluto. Puquenene ni Neneng. Nananaginip ba ako? Anong pinakain sakanya ni noona? Biglang bumait si Yoongi. Tinutulongan ni Yoongi si mama sa apoy kasi hindi yata nanaman gumagana yung gas stove namin. Letse. Uutusan ako ni mama na bumili ng gasul. "Hobi, gising ka na pala." sabi ni mama. Tulog pa po siguro -_-
"Pinag papalo kasi ako ni noona." sagot ko.
"Buti pa ako, pinag sabihan lang na cute nagising kagad. Tsk tsk." sulpot ni Yoongi at papakyuhin ko sana kaso andito si mama.
"Hobi, bili ka ng gasul mamaya. Yung 14.3 o 14.7. Ito pera oh, pang bili." sabi ni mama at nag abot ng isang libo.
"Pero, ma, baka hindi ko mabuhat." sagot ko at kinuha yung isang libo. Sabi sainyo uutusan akong bumili ng gasul.
"Nasaan yung pinag mamalaki mong muscles at abs mo?" tanong ni noona habang kumakain ng almusal.
"Pakyu, noona." mahina kong sabi. Yung hindi maririnig ni mama.
"Mag patulong ka kay Yoongi o kay Jimin." sagot ni mama sa problema ko.
"Okie." sabi ko at umupo na.
Kumain na kami ni Yoongi ng almusal at mga ilang minuto lang ang lumipas, may nag doorbell. "Ako na mag bubukas." sabi ni noona at tumayo para buksan yung pinto.
Kumain lang ako at hindi ko pinansin kung sino yung kumatok. "Good morning po, tita. Good morning, noona." bati ni Jimin.
"Sabay ba kayong tatlo ngayon?" tanong ni mama.
"Opo. Ano po ginagawa ni Yoongi hyung dito?" sagot at tanong ni Jimin.
"Nakitulog ako kasi swag swag swag." sagot ni Yoongi.
"Jimin, saglit lang ah. Tapos naman na ako at si Yoongi yung hihintayin natin dahil ineenjoy pa yung hotdog." sabi ko.
"Okay lang, hyung." sagot ni Jimin.
"Kumain ka na ba, pandak?" tanong ni noona.
"Kumain na ako, noona. Wag na po kayo mag alok ng pagkain." sagot ni Jimin. Bwisit ka talagang pandak ka. Bakit ang cute niyo ni Yoongi?
Nag ayos na ako at kinuha ko yung bag ko. "Hoy, marunong ba kayo mag hintay?" tanong ni Yoongi habang sarap na sarap sa kinakain niyang hotdog.
"Nag hihintay naman ako, hyung." sagot ni Jimin.
"Bakit ang cute niyo ni Yoongi? Nakaka gigil." sabi ko.
"JiHope? YoonSeok? Ano ba talaga?" tanong ni noona.
"YoonMin bente tres walang titibag." sagot ni Yoongi at natapos na ding kumain.
Tumayo na si Yoongi at naunang lumabas ng bahay. "Hoseok, yung pinapabili kong gasul ah." sabi ni mama.
"Opo, ma. Alis na kami. Babye." sabi ko at hinalikan si mama sa pisngi.
Lumabas na kami ni Jimin ng bahay at nakita namin na naunang nag lalakad si Yoongi. Kingina. Sa gitna pa talaga ng kalsada ah. "Yoongi hyung!" sigaw ni Jimin at tinulak si Yoongi kasi may papadaan na kotse.
"CHIMCHIM!" sigaw ko at tinulak ko naman si Jimin.
"Ulol niyo." sabi ni Yoongi at sinagip kami ni Jimin.
Binaba kami sa bangketa na pinag lalakaran namin at tinago na niya mga pak pak niya. "Jimin, Hoseok, okay lang kayo? Nasaktan ba kayo? May masakit ba?" dire-diretsong tanong ni Jin hyung tapos tumakbo sila ni Taehyung papalapit sa amin.
"Chim, Hobi, nagalusan ba kayo? Sabihin niyo lang sakin pag may masakit, gagamutin ko." sabi naman ni Taehyung. May healing powers eh.
"Tangina niyong dalawa. Si Hoseok siguradong may galos baba niyan. Este yung tuhod at kamay niyan hehe." sagot ni Yoongi.
"Tangina mo toh. Kung may galos man, okay lang ako at least hindi nagalaw yung gwapo kong pag mumukha." sabi ko.
"Mag lalakad kayo o mag papalate kayo? Kingina. Kanina pa kayo gumagawa ng eksena diyan." sumulpot naman si Namjoon at kasama niya si Jungkook.
"Edi mag lalakad na." sagot ko at nag lakad na ulit.
Aray. Ang sakit ng mga tuhod ko. Gagu naman kasi si Yoongi. Ibababa na nga lang ako sa may tuhod ko pa.
Nag lakad na din yung iba at ako ang nauna na nakarating sa school. Naalala ko tuloy yung kagabi. Na guguilty pa rin ako.
Hinanap ko si Jeonghye pero hindi ko siya mahanap. Dito din yun nag aaral ah. Bakit wala siya? "Namjoon, Yoongi, may kilala ba kayong Shin Jeonghye?" tanong ko.
"Yung babaeng demonyo na laging naka bonnet at naka balot ang katawan dahil sa buntot niya tapos ngayon wala? Hindi." sagot ni Yoongi.
"Uror. Hindi umaattend si Jeonghye ng morning at afternoon classes. Night student yung babaeng yun kasi nasusunog siya pag naaarawan." sagot naman ni Namjoon.
"Bakit mo natanong, hyung?" tanong ni Jungkook.
"Kagabi kasi eh. Aalis na sana ako sa Garden of Eden tapos nilapitan niya ako. Gusto niya makipag kaibigan pero sabi ko no tapos napasigaw ako nun kasi nalaman kong demonyo siya. Baka kasi BI. Na guilty naman ako sa ginawa ko. Ayaw ko naman siyang sigawan kasi hindi naman kami close para sigawan ko. Nag sorry naman ako pero hindi siya sumagot. Na guilty talaga ako kagabi hanggang ngayon." sagot ko at nag paliwanag na din kasi sigurado akong mag tatanong sila.
"Anong ginagawa niya sa Garden of Eden? Hindi kaya siya nasusunog?" tanong ni Jin hyung.
"Hindi eh." sagot ko.
Umupo na kami sa upuan namin at hindi maka galaw si Jimin sa kinakatayuan. "Bakit, hyung?" tanong ni Jungkook.
"May diniscuss si Archangel Gabriel na ganyan kagabi eh." sagot ni Jimin at umupo na sa upuan niya.
"Kwento mo. Makikinig kami." sabi ni Jungkook at hinarap namin si Jimin.
"Bawal. Ididiscuss din kasi sainyo balang araw." sagot ni Jimin.
"Pano kami ni Jungkook?" tanong ko.
"Mag paalam muna ako kay Archangel Gabriel kung pwede ikwento sainyo." sagot ni Jimin.
"Bring out one half lengthwise. One to thirty." sabi bigla ni Ma'am Lucy. Bad trip. Surprise quiz. One to thirty pa.
Nag simulang mag paquiz si Ma'am Lucy at tangina, exempted dapat kami ni Jungkook dito kasi hindi namam kami umaattend ng mga klase ng mga anghel at demonyo pag gabi. Mga tao kami, hindi anghel o demonyo. Bad trip.
![](https://img.wattpad.com/cover/108406413-288-k405913.jpg)
BINABASA MO ANG
Boy Meets Evil (Jung Hoseok fanfic)
Fanfiction"Gusto mo ako maging kaibigan?! Pero demonyo ka at naabot na yung maximum na demon friends sa ratings ko kaya no!" - Jung Hoseok --- Boy Meets Evil [J-Hope ff] by: taehyungjjai © All Rights Reserved PG-13 050817 - 052817 {finished}