Sa sumunod na araw, sabay nanaman kaming pito. Pinag iisipan ko kung dapat kong kaibiganin si Jeonghye o hindi o kaya ipakita niya muna sakin na karapat dapat ko siya maging kaibigan.
Pagkapasok namin sa classroom namin, riot. Yung mga demonyo maingay at tahimik lang talaga yung mga anghel. Umupo na kaming lima at naki gulo sina Yoongi at Namjoon. Nag hiyawan naman yung mga demonyo.
"Wooh! Yoongi! Idol cheese dog!"
"Pakshet! Namjoon! Sirain mo lang!"
"Sunogin na yan! Sunogin na yan!"
"Yoongi! Ako na lang sunogin mo!"
"Landi mong babae ka! Yoongi! Sunogin mo bulaklak ko!"
"Namjoon! Sirain mo na lang ang katawan ko!"
Putek. Ayoko na makinig sa mga sinasabi nila. Ang laswa. Very no fun. "Please take your seats." sabi ni Sir Raphael kaya umupo na yung mga demonyo pero yung walang karespe-respeto na upo.
"Ngayon, may bago kayong kaklase. Pag bigyan niyo na kung bakit balot na balot siya kasi allergic siya sa araw, bawang, at holy water. Pumasok ka na." dag dag ni Sir Raphael tapos may pumasok na babae. Si Jeonghye.
"Ako si Shin Jeonghye. Kilala ko na kayong lahat at kaya kong hulaan ang mga mangyayare. Maya't maya, mahuhulog si Namjoon sa kinauupuan niya kasi biglang nasira yung upuan." sabi ni Jeonghye.
"Weh? Di ng-- PUTANGINA!" sigaw ni Namjoon kasi biglang nasira yung upuan at napaupo siya sa sahig.
"Tapos susunogin ni Yoongi yung blackboard kasi hindi siya maka tulog ng maayos." dag dag ni Jeonghye.
"Anak ng kambing. Tumahimik nga kayo! Natutulog ako dito!" sigaw ni Yoongi at sinunog yung blackboard.
"Aish. Jeonghye, wag ka ng mang hula, please. Free time niyo muna kasi mag papalagay kami ng bagong blackboard. Class dismissed." sabi ni Sir Raphael at lumabas ng classroom.
Nag hiyawan yung mga demonyo habang nag "aww" yung mga anghel.
Habang may kanya kanya kaming ginagawa, may lumipad papasok na kalapati. Yung kalapati ni Jimin. "Jin hyung, pinapatawag ka ni Ma'am Cassandra. May daw kayo ngayon." sabi ni Jimin habang nasa daliri niya yung kalapati.
"Sunogin na yang kalapati ni Jimin!" sigaw ni Namjoon at muntikan ng sunogin yung kalapati pero agad namang pinalipad ni Jimin.
Putangina. Ang cute ni Jimin. Bakit kasi naka pout ang mochi namin?
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Yung puso ko T^T yung kawawa kong puso T^T. Jimin, bakit? Bakit mo ako sinasaktan? T^T ohmyghad. "Tangina." sabi ko at hinawakan ko yung dibdib ko "Hindi ako makahinga. Putek. Jimin kasi. Bakit ang cute mo pag mag papout ka?" dag dag ko.