chapter 10

16 4 1
                                    

[Hoseok's POV:]

"Mahal kita." sabi ni Jeonghye tsaka nahimatay.

Isang pangungusap, dalawang salita, siyam na letra, pag sasabihin mo dapat totoo. Bakit parang gustong-gusto ko naman?

Binuhat ko na si Jeonghye at dinala sa bahay ko. Duguan yung mga labi niya. Mukhang malambot ah. Pakyu, J-Hope. Manyak mo.

Pagkadating ko sa bahay ko, hindi ko pinansin si noona at mama at diretso kong dinala si Jeonghye sa kwarto ko.

Nilapag ko siya sa kama ko at hinayaan na matulog. "Hoseok!" sigaw ni noona at sinensyasan ko siya na wag maingay.

"Sino yan? Bakit kung buhatin mo parang bagong kasal kayo? Asawa mo? Bakit hindi mo ako inimbita sa kasal niyo? Anghel ba? Kailan pa kayo kinasal?" dire-diretsong tanong ni noona kaya tinignan ko siya ng masama.

"Kaibigan ko lang si Jeonghye," kaibigan ko na nga ba? Oo na lang.

"Demonyo siya at naawa ako sakanya dahil sa kalagayan niya. Sabihin na lang natin na naaawa ako sakanya dahil sa buong siya." dag dag ko.

Inhale. Exhale. Breathe. "Iba si Jeonghye, noona. Siya yung ibang klase na demonyo. Hindi siya masama, nakakaawa siya ng sobra sobra dahil sa nakaraan niya. Dawon noona, pwede bang iwan mo muna kami ni Jeonghye?" mahinhin kong pagkakasabi.

"K. Wag mong gagapangin ah." sagot ni noona.

Sinamaan ko siya ng tingin tsaka siya umalis. Bakit ako naaawa ng todo kay Jeonghye? Ganyan ba kalala ang nakaraan niya kaya niya kailangan ng kadamay?

Umupo ako sa tabi niya at inayos yung pagkaka higa niya sa kama ko. Sa sahig yata ako matutulog ngayon. Ay tanga. Double deck pala tong kama ko.

Hinawakan ko si Jeonghye pero mainit siya. Putahamnida. Ganyan ba ang mga demonyo pag may sakit? Kasing init nila ang impyerno?

Kumuha ako ng makapal na kumot at pinatong kay Jeonghye. Napatitig naman ako sakanya habang kinukumotan siya. Maamo ang mukha. Pinkish ang mga pisngi at labi. Mahahaba ang mga pilik-mata. Alagang alaga ang buhok

Ba't ang manyak ko? Puta. Sa ngayon, habang ganito si Jeonghye, ako muna mag aalaga sakanya. Nag bihis naman ako para hindi ako mukhang mayaman na pang-alis na damit ang suot sa bahay.

Bumaba muna ako para kumain ng tanghalian at pagkababa ko sa kusina, "Hoseok, sino yung babaeng yun at halatang demonyo siya." sabi ni eomma.

"Ma, kahit mukhang demonyo yun mabait yun," sagot ko "Kaibigan ko, si Jeonghye." dag dag ko.

"Anyare sakanya?" tanong ni noona at umupo na.

Umupo na din ako at nag simulang mag paliwanag. Hindi ko alam kung bakit habang nag papaliwanag ako parang damang dama ko yung pinag daanan niya at parang gustong-gusto ko ikwento yung tungkol kay Jeonghye.

"Ba't mukhang enjoy mo ang pag kwekwento tungkol sa Jeonghye na yan?" tanong ni noona.

"H-Huh?" sagot ko.

"Dati akong Psychologist sa atin kaya napapansin ko. Sabihin. Mo. Na."

"Sabihin ko ang ano?"

"Iwan ko na kayong mag kapatid diyan. May bibilhin ako sa palengke." sabi ni mama at umalis na si mama para pumunta sa palengke.

Pagkaalis ni mama, lumapit sakin si noona. "Gusto mo si Jeonghye noh? Mahal mo na ba siya? Sabihin mo sakin, Hobi." dire-diretsong sabi ni noona.

"Hindi ko alam." sagot ko tapos tumayo para tignan kung may dessert sa ref. Huehue.

"Walang ice cream."

"Saklap naman."

"Mahal mo na ba si Jeonghye?"

"Hindi ko alam."

"Kilala mo sarili mo."

"I know, I know, I know myself. Yo, playa hatas you should love yourself. Brr--"

"Cypher part four pa more."

"Pake mo, noona?"

"Tsk. Matutulog ako baka sakaling maging mas matangkad ako kesa sayo."

"Weh, noona. Hindi ka na tatangkad."

"Lul. Bibili ako ng cherifer, growee, at gloc-c."

"Walang bisa yan. Mag sama kayo nina Yoongi hyung at Jimin."

"Pwe. Ikaw mag bantay dito sa bahay."

"Andun pero ako sa kwarto ko."

"Babantayan mo si Jeonghye? Ilock mo yung mga pinto pag aakyat ka na sa kwarto mo."

"Hoy, noona, ikaw mag hugas ng mga pinggan ngayon."

"Ay oo nga."

Kinuha ni noona yung mga pinag kainan namin at siya yung nag hugas ng mga pinggan. Umakyat namam na ako sa kwarto ko at tulog pa din si Jeonghye.

Tumabi ako sakanya at pinag masdan ko siya habang natutulog. Ang ganda talaga ni Jeonghye. Sana, hindi ka na lang talaga naging demonyo. Mag kakagusto talaga ako sayo. Sayang ka. Swerte mo pa naman pag nag kagusto ako sayo. Aalagaan kitang mabuti at lagi kitang papangitiin.

Habang minamasdan siya, naka iglip ako.

"AHH!" sigaw ng isang babae galing sa sala.

Napansin ko na tulog pa din si Jeonghye. "Noona." sabi ko tapos agad akong bumaba.

Pagkababa ko, nakita ko siyang nakatali sa upuan. "Lam mo, ang ganda ng ate mo." sabi ng isang lalaki.

"Wait lang," sabi ko nung napansin kong pamilyar yung boses niya "Jinyoung?"

"Nak ng putragis, Hoseok."

"Park Jinyoung na dating Junior. Diba pinalitan mo pangalan mo kasi kadiri? Huehue."

"Tangina mo, Hoseok. Tulongan mo ako dito bago ako rapin ng lalaking toh. Ay wait, gwapo ka naman hehe." sabi ni noona.

"Bahala ka na sa noona ko ah." sabi ko at aakyat na sana ako sa kwarto ko kaso...

"Dawon my la-- TANGINA. PARK JINYOUNG?!" sigaw ni Yoongi.

"Yoongi hyung, dinaig mo pa si Youngjae sa kakasigaw." sagot ni Jinyoung.

"Swag. Bakit pala naka tali ang swag swag baby ko?" tanong ni Yoongi.

"Hmm... ewan ko kay otor. Para patayin siguro?" sagot ni Jinyoung.

"Susunogin muna kita bago mo patayin si Dawon." sabi ni Yoongi hyung.

"Eksena niyo yan. Balik na ako sa kwarto ko. May binabantayan ako." sabi ko at tuloyan ng umakyat sa kwarto ko.

Pagkaakyat ko sa kwarto ko, wala na si Jeonghye. Maligpit yung kama at naka bukas yung pinto sa balkonahe. May napansin naman akong sulat sa ilalim ng unan kaya kinuha ko at binasa.

Dear J-Hope,

Thank you kasi nag alala ka sakin. Salamat na din kasi dinala mo ako sa bahay mo imbes na sa bahay ko. Mawawala muna ako ng ilang araw. May bibisitahin lang. Yung sinabi ko kanina bago ako mahimatay, inaamin ko yun. Mahal talaga kita, Jung Hoseok. Kaya nga ako nakikipag kaibigan sayo nung una. Take care of yourself and wag mo na akong hanapin pag hindi na ako bumalik.

Signed by,
Jeonghye

May bibisitahin? Sino? Baka si Wonwoo. Wait lang... ANONG HINDI BABALIK?!











Boy Meets Evil (Jung Hoseok fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon